/TMMDI-8/

32 16 76
                                    

THIRD PERSON

Katatapos lang ma-receive ni Stephy ang text ni Cora na naglalaman ng address nito.

Nasa kabilang subdivison lang pala ang bahay nila kaya hindi na siya sumakay ng tricycle at napagdesisyunang maglakad dahil malapit lang naman.

Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng kulisao ang maririnig. May iilan namang poste ng ilaw ang nagkalat kaya ayos lang.

Habang naglalakad ay may narinig siyang naglalakad sa likuran niya. May narinig pa siyang nag-pst sa kaniya pero hindi niya ito pinapansin.

"Stephy..."

Nang marinig niya ito ay kaagad siyang lumingon sa pinanggalingan pero wala naman siyang nakitang tao.

"Stephy..."

Muli ay hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang siyang naglakad.

"Stephy... awoo..."

Huminto siya sa paglalakad at napapikit siya dahil sa inis. Isa na lang at sisigawan na niya kung sinuman 'yon.

"Step---"

"Hindi ka ba titigil, Cian?"

Nakarinig siya ng mahihinang tawa na napalitan ng pagtatalo kaya umikot ang mga mata ni Stephy.

'Andito na naman ang tatlong 'to'

"My beautiful Stephy! We miss you!"

Sumulpot sa kanan niya si Cian at Ember at sa kaliwa niya si Hale na seryoso lang ang mukha habang nakapatong sa balikat niya ang baseball bat.

"Ugh."

Napaungot na lang siya dahil alam naman niya na wala siyang magagawa para mapaalis ang tatlo.

"What, don't you miss us too? Ilang minuto ka naming hindi nakita, ah. Alam mo ba itong si Ember..."

Hindi na niya pinakinggan pa ang susunod na sinasabi ni Cian dahil sinuot niya ang earphones at nakinig ng music with high volume.

Ilang minuto pa ng ilang paglalakad ay narating na niya ang bahay ni Cory.

Kagaya ng ibang bahay sa kanilang subdivision, may kalakihan ang bahay nila. May garahe rin sa katabi nilang bahay pero nakasarado ito.

Mula sa kinatatayuan niya ay rinig ang malakas na tugtog at ang iba't-ibang kulay ng ilaw na tumatagl sa bintana.

Naririnig niya rin ang iilang tawanan at sigawan na paniguradong mga kaibigan ito ni Cory.

Napaatras si Stephy sa hindi malamang dahilan. Hindi niya kaya. Naiisip niya pa lang na papasok siya sa loob at mapapaligiran siya ng mga kaibigan ni Cory ay parang nanghihina na siya.

Hindi talaga siya sanay sa ganitong bagay. Ang makihalubilo kaya naisip niya na umuwi na lang.

Kapag tinanong siya ni Cory kung bakit hindi siya pumunta ay magdadahilan na lang siya. Gusto niyang pumasok sa loob at makipagkaibigan pero hindi pa siya handa.

Pagkatalikod niya ay may nabangga siya kaya muntik na siyang matumba.

Napatingin siya sa nabangga niyang lalaki na kasulukyang may pinupulot sa sahig.

Ilang dangkal ang tangkad nito sa kaniya kaya medyo nakatingala siya habang tinitingnan ito. Nakasuot ito ng varsity jacket na ang nakalagay ay 'Tigers' sa may bandang kaliwa sa harapan.

Nalaman niyang ka-schoolmate niya ang lalaki dahil kaparehas ng jacket niya ang suot ng players sa kanilang school.

Samantala sa pang-ibaba nito ay isang black jeans at white sneakers. Dahil sa suot niya ay lumitaw ang pagkatangkad niya sabayan pa ng malinis itong tingnan.

"Shit."

Pinulot ng lalaki ang nahulog na sigarilyo at pinagpag ito gamit ang kaniyang kamay.

Isusubo na sana niya ito ulit pero nang nakitang madumi na ito ay hinulog niya ito at inapakan.

