TCOY || 02

6 3 0
                                    

*Starting Today*

Gumising akong may nagtatanong sa isip ko, kung sasabihin ko ba kay mama ang tungkol doon sa school na gusto kung pasukan. Kinakabahan ako, siga lang ako sa labas pero pag si mama ang kaharap ko nanlalambot ako.

Kailangan ko lang siguro humigop ng kape

Bumaba na ako sa sala pagkatapos ko mag ayos, Friday ngayon may dalawang araw pa ako para mag isip. Napako ang tingin ko sa lamesa may take note doon kinuha ko agad at binasa.

Aalis sila? Paano ito? May Vaccation sila... ng kapatid ko. Hindi ko alam na hindi pala ako dito belong? Tss.

Ganon naman sila sa akin minsan hindi ko feel na kabilang ako sa kanila,parang anino lang ako dito sa bahay pero di gaya ng kapatid ko na hindi talaga ko pinapansin. Hindi ko din naman alam kung bakit at kailan nagsimula yun. Si mama, hindi naman nya ako tinatrato ng ganun sa kapatid ko kaya pasalamat nalang din ako sa kanila dahil kahit ganun kabilang ako at nakikita pa nila ako.

Nilokot ko ang papel na naiwan bago humigop ng kape na malamig na, ganun na ba ako kalutang para hindi ko nagalaw ang kapeng tinimpla ko? Sabagay, palagi naman ako lutang pag maraming iniisip.

***

Pauwi na ako ng maagang natapos ang klase, friday naman ngayon kaya wala masyadong gagawin. Gusto ko pa sanang kausapin ang teacher kung si Sir. Madrin na nagbigay ng envelope nung nakaraang araw.

"Alam mo ba may balibalitang may nagmumulto doon"

"Sigurado ka? Baka guni guni lang nila yun"

"Hindi sigurado daw sila, kaya masama na kutob ko sa school na yun ang creepy"

"Hindi rin siguro pinakalat nila yun para walang masyadong estudyanteng makapasok doon, mahal kaya ng tuition"

"Sabagay, pero kasi bakit nila ipapakalat ang ganung bagay ano yun ayaw nilang may estudyanteng pumasok?"

"Ewan, kasi minsan may aksedenteng hindi maipaliwanag doon kaya some of the students na-pakick at yung iba naman ayaw na mag aral doon"

Anong aksedente? Saang paaralan?

Dinig ko mula dito ang dalawang estudyanteng gaya ko na nag kukuwentuhan sa tapat ng waiting shed, tila hindi nila alam na napapalakas ang kuwentuhan nila mula dito.

Umalis na ako doon sa kinaruruonan ko ng may makita na akong bus na paparating. Agad ako pumara at naghanap ng uupuan, buti na lamang at may bakante pa.Hindi ko pansin na may kasunod din akong pasahero na syang makikitabi sa akin ngayon.

"Miss, ok lang ba dito?" tanong ng mahinhin na lalaki, agad naman akong tumango bilang sagot ng maupo sya ay agad syang nag pakilala.

Mukhang palakaibigan

"I'm Vinx, you?" tanong nya, pasalamat sya at nasa good mood ako at hindi ko sya mababara.

"I'm Ninfah" ikli kung sabi agad naman syang tumango, ang weird din tong katabi ko. Akala ko ay tahimik at makapag relax ako ng ilang saglit pero di ko akalain na madaldal din.

"Alam mo na ba yung isyu?" tanong ng katabi ko, pake ko sa isyu na iyon involve ba ako? Bakit ba nila inaalam ang mga isyu isyu na iyan hindi ba sila mabubuhay at makakahinga pag wala silang nalalaman tss.

Umiling lang ako tila nagulat pa sya. "Sige na nga tutal hindi mo pa alam, para naman may malaman ka din sa akin" ngiti nyang sabi, ang kyut nya din infernes. Pero hindi ko sya type.

"Sabi sabi kasi nila may isang paaralan na ang creepy, gusto ko pa naman pasukin yun pero ngayon nagdadalawang isip pa ako kung mag enrolled pa ako o hindi na" bakas ang takot sa kanyang mukha ganun na ba katakot ang paaralan na iyon, siguro ang sinasabi nyang isyu ay yung mga narinig ko kanina sa waiting shed.

"May multo?" ikli kung tanong na sya namang ikaiktad nya at pag pitik. Agad naman syang na upo ng pinagtitinginan na sya ng ibang pasahero maging ang driver humingi naman syang tawad dito.

"Pero alam ko naman na hindi yun totoo kaya susubukan ko pa din, mas maganda na yung na i try mo kesa hindi pasukin yung school na gusto mo, diba?" pareho pala kaming may gustong pasukan na school. Teka baka..

"Sa Fagrantel University High Private?" Gulat kung tanong, agad naman syang tumango.

"Oo tama, alam mo pala yun?" tanong nya, ngunit hindi ko pinansin. Kaya ba? Kaya ba ganun nalang si mama sa akin?

***

Napadako ang tingin ko sa picture frame naming tatlo. Simula bata palang ako ay hindi ko pa nakita si papa, sabi ni mama ay namatay daw ito sa isang aksidente. Kaya ba ayaw nila ako papasukin sa school na iyon dahil ayaw nila ako ma aksidente.

Gusto ko matuwa dahil may pagaalala silang nararamdaman sa akin, pero paano naman ang ikasasaya ko?. Gusto ko sila tawagan at kausapin tungkol dito pero umurong din dila ko.

Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko kaya't tinawagan ko si baks at magkikita kami sa isang plaza malapit sa school.

"Tuloy ba teh?" garang tanong nya.

"Oo, doon nalang din tayo mag usap. Gusto ko lang talaga mailabas to"

"Cr ang kelangan mo teh hindi ako gosh!"

"Gaga, sige na bye"

Agad ko pinatay ang cellphone, kinuha ang sumbrero kung kulay itim at itim din na jacket. Umaabon kasi, tila may galit ang kalangitan.

Habang naglalakad ay tila may hindi ako ma ipaliwanag na nararamdaman, lumingon lingon ako sa paligid ngunit wala naman ako makitang tao na malapit sa akin.

Hindi ako naniniwala sa multo.

Ewan ko ba kung ano ang nakakatakot sa multo, they can't harm you anyway. I'm must just scare to human that can kill people tss.

***

Ang tagal naman non! Kanina pa ako dito, iba na ang pakiramdam ko sa paligid. Sumasakit din ang balikat ko. Hindi ko iyon ininda.

Ngunit hindi ko na mapigilang mapalingon sa likod nakita ko ang isang nakakulay itim na lalaki.

"AHHHHHHHH!!!! - HMMM" Tinikom nya ang bibig ko, sino ba ito? Omgosh mamatay na ba ako? Hindi ako papayag sino ba toh? Si satanas?

"You're be alright" bulong nya ng mas kinilabot ko. Saan? Sa kanya? Don't think so.
Help! Kasalanan mo ito baks hindi ka dumating sa tamang oras humanda ka sa akin pag ako may nangyraing masama dito at namatay ako ikaw una kung kukunin.

"Fah" bulong nya, ngunit hindi ko na alam ang sunod nyang binulong ng humihina na ang paningin ko pati narin ang paningin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Code Of YesterdayWhere stories live. Discover now