Kabanata 3

7 0 0
                                    

Nikolas

Pagpatak ng alas dies ng umaga ay agad akong umalis ng bahay. Si Manang at Nerico ang hinabilinan ko sa bahay. Ang dalawa kong kapatid na babae ay natutulog pa wala daw silang pasok ngayon, eh byernes pa lang naman but hindi ko na tinanong, nagmamadali ako.

Nag text na sakin si Adda na nasa Condo ko na siya. Naghihintay sa labas ng unit ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko upang makarating ng mabilis sa Condominium. Pagkarating ay agad akong nagpark at patakbong sumakay sa elavator.

Maarteng pinalis ko ang namumuong pawis sa noo ko. Huhu I'm nervous! Damn! Pagkabukas ng elavator ay napa inhale exhale muna ako saka sinimulang maglakad papuntang unit ko. Nadatnan ko si Adda na nakatalikod sakin at may kausap sa phone.

Lumapit ako sakanya hanggang sa nasa likod niya na ako katabi ang pintuan ng unit ko.

"Sige na please.. come with us." Adda's tone is begging "Y-you will come? you will? oh that's great! see yah then!" then she hang-up

Paglingon niya ay halos matumba siya sa pagkagulat mabuti nalang at nahawakan ko ang damit niya. "My Gosh bessy! Masyado bang nakakagulat ang ganda ko?"

Tumayo ito ng maayos "Omg Niko!" Tili nito saka yumakap sakin.

Niyakap ko rin siya pabalik total namiss ko naman si Adda'ng Kalog! "Oh tama na! you suffocates me" natatawa kong sabi

"Namiss kita grabe! Oh ano bati na tayo ah?" tumango ako "Si ano susunod na yon, on the way na papunta rito" napasimangot ako sa sinabi niya

Feeling VIP talaga ang hilig ng isang yon! Nakakainis! pero dahil bessywappy ko yon, tiis ganda ako para maging okay kami.

"Tara pasok tayo" Swinipe ko na ang card ko saka kami pumasok sa unit ko

Maya't maya kaming nag-usap ni Adda ng kung ano anong mga bagay, bente minutos na rin naming hinihintay yon! Ang tagal grr

"Ang tagal niya Adda! Artistahin lang?" reklamo ko na nakasandal sa sofa

Sakto namang tumunog ang bell sa pintuan kaya pinuntahan iyon ni Adda. Tumayo ako nung buksan ang pintuan at tumamban ang hinihintay namin.

Sabay silang naglakad papunta sa gawi ko habang ako ay nakangusong nakasunod ng tingin sakanila. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka High waist jeans na itim at top na dirty white tapos naka leather jacket pa siya with high cut boots huwao! Pa vip ka pa rin! Umupo siya sa tapat ko at sa side naman si Adda.

Napalunok ako ng tingnan niya ako, hindi naman nakakatakot ang tingin niya, simple lang iyon pero wala akong nababasang emosyon doon.

Dumagdag ang kaba ko nung inilahad niya ang kanyang kamay sa akin "I'm Felicity Euftroxagi Ysabel Tsudaisu"

"H-huh?" hindi ko nakuha agad ang sinabi niya

"W-woy Xagi alam nating lahat na magkakaibigan tayong tatlo simula college malamang matanggal pa kaya sa memorya natin ang mga pangalan ng bawat isa?" sarkastikong tumawa si Adda

But seems Xagi just ignore Adda's what has been said instead she keep her eyes on me. Naiilang ako omg ang tindi ba ng kasalan ko sa bessywappy kong 'to? Huhu Lord help!
Hindi niya rin inalis ang kamay niyang nakalahad pa rin kaya tiningnan ko iyon.

"Adda says that you want to restart our friendship, so I'm introducing my name" wika nito

Tumango ako kahit hindi ko nagets ang sinabi niya. Pilit kong inabot ang kamay niya at nakipagshake hands sakanya. Parang napapaso ako omg naman kasi! Ang intimidating niya ngayon!

Safe PlaceWhere stories live. Discover now