Entry #29

3.3K 97 4
                                    


Dear Crush,


February na pala? Nakaka-shock lang! Ba't hindi ko alam? Kung hindi ko lang nakita 'yung date nung nag-chat kami kagabi ni Khin eh di siguro hanggang ngayon, nasa January pa rin ang pag-iisip ko.


Oo crush, nagchat kami ng little brother mo. Nag-thank you lang naman siya kasi inaccept ko raw 'yung friend request niya, pagkatapos nun ay nagtanong siya kung ano raw ang assignment nila ni Karlo. Nagtataka nga ako sa batang iyon crush, akalain mo? Parang takot saakin in person pero pagdating sa chat ang bait-bait at parang close kami. May happy face kasing kasama ang mga messages niya. Idagdag mo pa pala na hindi siya nag-'Ate' saakin, instead tinawag lang niya ako sa pangalan kong 'Kriselly'. Oh diba crush? Nakakagulat lang, AS IN.


Pero bakit kaya crush? Ikaw crush, tutal ikaw si Renz na kuya ni Khin, ano kaya ang reason niya para hindi mag-ate saakin? Dahil ba muka lang kaming magkasing-edad dahil sa height ko? O di naman kaya ay muka akong mas bata pa sakanya dahil mas matangkad pa siya kesa sa'kin? Hay ang gulo! Wag na ngang problemahin 'yan. Pero crush napagisip-isip ko, buti pa pala si Khin noh? Kasi, kilala niya ako.


Ikaw kaya crush? Kailan mo kaya ako makikilala? May chance kaya na nakwento ako ni Khin o kaya ni Karlo sayo?


PS.
Hindi na nagparamdam si Unknown number! Yay :D

- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now