Chapter 4

6 0 0
                                    

Layla POV

Maaga akong ginising ni mommy para ihanda ang mga kailangan kong dalin sa sinasabi nilang probinsya daw namin. Dinala ko lang ang mga gamit sa pang araw araw hindi kona dinala lahat kasi baka bumalik pa kami dito sa manila.

"Ready ka na ba anak?"medyo nagulat ako sa pagsulpot ni mommy, hindi man lang kumatok.

"Ready napo mom" sagot ko dito at ngumiti. Tinulungan na nya akong dalin ang mga gamit ko sa ibaba at nagalmusal narin dahil malayo pa daw ang byahe papunta doon.

Nagtataka ako dahil never ko pang narinig yung probinsya na tinutukoy nila at hindi ko alam kung nakapunta na ako doon o hindi pa. Sa pagiisip isip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Dad gusto kong maging kaibigan si mari kaso ayaw nya akong pansinin at ang sabi nya pa masama daw ako " sumbong ko sa aking daddy dahil sa ginawa ni mari na anak ng tito ko.

"Bakit kailangan mo pa syang kaibiganin anak eh nagagawa mo naman ang lahat ng gusto mo" sabi ni dad "at isa pa tututol lang sya sa gusto mong gawin ayaw mo naman ng ganun diba anak?" Dugtong nya pa. tama naman si daddy hindi ko kailangan ng kaibigan.

Lumabas ako ng bahay para sana maghanap ng bago kong maaalagaan at nakita ko si maro ang kuya ni mari kaya nilapitan ko sya at ginulat.

"Ano ba kitty wag ka naman manggulat, pano kung atakihin ako sa puso alam mo naman na may sakit ako sa puso diba?" Hindi ko alam kung tanong ang pagkakasabi nya o hindi kaya sinagot ko nalang sya ng oo.

"Hindi ko alam maro pero masaya ako dahil sa reaction mo at mas masaya ako na nakikita kang namumutla dahil sa ginulat kita" sabi ko dito at tila naman sya napako sa kinatatayuan dahil sa sinabi ko, totoo naman kasi.

"Anak ka talaga ng demosjksksk"

"Sweetie gising na nandito na tayo, napasarap ata ang tulog mo" mukha ni mommy ang bumungad sakin. Ang bilis naman namin makarating parang kakatulog ko lang eh di bale na.

Habang ibinababa ang mga bagahe ay naalala ko ang panaginip ko kanina lang at parang iisang panaginip lang ang napanaginipan ko. Hindi ko nalang iisipin at baka mapaisip pa ako lalo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret UntoldWhere stories live. Discover now