MSG 24.

79.4K 2K 320
                                    

Chapter 25.

Candice' POV.

Nagtalo pa kami ni Jacob dahil ayaw niya pa umalis dun sa anywhere, Eh kati'ng kati na ako kausapin si Kaera eh.

"Ayaw mo ba ako makasama?" He asked, paalis na sana ako at kikitain si Kaera. Kaso itong si Jacob eh nasa kama pa at kakagising lang. Napagod kagabi hehehe joke.

"Beb, urgent to promise." sabi ko. nagbihis ako sa harapan niya kaya nanahimik siya. Hay Jacob ilang taon na ang nakakalipas ay namamangha ka parin sa katawan ko.

"Nakaka-flatter naman yan'g titig mo." i joked.

Mukhang natauhan siya kaya kumamot siya sa kanyang batok at tumayo.

"Reyna beb, bukas na 'yan..." niyakap niya ako mula sa likod at bumulong pa.

Hindi ko pinansin yung sinabi niya. "Beb pakizipper nga ito." hindi ko ma-zip kasi nasa likuran ko yung zipper.

Akala ko iz-zipper niya, pero nagulat ako nung hinubad niya yung dress mula sa braso ko at nahulog ito sa lapag. Hay nako talaga Daniel Jacob.

Hinarap ko siya at napa-kamot sa sentido ko. "Ku'ng gusto mo sumama ka nalang?"

"Eh gusto ko nga dito lang tayo'ng dalawa. Mahirap ba intindihin na gusto kita makasama ngayon'g araw na 'to?"

"Pero kasi.... Jacob, yung pupuntahan ko ngayon, makakatulong to sa pag-ayos ng relasyon natin."

"Huh? Ano'ng connect?"

I sighed. Pagbibigyan ko na nga lang siya.

"Sige na, sige na. pero bukas aalis ako, okay?"

"Kung gusto mo ihatid pa kita." He kissed my nose.

Nginitian ko nalang siya at sinuot ko ang kanyang puting tshirt at sabay kaming humiga sa kama.

"Kathryn....." he called my name with his husky voice.

"hmm?"

"Mahal na mahal kita.. sorry for hurting you. sorry kung pinahirapan kita, ininsulto at sinaktan at--..."

"Beb tapos na 'yon. Okay lang. naiintindihan ko naman eh. pero aaminin ko, nasaktan talaga ako kasi pinagbibintangan ako ng isang taong mahal ko na ginawa ko ang mga bagay na di ko kailanman naisipang gawin."

"Mahal na mahal kita, wag ka magsasawa sa akin ah?" he rested his face on my neck. Naglalambing ang asawa ko.. :')

"Oo, mahal na mahal din kita. 7 years na yung nakalipas pero di parin nagbabago yung nararamdaman ko sayo."

"Tsk tsk. Reyna beb ha, masyado mo akong mahal nako baka malunod ako niyan."

hinampas ko naman siya sa braso, baliw talaga ang isang 'to.

"Joke lang, mas love kita kesa sa inaakala mo." at niyakap niya so i rested my face on his chest.

I'm more than blessed to have him. No words can explain how thankful i am dahil onti onti ng bumabalik ang dati'ng kami. Isang problema na lang, si Cheska. At kapag natapos na iyon, malayang-malaya na kami.

"Oo nga pala, na-discharge na si Dad sa hospital. Akala ko talaga di niya kakayanin eh." he said.

"I'm glad to hear that. Sabi ko naman sa'yo eh, malakas yun parang ikaw." i encouraged him.

"Mahal na mahal kita..." bulong niya pa.

"Jacob pang ilang beses mo na simabi yan?" i joked.

"Hindi ako magsasawa ulit-ulitin ito sayo, mahal ko..."

"At mahal na mahal na mahal din kita."

Nakatulog si Jacob habang nagh-hum ako at habang pinaglalaruan ko ang buhok niya. Para siyang bata. Para siya'ng si Justinn, mabilis makatulog kapag nagh-hum ako at kapag pinaglalaruan ang buhok.

