Kriselly

2.7K 87 5
                                    

Kriselly


Nakarating kami sa 3rd Floor nitong building. Magkaiba 'yong kwarto namin. Iba kina Khin at Karlo tapos saakin ay iba rin. Hindi naman kasi pwede na iisa lang dahil babae ako. Kasama ko pala sa kwartong ito 'yong kaibigan nilang hahabol saamin.


"Mag-isa ka muna ngayon Ate, maya-maya ay dadating din 'yong isa pang kaibigan namin." sabi ni Karlo.


"Sige, magpapahinga muna ako."


Tumango na lang siya habang si Khin ay nakatingin lang. Alam 'kong nakatingin siya. Parang matutunaw na nga ako sa mga titig niya, hindi tuloy ako makalingon sa kanya. Sinarado ko na ang pintuan. Napahikab ako at sinunggaban ang kama.


Paggising ko, magna-night swimming daw kami. Nagsuot na lang ako ng shorts atsaka sleeveless shirt.


I gotta admit, hindi ako sanay na magsuot ng ganito in Public, sa kwarto lang ako nagsusuot ng ganito. Feeling ko ngang ang landi ko na e pero kailangan kasing sumunod sa rules dito. Alangan din namang magsuot ako ng jogging pants atsaka t-shirt, pagchichismisan talaga ako panigurado.


Kakain muna kami kaya nagsuot din ako ng kulay gray na jacket(yep) para matakpan ang kinulang sa sleeve na suot ko.


"Tapos ka na ba?" sigaw ni Karlo mula sa labas.


Muntik ko ng makalimutan, naghihintay pala sila sa labas. Aysh. Natatakot kasi akong lumabas at baka... baka makita ako ni Khin.


Haay. Alam ko namang makikita at makikita niya talaga ako.


Nag-last glance ako sa salamin at tumayo na. Iniwan ko lang na nakalugay aking buhok. Binuksan ko na ang pintuan.


"Tapos na."


Si Khin ang una kong napansin pagkalabas ko. Naka-white shirt lang siya tapos shorts. Simple lang siyang tignan pero ang lakas ng dating. Sobrang lakas na nagpa-alerto sa puso't isipan ko.


"Bakit ka naka-jacket?" siniko ako ng mahina ni Karlo.


"Ah eh..." tumingin ulit ako kay Khin Ralf, nakatingin din siya!


Umiwas agad ako. Uminit 'yong mukha ko.


"Ahh alam ko na. Tara na nga, gutom na ako e. Ba't ba ang tagal mong natapos?" reklamo niya. Panira talaga 'tong kapatid ko.


"Wala ka na 'don." sabi ko na lang.


Nagsimula na kaming maglakad, bumaba sa hagdanan. Kumakabog sa kaba 'yong puso ko dahil nasa likuran lang siya, si crush!


Nakarating kami sa isang resto(nasa loob pa rin ng resort), isang seafood restaurant pala ito. Naghanap muna kami ng table. May nakita kami sa second to the last na table, walang gumagamit non kaya pinuntahan namin. Naiwan muna kami ni Khin na magkaharap sa aming table habang si Karlo na 'yong kumuha ng order namin.


This is so awkward. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ayoko ko ring magsalita at baka ano pa ang lumabas sa bibig ko, baka matanong ko siya kung siya nga ba talaga si Unknown Number. E paano kung siya nga? Hindi?


Nanadya talaga ang tadhan---


"Hi guuuys! Sorry I'm late!"


Lumitaw bigla si... si babae. Si babae na nangangasar kay Khin sa Covered Court. Si babae na sumira ng moment namin ni Khin.


Siya ulit?


Siya ba 'yong kaibigan nila? Ohgad! Siya ba 'yong may High Definition kay Khin? I mean Hidden Desire. Tsk. Kung pwede lang 'High Definition' ang meaning non pero hindi e, Hidden Desire talaga. Tinatagong damdamin! Kaya pala ganon siya umasta.


Dear CrushWhere stories live. Discover now