MSG 29.

81K 2K 626
                                    

Para damang dama niyo 'tong chapter na 'to. Go to youtube and play "On bended knee by Boyz II Men" I guarantee you, mas better kung ipplay niyo yang song while reading this chapter.

Chapter 29.

Jacob's POV.

Hindi ko alam kung nasaan si Candice. Hindi ko alam, gusto ko mang alamon pero ayaw niya akong malapit sa kanya. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa kwarto. Shit, ang bading. Parang mga broken hearted na teenagers lang ang gumagawa nito pero ako, fuck.

"Jacob bro...." nagulat ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Katsumi, nasa likod niya rin sina seth, jc, at lester.

"Oh brad." nagpahid ako ng luha. Tangina, parang ganito yung eksena 7 years ago ah. Di ko na talaga deserve maging masaya dahil sa lahat ng kagaguhan ko.

"S..si Cheska. Nasa hospital, at handa ng makipag usap." Seth.

"Ayaw ko siyang makausap." bumalik lahat ng galit at poot ko kay Cheska. Tangina, siya ang pumatay sa anak namin ni Candice. Hinding hindi ko siya mapapatawad.

"K-kasi bro, buntis siya at..." hindi maituloy ni Lester ang sasabihin niya.

"At ano?"

"Puta pre! Eh kung sumama ka na lang kaya sa amin para sa kanya mismo manggaling." JC.

Naligo ako at nag ayos. Buntis pala siya, am i the fucking father? Well, sino pa ba. Binilin ko sa mga yaya si Candice. Ang sabi nila ay umalis daw iyon ng bahay. Shit, baka mabinat yon! Tsk. Pagkadating namin sa hospital room namin ay naabutan namin si Sofia, Bianca, Kit, Julia at Janella sa harap ng hospital room ni Cheska.

"Jacob!" napatayo si Sofia nang makita ako.

"S-si Candice nasa loob."

"Ano? Bakit niyo hinayaang magsama yung dalawa?!" Cheska and Candice in one room?! Baka kung anong patayan na naman ang maganap putangina. Hindi ko pinansin ang explanation at agad kong binuksan ang pinto.

... At naabutan kong nangagalaiti sa galit at poot si Candice habang humahagulgol. Masyado silang busy mag usap kaya hindi nila ako napansin.

"Tangina ka, Cheska! Alam mo ang dami kong gustong sabihin sayo.. Ahas ka! Ipokrita ka! Demonyo ka! Leche! Ang sama sama mo! Bakit? Bakit kailangan mo sirain ang buhay namin, ha?! Bakit!? Putangina ka! Magsalita ka!" sigaw ni Candice habang umiiyak. Pero thank God ay hindi sila nagsasakitan.

"I'm sorry Candice.... I'm very sorry..." umiiyak na rin si Cheska.

"Shit! Kung maibabalik ko lang ang anak ko dyan sa sorry mo, siguro pinatawad na kita! Ang sakit ng ginawa mo! Alam mo ba yon? Magiging ina karin Cheska! Gusto mo bang patayin ko din ang anak ko para malaman mo kung gaano kasakit?! Ha?!" sigaw pa ni Candice.

"Candice please... Wag candice, nagmamakaawa ako please Candice wag... Ako na lang, p-pwede mo na akong patayin pagkatapos kong manganak... please wag Candice..." pagmamakaawa pa ni Cheska.

Tumawa ng sarcastic si Candice. "Shit!" at umiyak ulit. "Nung araw na yon, hiniling ko din yan. Nung araw na yon, pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang magiging anak namin ni Jacob! Tao ka pa?! Napaka wala mong puso!"

"I know i'm heartless to everybody but it's only because i don't want to lose Jacob. My god, hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko siya and i'm sorry for that... I'm sorry for being evil and being in love with your husband means me being an antagonist in your story."

"Fuck you! Fuck you lang talaga masasabi ko sayong hinayupak ka! Too late for your fucking apology! Wala na! Sira na buhay ko! Wala ng saysay buhay ko! Wala na ang magiging anak ko! Everything's too late to be sorry!" mas lalo siyang humagulgol habang sinasabunutan ang buhok niya.

"Kumalma ka Candice..." pinipigilan ni Cheska ang pananakit ni Candice sa sarili niya.

"Alam mo..." she paused. "Alam mo cheska, gustong gustong gustong gustong gustong gustong ko patayin yang sinapupunan mo!" sigaw niya. "Kaso hindi ko kaya pumatay eh.. Hindi ko kayang pumatay ng isang sanggol na inosente at walang alam... pero ikaw, nagawa mo sa anak ko?" umiyak na naman siya. "Anong klaseng tao ka? Wait, tao ka pa ba?" Napapikit ng mariin si Cheska.

"My god. God knows how sorry i am for doing that Candice. Alam kong wala ng magagawa 'tong sorry ko but yes, i mean it. I regret it. My conscience keeps on haunting me. Ang hirap eh. Parang feeling ko minumulto ako ng baby mo. Shit, sorry talaga sa baby na yon..."

"You're not a human cheska... Hindi puro PUSO ang pagmamahal. Palibhasa ikaw wala kang utak!"

Tinalikuran siya ni Candice, nagulat naman siya nang makita ako. She wiped her tears and nilagpasan ako. Tinitigan ko ng mariin si Cheska bago siya talikuran at sinundan si Candice.

"Candice saglit!"

"Wag mo akong sundan!" Mas binilisan ko ang takbo ko, saktong pagsakay niya ng elevator ay sumakay din ako at nagsara yon.

"Wala ka ng anak. Bakit mo pa ako hinahabol?" malamig niyang tanong.

"Hindi naman kita hinahabol dahil sa anak natin."

Nilingon niya ako, "Pwes e ano? You're gonna rape me again like what you did before?" Shit. Naalala niya pa yun. Sinabiban ata ako ng demonyo nung ginawa ko yun.

"And insult me? Call me a bitch, a whore, a slut.. At hindi ko alam kung sino ang ama ng anak ko dahil madaming naka-kama sa akin? Ano Jacob?" and this is my worst nightmare. Yung isumbat niya sa akin lahat ng pangiinsulto ko sakanya noon. Tangina, wala akong masabi. Lalo na't alam ko sobra akong naging gago at malupit sa kanya.

"Wala kang masabi ano?" she laughed. "Bukas makalawa, uuwi na ako ng London." she said. At don nagising ang kaluluwa ko,

"A-ano?"

"Babalik ako ng London. Dun na ako for good." malamig niyang tugon.

"C-candice, pag usapan natin to please..." Hindi niya pinansin ang sinabi ko,

"At kapag dumating ang annulment sa bahay niyo, make sure to fucking sign it."

Yun lang ang huli niyang sinabi at bumukas ang elevator.

My Stupid Groom (MBB II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon