14

861 46 11
                                    

January 26, 2022

CHAPTER FOURTEEN
TRUTH OR DARE

Bianca's pov.

Tahimik lang kami hanggang naka-isip ng malalaro namin si ate Ashtine mismo ang naka-isip mismo ng laro, which is a truth or dare. Hindi ko alam kung nakakahalata na ba siya o hindi, eh. Pero hindi naman siya manhid para hindi malaman 'yung nararamdaman ko para kay Yumi, dahil minsan kapag mag-kakasama kaming dalawa lagi ni Yumi, ay nakikita ko ring nakatingin sa'kin si ate Ashtine parang tinitignan niya 'yung mga kilos ko. Hindi ko naman siya masisi dahil alam niya kung pa'no ako ma-in-love sa isang tao.

Lalo na kapag sa taong gusto ko talaga.

"Truth or dare, huh! Wait hahanap muna ako ng maliit na bottle." si ate Ashtine saka siya tumayo at pumunta sa kusina, para mag-hanap ng bottle na iikot namin, tsaka kapag tumapat 'yun, kung sino ang natapanan siya 'yung tatanungin namin ng Truth or Dare.

"Ate Ashtine! Bilisan mo!" si Fatima, kaya medyo napaatras ako dahil mag-katabi kaming dalawa— I didn't expect that na bigla na lang siyang sumigaw.

Kahit kailan naman, ganyan si Fatima.

"Teka nga lang!" si ate Ashtine, saka siya lumabas ng kusina na may dalang bottle— 'yung maliit na bottle ng coke.

"Who's first do the spin the bottle?" takang tanong naman ni Heart sa'min kaya naman kita ko kung pa'no napangisi si Cassy at Alex.

"Si ate Ashtine, total siya naman ang naka-isip nitong game." nakangising sabi naman ni Cassy kaya naman napailing na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Rinig ko naman 'yung tawa ni Marco dahil 'dun ay napatingin ako sa kanya, kaya naman nag-pipigil siya ng tawa.

"Ate Ash, spin the bottle na po." sabi naman ni Yumi, natigilan naman ako dahil sa boses ni Yumi ang cute niyang mag 'po' kay ate Ashtine. Wala naman nang ginawa si ate Ashtine sinunod niya lang 'yun, tumigil naman 'yun kay Alex.

"Luh? Bakit ako agad?" reklamo naman ni Alex sa'min kaya naman natawa na lang kaming mag-babarkada dahil sa kanyang reaction.

"Dali na!" si Yumi.

"Truth or dare?" nakangising tanong naman ni ate Ashtine kay Alex— bagaman ay seryoso siya 'run kahit ay nakangisi siya.

"T-Truth." nauutal na sabi naman ni Alex, natawa naman si Marco na nasa tabi lang ni ate Ashtine kaya naman agad itong sinamaan ng tingin ni ate Ashtine, dahil kanina pa siya tawa ng tawa. Buti na lang ay may pinuntahan 'yung kapatid ni ate Ashtine. Pero agad rin naman silang bumalik.

"Matagal na ba kayo ni Cassy?" deretsong tanong naman ni ate Ashtine, kita ko naman kung pa'mo natigilan silang dalawa ni Cassy dahil sa taong ni ate Ashtine kay Alex, kaya naman ay natahimik sila Heart, Fatima at Yumi. Mukhang may alam rin sila tungkol sa not so secret relationship nila Cassy at Alex. Well, matagal na silang mag-kakaibigan.

"Yeah.. almost three years na." seryosong sagut naman ni Alex kay ate Ashtine, kaya naman tumango na lang si ate Ashtine kay Alex.

"Three years, sana all." si Marco, naman kaya naman napatingin sa kanya si ate Ashtine.

"Back to the game na nga. Alex, ikaw na dali." si Marco, pilit naman niyang hindi tumawa, kaya lagi siyang kinukurot ni ate Ashtine dahil parati siyang tawa ng tawa. They looked like a couple, pero hindi pa naman talaga sila. Sa pangalawang pag-lalaro namin ay kay Yumi na tumapat.

"Truth or dare?" nakangising tanong naman ni Alex sa kanya.

"Dare?" patanong na sagut naman ni Yumi, tumawa naman sila Fatima, Cassy, Heart, Alex at Marco, kaya naman nag-taka kaming tatlo nila Yumi ate Ashtine dahil sa reaction nila.

I'm In Love With My Enemy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now