"Sorry." Mahinang sambit ni Stephy kaya napalingon sa kaniya ang lalaki.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at kalaunan ay nginitian siya.

"It's okay," Kumunot ang noo ng lalaki habang kinikilala siya. "Wait, are you Stephy? Bagong friend ni Cory?"

"Uh, oo... ako nga."

"Hmm. My name's Hayden nga pala. Cory's cousin."

"Oh. H-Hello..."

Hindi makatingin ng diretso si Stephy kay Hayden. Itinago niya ang isa niyang kamay sa likod at marahang pinupunas ang kamay sa damit dahil pinagpapawisan ito.

Kinakabahan din siya at pinipilit niya ang sarili na magsalita ng tuwid.

Tumingin ang lalaki sa bahay at itinuro ito sa kaniya.

"Why are you still here? Hindi ka ba papasok?"

Tumingin siya sa bahay. Maririnig pa rin ang music at ang iilang tilian sa loob pero determinado siyang hindi siya papasok at uuwi na lamang.

Dahil sa kinakabahan pa rin si Stephy ay umiling na lamang ito at walang salitang tumalikod.

"Stephy, wait."

Dahil sa tawag ng lalaki ay nilingon niya ito.

"You know, kung ayaw mong pumasok sa loob... may malapit na park dito. Kung gusto mo, puntahan natin? Besides, ayoko ring pumasok sa loob dahil paniguradong kukulitin lang ako ni Cory sa ex niya na kaibigan ko kaya... tara?"

Ilang segundong napaisip si Stephy sa sinabi ng lalaki. Wala naman sigurong masama kung sumama siya rito. Muka naman itong mabait at isa pa, kilala ito ni Cory dahil pinsan niya ito.

Mas mabuti na rin na may pupuntahan siya kaysa umuwi ng wala man lang ginawa.

"Okay, sige."

Napangiti ang lalaki sa tugon niya at napatango.

"Okay."

-----

Hindi inaasahan ni Stephy na isang playground park pala ang ibig sabihin ni Hayden pero ayos lang dahil hindi pa siya nakakapunta sa ganoong lugar sa buong buhay niya.

Sa park at may slides, merry go round, swings at iba pang palaruan na gusto niya sanang subukan kung wala si Hayden.

Kung maari lang ay pupunta ulit siya rito mag-isa at subukan ang mga 'yon.

Dahil gabi ay wala ng taong makikita sa park pero may iilang poste naman ng ilaw ang naroon kaya hindi madilim. Sa katunayan ay ang tahimik ng buong subdivison lalo na at layo-layo ang mga bahay.

Kaagaad silang umupo sa swing. Ilang minuto silang binalot ng katahimikan bago naunang magsalita si Hayden.

"So, bakit hindi ka tumuloy kanina sa bahay ni Cory?"

Nadadalawang-isip pa siya kung sasagot siya. Ayos lang naman kasi sa kaniya ang umupo lang doon at hindi magsalita buong oras. Sa huli ay sumagot na lang din siya.

"A-Ano kasi, uhm, hindi ako... paano ko ba sasabihin? Hindi ako ganoong---"

"You mean you're an introvert?"

"Oo, ganun nga."

Narinig niyang napatawa ng mahina si Hayden kaya nilingon niya ito ulit.

Nagtataka siya dahil hindi niya alam kung bakit ito tumawa.

"Wow. Ngayon lang ako nakakilala ng isang taong introvert. Kaya naman pala ayaw mong tumuloy kanina."

Tumango lang si Stephy at nilaro-laro ang kaniyang paa gamit ang lupa. Marahan din niyang tinutulak ang swing.

"So... you don't have any friends?"

Umiling si Stephy. "Nope."

"Seriously? Not even one?"

"Mm-hmm."

Natahimik saglit si Hayden bago ito tumayo sa harapan niya kaya tumingala siya at tiningnan ang nakangiting si Hayden.

"Come on."

They Made Me Do ItWhere stories live. Discover now