121

929 24 17
                                    

MESSENGER
November 26, 2022 | 10:11 PM
Mercedes Olesco

Merced:
Gising ka pa bayaw?

Tyler:
Oo ate

Merced:
Good good!
Sige sisimulan ko na ang kwento
Mas maganda siguro kung magsisimula tayo sa simula para mas maintindihan mo 😊

Tyler:
Sige ate

Merced:
Hindi ako tunay na anak ni mama dahil anak ako ni Papa sa ibang babae
Half sister ko lang si Maddie
Gulat ka no? Hahaha

Tyler:
Hindi ba to prank?

Merced:
Totoo yan bayaw! Akala ko nga napansin mo dahil hindi kami magkamukha ni Maddie dahil mas kamukha ko si Papa tapos si Maddie naman ang kamukha ni Mama
Ang kwento ni mama samin, nung pinagbubuntis niya si Maddie noon, umuwi raw si Papa na bitbit ako at sinabing ayaw akong alagaan ng prostitute kong nanay kaya walang nagawa si Papa at inuwi nalang ako

Tyler:
I don't know what to say

Merced:
You don't have to say anything bayaw :)

Merced:
So ayun na nga, babaero kasi ang tatay namin tapos mahilig din uminom, pero ang pinakamasaklap siguro na ginawa niya ay nung simulan niyang pagbuhatan ng kamay si mama

Merced:
Bata pa kami ni Maddie nun, 7 yrs old ata ako tapos 5 yrs old naman si Maddie
Natatandaan ko na puro pasa sa braso at mukha si Mama tuwing uuwing lasing yung tatay ko

Merced:
Mabuti nalang at isang gabi hindi na umuwi si papa at sinabi samin ni mama na hindi na siya uuwi pa dahil sumakabilang bahay na siya

Merced:
At hindi pa diyan nagtatapos kung bakit naging ganon ang trauma ni Maddie sa mga lalaki
Madalas kasi siyang lokohin ng mga nagiging boyfriend niya, kung hindi siya sasaktan, mangbababae naman, tapos idagdag mo pa yung nangyari rin sa boyfriend ko na iniwan ako pagkatapos akong buntisin

Merced:
Wala ni isang lalaki na dumating sa buhay namin ang matino, kaya naging ganiyan si Maddie
Naging mailap siya sa mga lalaki dahil tingin niya pare-parehas lang ang mga lalaki na sasaktan siya

Tyler:
Thank you ate
Thank you so much for telling me all of this
Ngayon mas naiintindihan ko na si MJ kung bakit takot siyang papasukin ako sa buhay niya

Merced:
No worries bayaw!
Wish ko na sana mas makita niya kung gaano ka kaiba sa mga ibang lalaki na dumating sa buhay niya

Tyler:
That's my wish too ate
Because I would never ever hurt her and my feelings for her is real

Wrong Encounter (Wrong #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon