Ligtas na Lunan

13 1 0
                                    

Umabot kana ba sa puntong tinanong mo ang sarili mong “Sino at paano ang magiging buhay may-asawa na ako?”

Gayong wala ka naman talagang balak na mag-asawa dahil sa mga personal mong rason.

Ang tanging seryosong relasyon na nasa isip mo lang ay ang relasyon sa pamilya, relasyon sa kaibigan, relasyon sa Diyos, sa ibang tao pero hindi ang romantikong relasyon kung saan ikaw at iyong mahal ay magkabiyak hanggang sa kabilang buhay, Ang wagas na pagmamahalan.

Ano nga bang mangyayari sayo kung wala ka namang balak magpamilya lalo na't papalagpas na sa kalendaryo ang iyong edad?

At ang iyong kasarian ay hindi mo alam kung nababagay't nararapat ka?

Maaari kayang kumuha nalang sa isang tabi ng lalaki o babaeng papakasalan upang masabi lang na nagpamilya?

O kaya'y mag-ampon nalang kung gusto ng anak?

O 'di kaya'y huwag nalang magpamilya at tumandang dalaga o binata?

Ano nga ba ang pagpapamilya?

Paano ba ito umiikot sa mga myembro ng nasabing pamilya?

...

Makahanap kaya siya ng maiibigang tunay bilang isang kabiyak niya?

Totohanin at seryosohin kaya ang binuo at napagkasunduang pangako sa isa't isa?

Paano kung aksidenteng mahulog siya sa hindi inaasahang tao?

Masalo kaya siya nito?

Matupad kaya ang pangako o mapako?

Magkaroon kaya ng pamilyang masaya kasama ang kaniyang tunay na sinisinta ang karakter na ito?

Magkakaroon ba siyang ng tinatawag na Happily ever after?

Halina't tunghayan ang istoryang ito.

Paalala;

Ang istoryang ito ay resulta lamang ng aking imahinasyon na nag-udyok sa aking bigyang buhay ang mga gumugulo at nagmamalikot na mga ideyang nasa aking isipan. Mapaglaro ang aking isip kung kaya't paumanhin kung may iilang mga pagkakamali sa pagbabahagi ng istoryang ito at paglalahad ng salita't mga pananaw ng mga karakter.

Ngunit mahalaga pa rin ang maging masaya at isa-isip na totoo at tila ba ay kasama ka sa iyong binabasa nang sa gayon ay maging perpekto ang inyong imahinasyon sa iyong pagbabasa. At maging makulay ang inyong mundo.

Ako si xxtrra_ na nagsasabing “Bigyan ng Kulay ang mga naglulumikot na mga ideya sa iyong isip upang makabuo at makapaglahad ka ng isang istoryang magbibigay inspirasyon sa mga hindi inaasahang mambabasa

Aliwin mo ang iyong sarili kahit manlang sa pagbabasa, makakatulong ito sa iyo sa maraming bagay, katulad ng saaking madilim at magulong buhay ko ay pagbabasa at pagsusulat ang naging aking katuwang upang makahinga sa dinaranas ko.

Muli't muli, magkaroon ka sana ng kasiyahan sa iyong puso habang nilalakbay ang istoryang ito kasama ang mga karakter. Nagagalak akong ibahagi itong aking istoryang ilalantad na nagdulot sa akin ng kaginhawaan at kasiyahan sa puso't isip ko.

Safe PlaceWhere stories live. Discover now