Kabanata 1

16 1 0
                                    

"Oh Nikolas ano nga ba ang iyong dahilan at pumarini ka? Hindi ka pa ba hinahanap sainyo?" pagtatanong sa akin nitong kaharap ko

"Eh Tatang bawal na po ba ako dito? Sabihin niyo lang aalis na po ako. As in now na!" maarteng palahaw ko rito

Tumawa naman ito ng mahina "Hindi naman ganon iyon Nikolas, Ako ay nagtatanong lamang hijo"

Uminom muna ako nung tubig at nagsalita "Tatang naman eh!" umirap pa ako "Syempre naman po binibisita ko ang Tatang kong gwapo na pinagmanahan ko ng ganitong kagandang mukha. Diba Tatang? Diba? dibaaa?" nanlalaking matang tanong ko sakanya

"Nako ka talagang bata ka." tumikhim siya "Ikaw ba eh wala na talagang pag-asa pang maging isang tunay na lalaki? At wala ka rin bang balak maghanap na ng magiging iyong may bahay? Aba eh tumatanda kana Nikolas kung iyong napapansin" saad ni Tatang sa akin

Umirap ako ng matindi "Tatang Tatang Ako po ay isang babae, huwag niyo ng ipilit pa Tatang iw iw iw hindi kami talo ng mga Girllllsss diyan! Si Nerico kaya Tatang yan! Siya tanungin mo tungkol diyan sa mga pag-aasawa na yan! May girlfriend na aba marami pa" tinuro turo ko pa si Nerico

"Kuya naman e–" Tinapik ko ang bibig niya kaya napatigil siya sa pagsasalita

"Ate ha Ate ang itawag mo sa akin!" saad ko

"Ah talaga?" 'di makapaniwalang tanong niya kunwari "Edi sige Ate Kuya, Atya o Kute Hahahahahaah nako Kuya Nikolas Hahahhahaha sus hahahahha" ang lakas ng nakakairitang tawa niya!

Ugh! Bakit ba ganito nila ako pagtawanan?! Nakakainis! Oo bakla ako at nakakairita sila sa tawa nila! Asar naman!! Discrimination na ang pangwengwesyon nila saking kasarian gayong ako nga eh sigurado sa sarili ko at yung pagtawa nila sakin ah!

Tumayo ako sa lamesa at naglakad papunta sa likod ng bahay. Nakakainis ang tawa ni Nerico at gagatongan pa ni Tatang!

Si Nerico ay nakababatang kapatid ko at malakas mang-asar to the point na mapipikon at mararamdaman ko ang inis ng matindi arghhhh!

Si Tatang naman ay tiyuhin namin sa Lola's Side. Naging malapit kami sakanya dahil dinadala kami rito sa lugar niya upang mag relax ang mga magulang namin at makapagbonding kaming pamilya.

Pinagmasdan ko ang napakagandang view na nasa aking harapan. Nandito nga kami sa lugar ni Tatang at isa itong tabi ng Dagat, kung nasaan ang bahay ni Tatang. Parang mini province kasi itong lugar ni Tatang. Napakaganda titigan ng karagatan lalo pa't papalubog ang araw. Nakakarelax talaga ang ambiance ng lugar na ito kaya naman dito ko naisipang pumunta agad dahil bukod sa gusto kong bisitahin si Tatang ay gusto ko ring magpalamig ng ulo't makapag-isip-isip.

Nagkaroon kasi kami ng hindi lang naman pagkakaintindihan ng mga kaibigan ko. At heto akong bakla mataas ang pride nagpalayo layo muna. Eh kasi naman! Nagalit sila sa akin dahil sa lagi kong pagbibigay ng pera kay Ruel sa tuwing hihingi ito sa akin, maya't maya rin itong hingi ng hingi sa akin kahit nahuli at alam ko kung anong pinag gagastusan niya ng pera ay sige pa rin ako sa pagbibigay. Babae, ginagamit niya ang perang binibigay ko sa pambabae niya.

Ito lang kasi ako mahal ko siya kaya binibigay ko lahat ng gusto niya, ayokong maiwan niya. Kaya naman yung mga inggeterang mga kaibigan ko ay nagalit at nakapagbitiw ng masakit na salita. Sabihin ba naman ako ng Martir, Tanga at Bobo tapos dapat daw naging CEO ako ng mga tumutulong sa mga charity nalang nang may silbi naman ang pag gagastos ko ng pera hindi daw yung pagiging Sugar Mommy ko.

Imagine? mga kaibigan ko sila tapos ganon sila magsalita sa akin? Anong klase ba silang kaibigan?! Duuuhh!! Sa tinagal tagal namin ni Ruel ay hindi sila nagpakita ng suporta ngunit inintindi ko iyon dahil super friends ko sila. Bakit sila ganon?!

Safe PlaceWhere stories live. Discover now