Buong araw ay magkasama lang kami ni Jacob, nagkekwentuhan at nagaasaran. Gusto kong umiyak dahil sa sayang nararamdaman ko, hindi ko alam pero kumpleto na talaga ako ngayon, i mean, i couldnt ask for more.
Talagang ang ipokritang si Cheska na lang ang kailangan kong tagain para wala na talagang problema.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at agad naligo. Ngayon na kami magkikita ni Kaera, hindi na ako makapag-hintay sa kung ano ang ibabalita niya sa akin, mapatunayan ko lang na may kinalaman siya 'dun sa mga nangyari 7 years ago, forgive me God pero di ko na lang talaga alam ang pwede kong gawin sakanya.


"Beb ang aga mo naman" i heard Jacob's sleepy voice.


"Kailangan eh."


"Ihahatid na kita, o gusto mong samahan pa kita?" tumayo siya mula sa kama at nilapitan ako upang yakapin at halikan sa noo. Sweet!

"Ako nalang beb, kaya ko na 'yun."

Nagpumilit siya pero in-insist ko na kaya ko na kaya ayun at naligo narin siya.

Gusto ko sakin manggaling ang mga pinag-gagawa ni Cheska noon. Gusto kong mapatunayan kay Jacob na maling mali siya sa pag-tanggap kay Cheska.

Hinatid ako ni Jacob kina Kaera at ipinaalala na dumiretso ako sa office niya pagtapos ko dito.

Nag-doorbell ako sa gate nila at buti nalang ay gising na si Kaera. dumiretso kami sa sala niya at nakita ko ang isang iphone at brown envelope na hawak hawak niya.

"Good morning Can----..."


"Kaera wag na tayong magpa-liguy ligoy pa."


"I just wanna remind you about the bet, hmmm. Where's my 5 million?" She winked. mukhang pera talaga ang gaga na ito. Inabutan ko siya ng cheque at pinirmahan iyon saka ko binigay sakanya.

She smiled sweetly at ipinakita sa akin ang laman ng brown envelope.


"Confirmed. Si Cheska ang nagpadala sa iyo ng mga pictures. December 27, 201* tugma yung tracking number na ibinigay mo sa akin sa receipt niya." She said. Agad naman na nag-usok ang katawan ko, putangina talaga. Siya nga talaga!!

"Hindi sapat ang proweba na ito!!" I yelled.

"Easy bitch, meron pa."


Ipinakita niya sa akin yung iphone at may pinlay na video. Si Cheska iyon, at halatang patago ang pag-video sakanya ni Kaera.

"Do you know Candice Anderson?" Kaera asked. Mukha talaga siyang inosente, best actress bitch.


"Ugh that bitch." She rolled her eyes. "I know her since were high school, she was Jacob's girlfriend."

"Talaga? EX yun ng boyfriend mo?" Kaera asked. Gahhhd mukha talaga siyang inosente!

"Yep. Ironic how i idolized myself for being the reason why they officially broke up."

"omg you're so mean! share mo naman kung anong ginawa mo."


"Its controversial."


"Arte nito! dali na!'


"Okay fine! Hmm. Nasa London non si Candice while Jacob's in the philippines, i asked my friend Zharm to take pictures kapag may mga girls na kasama si Jacob, since Jacob is very gentleman, matulungin siya sa mga girls way back in high school kaya ayun, Zharm did great at mukhang makatotohanan yung mga shots niya.
Ipinadala ko iyon kay Candice, as a proof na niloloko siya ni Jacob. Kilala ko kasi si Candice, she does not think before she make a move. Hindi na ako nagulat after 3-4 days ay bumalik na sa pinas si Jacob ang goodnews!! They broke up and after naman non ay, i wrote a letter to Jacob na kunwari si Candice ang nagsulat nun, well, yun. The end of their oh-so-romantic relationship."

Oh my god. Oh my god, totoong siya nga!! Gusto ko ng sapakin ang pagmumukha niya!!!! She's a fucking devil!!

"Well, sa korte na kayo magkita-kita." Kaera said while comforting me.


"I don't need no fucking court or judge or government or what!!! Ako ang haharap sakanya, ako lang! Ako lang at tatapos sa mga kasamanaan niya."

My Stupid Groom (MBB II)Where stories live. Discover now