night four.

6 1 0
                                    

Cyrus


Marami akong bagay na nire-regret tulad ng pag-dye ko ng buhok ng red noong middle schol, naming my pet turtle 'lizard', teaching my sister Aaliyah pusoy dos dahil lagi niyang pinagyayabang na tinatalo niya lang ako! And so on.

Pero the thing I regret the most is not helping Kyla back then. I don't have all the facts so I can't blame Eury. I tried to be objective as much as possible. Ayaw ko lang ma-involve sa kanya. But it's too late now.

Last Saturday, seeing her at their hotel and going to August's birthday. It changed my perspective kung ano yung tingin ko sa kanya. She's not that scary and she's actually sweet to her friends. Di ako bias dahil lang we shared a kiss. It's just a dare, I keep on reminding myself.

"Cyrus King. Isn't it an irony? I'm the Queen now," I remember going to Helena the same night. She's wasted. Di na nya alam ang mag sinasabi nya. "Who's lipstick is this Cyrus? I'm going to kill her."

"Helena, wag mo na ako hahanapin uli kina Clyde. Di na kita responsibility," paalala ko sa kanya bago ko siya ihatid sa kanila. She slept on the car until I got her home. I'm not sure kung naalala pa ba niya yung sinabi ko.

To be honest. There's a part of me that still cares for her. It was good, being with her made me happy. Wish ko lang ay di siya na-obsess kay Eury and the status quo sa school. It changed her. I would've stayed by her side if the incident with Kyla did not happen.





Today's Friday, I decided to skip school yesterday. Alam kong marami nang rumors na kumalat tungkol sa nangyari nung isang araw sa Wyvern's. I'm still on the guys' GC. Nag-sorry sila sakin in advance kung ano man ang mangyayari sa school when I get back.

And so it starts.

Habang naglalakad sa hallway ay nakatingin lahat ng ibang students sakin at nagbubulungan. This is what I hate the most. Being the center of attention. Nakasalubong ko sina Clyde, Tom at iba pa pero iniwasan lang din nila ako. Di ko sila masisisi.

Malapit na ang regionals ng basketball and hindi nila pwedeng i-sacrifice yun. Baka ipatanggal sila ni Helena sa team at mawala ang extracurricular credits nila for college application.

Bro bakit mo naman kasi kinausap si Eurydice?

GG ka tuloy kay Helena

Hell-ena unleash!

Di ko sila nire-replyan sa GC. Di ko rin alam kung pano ko ie-explain lahat ng nangyari.

Bigla akong hinarangan ni Helena sa hallway. "I know you just did that to spite me. Di naman kayo close ni Eury. Don't involve yourself with her."

"Don't talk to me Helena." I did not give her the satisfaction of showing that I care. Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin niya. It's best if we don't talk. If no one talks to me, fine. Nilagpasan ko lang siya.


Habang kumakain ako sa cafeteria ay may isang lalaking estudyante na tumapak sa akin. Hindi ko lang pinansin. As long as hindi nila gagalawin ang kinakain ko. Nakakagutom kayang ma-stress at saka ayaw kong nagsasayang ng pagkain. I know yung paghihirap ni Mom to make sure everyone can eat and no food goes to waste when we cater. She cares for the suppliers and the farmers, kaya namana ko na din yung ugali nyang yun.

Nagpapalakas ata kay Helena. Not sure if he's from the soccer team.

Bumalik siya at binaliktad ang tray ko. May mga tumalsik na pagkain sa mukha ko pero halos lahat ay nahulog sa sahig.

"Oops," sabi nya na para bang di niya sinasadya yung ginawa niya.

I looked at Helena and I can see her smirk. So I did what I had to do. I punched the guy. No one messes with my food.

Late Nights With EurydiceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant