/TMMDI-2/

53 21 118
                                    

STEPHY

Sa paglipas ng panahon habang lumalaki ako at nacu-curious sa mga bagay-bagay, unti-unti kong natutunan ang lahat ng nangyayari sa'kin.

Pati sa pagbabago ko at sa ugali ko. Lahat.

Doon ko rin nalaman na mayroon akong kondisyon. Na mayroon akong sakit na schizophrenia.

Nang malaman ko ito ay buong araw akong tulala. Wala akong ganang kumain at dumadalas ang pagkainis ko.

Ang inis ay napalitan ng pagkainitin ng ulo. Maging maliliit na bagay ay kinaiinis ko. Pati si mama ay nagagawa kong bulyawan at sigawan na hindi ko nagagawa bago pa ang lahat.

Minsan pa ay umaabot sa puntong sinasaktan ko na ang sarili ko. Inuuntog ko ang ulo ko sa pader. Sinasabunutan ko ang sarili ko. Sinusugatan ang iba't-ibang parte ng katawan ko.

Muntik ko na ring saktan si Prisca, ang kapatid ko, kaya ang ginawa ni mama ay kinulong niya ako sa kwarto ko ng buong araw kahit labag sa kalooban niya.

Alam niyang mali pero alam din niyang hindi niya ako kayang pigilan sa nga pinaggagawa ko dahil nga sa wala ako sa tamang katinuan.

Dinadalhan niya ako ng pagkain, tubig at damit kapag kailangan. Hindi ko tuloy malimutan ang itsura niya sa tuwing nakikita niya ako.

May takot sa nga mata niya. Takot siya sa'kin. Takot siya sa sarili niyang anak. Takot siya sa maari kong gawin. Sa kaniya at kay Prisca.

'Ilabas niyo ko rito! Mama! Palabasin mo ko rito!'

Alam kong nadudurog ang puso niya sa tuwing naririnig niya ang pagwawala ko sa gabi. Sa tuwing inaatake ako ng delusyon o sa tuwing may naririnig akong mga boses na bumubulong sa tainga ko.

Napapasiksik na lang ako sa sulok at niyayakap ang tuhod, umaasang mawawala ang mga nasa paligid ko.

Ilang araw din na gano'n ang sitwasyon ko pero isang gabi, pumasok sa kwarto si Mama at hinawakan ang kamay ko.

'Anak, hindi ko na ang ganito. Hindi ko na kayang nakikita kang ganiyan. Ano bang nangyayari sa'yo? Sabihin mo sa'kin, pakiusap, anak...'

Kinwento ko sa kaniya ang lahat. Mula sa umpisa. Mula sa unang pagpapakita sa'kin nina Ember, Cian at Hale. Mula sa kung paano sila sumusunod sa'kin, kung anong itsura at ugali nila.

Hanggang sa sinabi ko ang katotohanan sa kaniya na mayroon akong sakit.

Doon siya tuluyang napaluha.
Niyakap niya ako ng mahigpit na siyang ikinaiyak ko rin.

Sa loob ng ilang taon, kinimkim ko ang sakit ko, kinimkim ko lahat ng panlalait sa'kin ng mga kaklase at kalaro ko.

Nang sandaling nasabi ko kay mama ang lahat ay parang nawala ang malaking dagan sa dibdib ko.

Nung gabi ring 'yon ay tumabi sa'kin si mama at kinantahan ako katulad ng ginagawa niya noong bata pa ako.

Mistulang nawala rin ang mga nakikita ko nung katabi ko si mama.

Kinaumagahan, agad kaming nagpunta sa isang psychiatrist at kinausap ako.

Pina-admit din ako ni mama sa isang hospital kung saan may mga taong may sakit din katulad ko.

Sa hospital na 'yon ay malaya naming naibabahagi ang mga kwento namin sa pamamagitan ng group discussion. Lahat ng staff sa hospital ay mabait at naiintidihan kami.

Lahat ay tinatrato kaming parang normal na tao. Na parang wala kaming sakit.

Araw-araw din akong umiinom ng iba't-ibang klase ng pills at mga gamot na tumutulong para gumaling ako.

They Made Me Do ItWhere stories live. Discover now