Simula

2.5K 54 2
                                    

PROLOGO

"Nay," tawag ko sa aking inay na kasalukuyang inaayos ang aking damit na isusuot ko ngayong piging.

Kaarawan ko ngayon kaya naman hindi magkandaugaga ang aming mamamayan ngayong araw. Sinabi ko na sa kanila na sapat na ang munting salo-salo at huwag ng maglagay ng mga dekorasyon pero ang mismong tribo na ang tumanggi.

Ika-labing walong taong gulang na ako ngayong araw kaya naman ganoon na lamang ang pagkasabik nila sa araw na ito. Wala na ang aking Itay dahil nasawi ito noong may mga armadong lalaki ang sumugod sa aming lugar at marami ang nasawi at isa na nga roon si Itay.

"Paniguradong proud ang iyong itay," masayang sabi ni Inay. Nagkakilala sila ni Itay dahil sila raw ay nagbakasyon at hindi inaasahang nagkatagpo sa ibaba ng bundok habang nag-iikot si Inay sa likod ng kanilang tinutuluyan.

Hindi ko naiintindihan ang ibang salita na sinasabi ni Inay dahil isa iyon sa mga wikang ipinagbabawal sa amin. Ayon sa aking Inay ay lubos na ipinagbabawal ang salitang banayaga rito sa aming tribo dahil sa hindi malamang dahilan. Ipinaliwanag ni Inay na malalaman ko ri ang dahilan kapag ako ay naging ganap ng pinuno ng aming tribo.

Si Inay ay isang Filipino na may halong banyaga, ayon sa kanya. Madalas ay kinukwentuhan niya ako sa kung ano ang itsura sa labas ng aming munting kaharian. May araw na ako'y bumababa sa siyudad upang silipin iyon, na hindi alam I Inay at Itay noong nabubuhay pa siya ngunit hindi ako tumatagal doon dahil sa aking mga nasasaksihan.

Marami ang mga tao at may sinasakyan sila na gumagalaw, maraming ilaw na may iba't ibang kulay na wala naman dito sa amin, at mga kabahayang matataas na hindi gawa sa kahoy na katulad ng sa amin, pero isa ang nakakuha ng aking atensyon ang katubigan na aking nakita malapit sa mga matataas na kabahayan. Mayroon iyong mahabang linya na pinadadaususan ng mga tao pababa at ako'y nasasabik na subukan iyon.

"Handa ka na ba aming munting reyna?" Munting reyna ang tawag nila sa akin dahil nag-iisang anak ako ng aking Itay kaya naman ako raw ang susunod na mamumuno rito sa amin. Si Inay ang magsisilbing nakakataas sa konseho, sila ang unang pagdadaanan ng mga mensahe na natatanggap mula sa labas ng aming lupain upang masiguro ang aking kaligtasan.

Nakangiting humarap ako sa isang mutya at tumayo sa aking pagkakaupo." Oo, ngunit mas sapat siguro kung munting piging na lang ang ating gagawin."

"Graciela," ako ay napanguso ng seryoso ako nitong tinawag.

"Hindi ba at parang sobra naman ang piging na ito?" tanong ko kay Mutya. Mas matanda ito kumpara sa akin, hindi ako ang pinuno na inuutusan lamang ang aking mga tao dahil para sa akin ay isa kaming pamilya.

Kada taon ay tatlong mga babae o lalaki na may edad dalawampu't isang taong gulang na pinapayagang bumaba ng bundok upang maghanap ng makakasama sa panghabang buhay. Ngunit hindi na namin hawak ang kanilang isip kung mas nanaisin nilang hindi na muling bumalik dito sa amin.

Marami ang kaso na nangyari iyon at kadalasan ay mga babae ang hindi nakababalik, ayon sa mga kalalakihang kasama nilang bumababa ay may mga armadong lalaki ang kumukuha sa kanila kaya naman simula noon ay hindi na pinanhitulutan ang mga kababaehan bumababa muli.

Isa sa aking labis na ikinalungkot ay ang hindi na pagbalik ng aking kaibigang si Mayumi. Kasama siya sa mga huling bumaba at sa kasamaang palad ay hindi na siya nakabalik pa.

Kaya naman karamihan sa amin na nadidito sa aming munting tribo ay hindi maiwasang magsalita ng banyaga dahil nga galing sila sa syudad kung saan madalas na gamitin ang salitang iyon doon sa ibaba.

"Reyna, ilang beses ba naming sasabihin na espesyal masyado ang iyong kaarawan para lamang sa isang munting piging," sermon nito sa akin na muli ko na namang ikinanguso. Natawa ito ng bahagya sa naging reaksyon ko pati na din si Inay na tahimik na inaayos ang aking buhok.

Pagkatapos akong ayusan nila Inay ay pinagbihis na nila ako ng isang napakagandang dress na nag mula pa sa ibaba ng bundok. Personal na si Inay ang bumili nito kasama ang ilan sa mga bantay at pati ang ina ni Mutya dalawang buwan bago ang araw na ito.

Isa itong kulay rosas na hanggang tuhod ang haba na mayroong pahaba sa likuran na sumasayad sa lupa, 'off-shoulder' iyan ang sabi ni Inay sa aking suot. Ang aking sapatos ay isang kulay puting may takong na hindi gaano kataas na kasabay ding binili ng dress.

Medyo na hirapan akong isuot ang damit dahil namamali ang suot ng kamay ko. Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo, nakita ko sila inay na inililigpit ang mga pinang-ayos sa akin kanina. Nang mapansing lumabas na ako ng banyo ay napatakip pa ito sa bibig ng makita ang kabuoan ko.

"Ang ganda mo, anak," ani nito habang umiikot pa sa akin, " mana ka talaga sa akin."

"Walang duda iyan, Grace," pagsang-ayon na sabi ni Mutya, na siyang lalo ikinalawak ng ngiti ni Inay.

"Ito." Inilahad sa akin ni Mutya ang sapatos," isuot mo na upang makita natin ang kalalabasan," ani nito.

Inabot ko naman iyon at sinuot, tinulungan ako ni Inay ng makitang nahihirapan akong i-sara ang sa gilid nito. Pinatayo niya ako pagkatapos at pina-ikot din, pumalakpak sila ni Mutya na siyang ikinapula ng aking mukha.

"Bagay na bagay sa'yo, anak." Inay

"Napakaganda mong talaga, Audra." Mutya

Ang sabay na komento sa akin ni Inay at ni Mutya, pagkatapos kong umikot sa harapan nila upang matignan mabuti ang aking kabuoan.

Inayos muli ni mutya ang ilang hibla ng buhok kong nagulo bago lumiban ng silid upang tignan ang piging kung maayos na daw. Tatawagin na lang daw niya kami kapag maayos na at pag sumapit ang alas singko ng dapit hapon.

Pagkalabas ni Mutya ay niyakap ako ni Inay." Anak ko," malumay na ani niya habang hinahaplos ang aking pisngi," sana'y huwag kang magbabago, kahit na anong mangyari tandaan mo..." huminto sandali si Inay sa pagsasalita at bahagyang lumayo sa akin.

"Huwag mong papalamangin ang negatibong emosyon sa'yo, dahil maaaring iyon ang maging sanhi ng pagkasira ng iyong buhay, maliwanag ba?" Ani ni Inay na siyang tinanguan ko kahit naguguluhan sa gusto niyang iparating sa akin.

"Basta, tandaan mo kahit anong mangyari intindihin mo muna bago ka gumawa ng aksyon na alam mong pagsisisihan mo pag nag laon."

Stewargel's QueenWhere stories live. Discover now