Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 1

5.7K 204 14
                                    

CHAPTER 1

Maxene


Wala ako sa sariling nilingon ang boss ko na noo'y kunot-noong nakatanaw lang sa akin. Nakangiti akong kumaway at nag-peace sign dito.

Diretso akong sumandal sa upuan at hinimas-himas ang tapat ng puso ko. Grabe ang kaba ko! Buti na lang talaga at tinulungan ako ni Boss JT.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang mangiti. Bukod sa gwapo na, ang bait pa! Pero agad ko ring inalog ang ulo ko nang ma-realize ang nangyayari sa akin.

No.

Humugot ako ng isang malalim na buntonghininga at mariing pumikit. Bukod sa kaimpossiblehan ay mas okay na sa akin ang nag-iisa. Mas okay na ako na lang.

Nang makarating ako sa lugar na inuupahan namin ni Mutya ay panay na naman ang tahip ng dibdib ko. Palagi na lang akong ganito. Para ba akong aatakihin sa puso kahit na nga wala pa namang nangyayari. Pakiramdam ko, lahat na lang ng makakasalubong ko ay gagawan ako ng masama.

Inayos ko ang suot kong cap at nagkunwaring kalmado. Wala naman ding gaanong pumapansin sa akin maliban sa ilang kakilala.

Maliwanag naman sa kalyeng dinadaanan ko pero hindi ko maalis ang takot. Takot na sa loob ng mahabang panahon ay hindi na humiwalay sa akin kahit pa saan ako mapunta.

Nang makita ang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman sa gilid ng kalsada ay agad na namang kumabog ang puso ko. Parang gustong manlambot ng mga tuhod ko hindi pa man.

"Nakakabakla naman 'yang dadaan! Ang gwapo!"

Kahit na hindi ako nakatingin ay alam kong sa akin nakadirekta ang tingin ng mga ito.

"Tomboy yata, pre! Tagay ka!" alok pa ng isa pero nagkunwari pa rin akong walang narinig at nakita.

"Ang yabang! Hindi namamansin!"

Napalunok ako at mas nilakihan ang mga hakbang. Malapit na. Kailangan ko na lang bilisan! Kaya naman nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na may isang tumayo ay dali-dali na akong kumaripas ng takbo.

"Bakla yata ang puta!" sigaw pa ng lalaki pero hindi na ako nag-abalang lumingon.

Kaya naman nang makarating ako sa apartment na inuupahan namin ni Mutya ay tumatagaktak na ang pawis ko. Hingal na hingal ako at halos kapusin ng hininga.

Nanginginig kong isinuksok ang susi sa seradura at agad na binuksan ang pinto. Pero agad ding nanlaki ang aking mga mata nang makita si Mutya na nakahiga sa sofa at nakapatong ang boyfriend nitong panay ang halik sa leeg nito.

Shit!

"S-sorry..."

Umalis sa pagkakadagan si Bert dito at umaktong parang walang nangyari.

Ang sarap pagalitan ng babaeng 'to! Sinabi nang 'wag magdadala ng lalaki sa apartment!

"Umuwi ka na. Tawagan na lang tayo," bilin pa ni Mutya sa boyfriend nito.

Wala ako sa sariling umiling-iling at nagpigil na magalit. Alam naman niya kung gaano ang trauma ko sa mga lalaki!

Nang dumaan ang boyfriend ni Mutya sa harap ko ay tiningnan pa ako nito na para bang sinasabing istorbo ako. Nagkunwari akong hindi pansin iyon at agad ding dumistansya.

Nang tuluyan itong makaalis ay aburido kong hinarap si Mutya.

"Sinabi ko naman sa 'yo na ayoko ng lalaki sa apartment natin!" inis na maktol ko.

"Hay naku, Max, normal lang naman ang ginagawa namin. Mag-boyfriend ka na kasi kaysa 'yang ganyan ka mag-isip!"

"Hindi pa rin tamang dinadala mo 'yon dito! Alam mo namang babae rin ako, 'di ba? Kaunting delikadesa naman!"

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon