KABANATA 4

1K 49 16
                                    

hehehe shorttttt update hehe

CHAPTER 4

Before the attacking

Kasalukuyang masayang nagsasalo-salo ang buong tribo pagkatapos magbigay ng mensahe ni Grace. Habang nagsasalo-salo ay ang ilang mga bata ay lumalapit kay Ciela.

"Mutya, ang ganda po ng iyong kasuotan," manghang ani ng isang pitong taong gulang na bata sa kanya.

"Hayaan mo, balang araw magsusuot ka rin ng katulad nito."

"Talaga po!?"

"Oo naman, basta maging mabait ka."

"Pangako po magiging mabait ako."

Natuwa naman si Ciela sa usapan nila ng bata ng dumako ang kanyang tingin sa isa sa taga-alaga niya na may hawak na sanggol.

Lumapit siya dito. "Brenda, kaninong anak iyan?" Tanong niya namamanghang tinititigan ang sanggol.

"Anak ko po ito, Mutya," sagot nito sa kanya.

Namangha naman si Ciela sa ganda ng sanggol. Maputi ito at mayroong brown na buhok at ang mga mata nito ay kulay asul. Hindi gaano napapansin ang pag ka-asul nito pero pagka natitigan mo ay mapapansin mo ito na kumikinang sa sinag ng araw.

Doon niya lang naalala na halos limang buwan din niyang hindi nakita ito.

"Napaka ganda niya." Manghang ani ni Ciela kay Brenda na napangiti na ngayon.

"Maraming salamat, Mutya," ani naman ni Brenda dito. "Taga baba po ang kaniyang ama."

Nagulat naman si Ciela. "Halata po sa inyong mukha," natatawang sabi ni Brenda.

Habang nakatingin kasi ang Mutya sa anak ay napansin niya ang pagtataka sa mga mata nito habang nakatitig ng mabuti sa sanggol. Kaya batid niyang nagtataka ito kung sini ang ama.  Sa katunayan ay hindi niya kilala ang ama ng sanggol. Nagkita lang sila sa baba noong panahon na pinapayagan na sila ng grupo grupo. Nakita niya itong nagmamasid sa paligid at parang may inaabangan. Nilapitan niya ito at tinanong kung sino ang minamatyagan nito sa taas.

May nakita daw kasi siyang magandang dilag na nagmamasid sa paligid kada sumasapit ang hapon kaya inaabangan niya ito doon. Napagalaman niyang nagtatrabaho ito sa hotel na nakatayo sa harapan ng bundok ayon dito. Hindi niya alam kung paano nangyari na ang masinsinang pag uusap nila ay napunta sa maiinit na pagsasalo sa loob ng hotel. Hindi mapigilan ni Ciela ang pagpisil ng marahan sa mga pisngi ng sanggol. Nagulat pa siya ng may lumapit na isang babae kay brenda na may hawak na sanggol.

"Kambal sila!?" Hindi mapigilang sambit ni Ciela ng mapansin ang pagkakahawig ng dalawang bata. Ang hugis ng mata lang nito ang pinagkakaiba.

Mas bilugan ang sa hawak na sanggol ni Brenda at medyo singkit ang hawak ng isa.

"Opo Mutya, masyado magaling ang Ama." Napahawak naman sa bibig niya si ciela habang namumula ang kanyang mukha sa sinabi ni Brenda.

Kahit naman wala sila sa kabihasnan ay bukas ang isip nila sa bagay na iyon. Lalo na at tuwing sasapit ang kanilang ika dalampu't isang kaarawan ay pinapayagan sila bumaba sa kabihasnan upang makanahap ng mapapangasawa.

Hindi nga lang pinalad si Brenda dahil pagkagising niya ay wala na ang naka niig niyang lalaki sa hotel na tawag ng mga ito sa lugar.

Makalipas ang ilang linggo ay napansin niya ang kakaiba sa kanya at doon niya napagtanto na siya'y nag dadalang tao.

Ang labis na ikinagulat niya ay hindi lang isang supling kundi dalawa pala ang nasa tiyan niya nong ipinanganak niya ang mga ito.

"Pwede ko ba siyang kilikin?" Tanong ni Ciela kay Brenda. Tumango naman si Brenda at maingat na ibinigay ang hawak na anak kay Ciela.

Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ni Ciela ng makilik ang sanggol. Para bang biglang nabuhayan ang kanyang dugo ng makitang ngumiti ang sanggol habanh ito'y kilik niya.

"Ano ang kanilang pangalan, Brenda?" Hindi nakatingin na tanong nito kay brenda na nakangiting pinagmamasdan si Ciela.

"Iyang hawak niyo po ay si Friela at ito naman po ay si Freilon," ani ni Brenda.

Muli namang namangha si Ciela sa ganda ng mga pangalan ng mga sanggol.

"Ang ganda ng kanilang ngalan," nagnining-ning na ani ni Ciela.

Akmang hahalikan nito ang pisngin ng supling na hawak niya ng bigla na lang may mga lalaking lumitaw na may hawak na armas.

Agad naman siyang pinalibutan ng mga malalapit sa kaniya. Inakap niya ang sanggol at pinalapit sa kanya ang kambal nito na hawak ni Brenda.

"B-bren-da," nanginginig na ani ni Ciela kay Brenda na tulad niya ay natatakot na.

Pinagitnaan nila si Ciela dahil sinumpa nila na itataya nila ang buhay nila para dito. At kahit wala ang sumpaan na iyon ay buong puso nila ito gagawin dahil sa kabaitang taglay nila ng pamilya niya sa lahat.

Bitbit pa din ni Ciela ang sanggol at yakap yakap niya ito dahil kasalukuyan umiiyak ang kambal sa naririnig na putukan ng baril kaya naman tinatakpan nila ang tenga ng mga ito.

Nakita niya sa kabilang banda ay patagong pumupunta sa taguan nila ang ibang mga bata at kabataan na inaalalayan ng mga nakakatanda.

Hindi iyon napapansin ng mga teroristang sumugod sa kanila dahil nakatingin ang mga ito sa kanila habang nag-uusap.

"What's her name again?" Tanong ng lalaking may pulang panyo sa leeg habang puro tattoo ang mukha.

"It's Audra," sambit naman ng lalaking may mga singsing sa mag kabilang kamay.

"Where's Audra!?" Sigaw na tanong ng lalaking may pulang panyo sa lahat. Agad naman umiling ang lahat sa kadahilanang hindi naintindihan ang inani ng lalaki.

Samantalang si Ciela ay pinagpapawisan na ng malamig sapagkat naintindihan niya ang ani ng lalaki. At ito nga ay hinahanap ang babaeng nag ngangalang Audra, at siya iyon.

Please comment and vote☆

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stewargel's QueenWhere stories live. Discover now