03

971 38 2
                                    

December 16, 2021

CHAPTER THREE

Ashtine's pov.

Papunta na sana ako ng room ng biglang may bumangga na naman sa'kin, siya na naman.. hindi ko alam kung nanad'ya ba talaga siya sa'kin o gusto lang niyang mag-papansin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, pero anong magagawa ko? I'm just a exchange student here.

"Nanad'ya ka ba talaga? Halata kasing nantritrip ka lang sa'kin." sabi ko naman sa kanya kaya naman halus lahat ng mga students dito ay napatingin sa'ming dalawa.

"Buti alam mo." nakangising sabi naman niya sa'kin, subrang higpit 'yung pag-kakahawak niya sa'kin.

"What the— pwede ba biwatan mo'ko?" inis na tanong ko naman sa kanya kaya naman nakarinig ako ng mga bulong-bulongan.

"Hindi ko alam kung bakit ganyan si Yumi."

"Attention seeker."

"Hayaan mo na, baka marinig pa tayo n'yan baka tayo pa ang isunod sa pag-tripan niya."

"Mas matanda sa kanya 'yung binubully niya, and exchange student 'yan."

"Wala talagang ginawa sila Cassy at Alex syempre, kakampihan nila 'yung kaibigan nila."

"Tara na." napatingin naman ako sa dalawa niyang kasama, the other one was familiar to me, dahil naging kaklase ko na rin siya dati sa Probinsya.

"Yumi! Hindi ka ba talaga titigil?" napatingin naman 'nung biglang may sumipot na lalaki. He wasn't familiar to me, napatingin naman ako sa ID niya Engineering siya.

"Marco, pwede ba h'wag kang mangi-alam!? You know what just shut up." napatingin naman ako kay Cassy, kaya 'yung pag-kahawak sa'kin ni Yumi ay na-alis dumako naman 'yung paningin ko kay Marco.. the one who save me.. nakahawak na siya sa kamay ko.

"Cassy, ikaw pa naman 'yung Student Council pero ano? Isa ka rin sa bully dito, hindi ba talaga kayo titigil? Pati naman exchange student ng University na 'to binubully niyo rin?" seryosong sabi naman niya kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso. Halus napatulala na ako sa kanya, dahil he was my ideal guy.

"Excuse me? Paki-alam mo ba?" si Yumi.

"Hindi ko alam kung malaman 'to ng Mommy mo, Yumi." sabi naman niya saka niya ako hinarap, agad naman akong nag-iwas ng tingin saka ko binatawan ang kanyang kamay.

"Are you okay?" seryosong tanong naman niya sa'kin.

"Okay lang, medyo masakit lang 'yung braso ko, mahigpit kasi 'yung pag-kakahawak ni Yumi." nauutal na sabi ko naman sa kanya.

"Architecture?" takang tanong naman niya sa'kin kaya naman napatingin ako sa kanya saka ako tumango.

"Exchange student?"

"Ah, oo, una na ako." Sabi ko naman sa kanya, buti na lang ay may dala akong blazer dahil sanay naman akong mag-dala nito. nag-text naman ako kay Bianca na nasa cafeteria na ako, ilang minuto pa ay dumating na rin siya kasama 'yung unfamiliar na mukha sa'kin.

"Ate Ash, si Fatima at Heart." tumango na lang ako sa kanya.

"Hi, I'm Ashtine.."

"Busy ka pa rin ba sa thesis?" tumango naman ako sa tanong niya.

"Nga pala, sino 'yung Yumi Garcia? Bakit ang tunog ng pangalan niya? Kahit sa Archi Building." sabi ko naman sa kanya kaya naman napatingin siya kaila Heart.

"The one and only.. the bully." sagut naman ni Heart.

"Kahit mga graduating dito ay takut sa kanya?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Bakit? May ginawa ba siya sa'yo na hindi maganda? Teka anong nangyari d'yan sa braso mo?" seryosong tanong naman niya sa'kin.

"Wala lang 'yan." naiilang na sabi ko naman sa kanya.

"Ate 'yung totoo may ginawa ba siya sa'yo?"

"Wala talagang pinapalampas 'yan kahit exchange student." sabi naman ni Heart kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

"Okay fine, basta kapag may hindi siya magandang ginawa sa'yo, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Ano siya gold?" iritang sabi naman ni Bianca kaya naman napailing na lang ako sa kanya ng seryoso, mahina ko rin siyang binatukan kaya ayun napalingon siya sa'kin.

"What the hell is for that?" inis na tanong naman niya sa'kin kaya naman tinawanan ko na lang siya.

"Ate Ash, mapanakit.. kaya ka walang jowa, eh." natatawang sabi naman niya. I just rolled my eyes, tsaka hindi na siya pinansin.

Akala niya siguro hindi ko alam na may nanligaw sa kanya. Alam naman niyang I'm person like that na papasuk sa isang relationship alam namang aalis rin naman ako.

"Ay, nag-salita ang may may jowa? Bakit may jowa ka ba? Wala naman, ah?" natatawang sabi ko naman sa kanya kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Hanggang sa may natamaan naman ako ng tingin— the boy who got my attention earlier, 'yung naglitas sa'kin kaila Yumi.

"OMG! Heart! Si Marco! At mukhang.. papunta siya dito.." si Fatima kaya naman napatingin ako sa kanilang dalawa.. oh.. may jowa pala.

Sayang..

"Boyfriend mo?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Pinsan niya." sabi naman ni Fatima. Tumango na lang ako sa kanya.

"Ahh."

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang nag-vibrate 'yun, it was a Notification from Facebook again, friend request nila Heart at Fatima; ina-accept ko na rin 'yun, agad.

"Ako na ang mag-oorder.." si Bianca.

"Sama ako." si Fatima kaya naman naiwan kaming dalawa ni Heart dito sa lamesa.

"Architecture, tama ba ako?" takang tanong naman sa'kin ni Heart kaya naman napalingon ako sa kanya. Nasa information ko kasi is Architecture, tsaka nasa cover rin.

"Ahh, oo.. dapat nga business pero in pursue ko 'yung course na gusto ko talaga." sabi ko naman sa kanya naman napatango siya sa'kin.

"Hey.. Heart," napalingon naman kaming dalawa ni Heart ng marinig ang boses na 'yun. And it was Marco. Hindi ko alam kung bakit nandito 'to, hindi ko alam pero.. mukhang may halata naman.. na hindi ang pinsan niya ang pinunta dito.

Just be the real you, ooh, ooh,
Don't be afraid, just stay true ooh, ooh,
Don't let it bring you down
You are just perfect the way you are worth it
Just sing ooh, ooh, ooh, ooh,
Stay true, just be the real you

End of chapter 03

You by Yumi Garcia of LITZ

I'm In Love With My Enemy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now