Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 7

3K 114 1
                                    

CHAPTER 7

Jorge Theodore


"She's very pretty, huh?" nakangiting tukso ni Ate.

I roll my eyes. Alam kong hindi matatapos ang panunukso niya at natitiyak kong makakarating pa sa parents at ibang kapatid ko ito.

"This is the first time, JT. Ngayon ka pa lang nagpakilala ng babae sa akin. Buti pa si Thayne, maraming ipinapakilala kahit na walang sineseryoso. Ikaw, ngayon pa lang."

"Shut up, Ate. Baka marinig ka n'ong tao." Umiling-iling ako at muling sinulyapan si Max na noo'y abala sa pagkain.

Bahagya kaming dumistansya sa kanya para hindi ito mahiya.

"You like her?"

Umiling-iling ako. "You really can't keep your mouth shut, huh?"

Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita na akala mo walang narinig. "Medyo boyish ang dating. Sigurado ka bang lalaki ang type niya?"

"Do you think she's lesbian?"

Bumaling si Ate rito at palihim na sinipat.

"Nope. I don't think so. At first glance, parang lesbian. But look at how she eats her food and the way she sits...babaeng-babae."

Just as I thought.

"Pero bagay naman niya ang maikling buhok. Nakapaninibago lang, pero bagay naman niya."

Nang mag-angat ng tingin sa amin si Max ay tinanguan ko lang ito at tinapik sa braso ang kapatid kong natawa lang.

"Stop staring at her, will you?"

"Okay, JT. Relax. Tinitingnan ko lang naman. I was just wondering what you see in her. Kakaiba siya sa mga babaeng ipinapakilala ni Thayne."

Kung puwede ko lang sabihin na mayroon pa siyang hindi nakikilala sa babae ni Thayne.

"But looking at her, I think I already know what..." makahulugan pa niyang bitaw ng mga salita.

I don't know exactly how to react to that. Iba makiramdam si Ate.

"She seems fragile, JT. Take good care of her, okay?" Banayad niyang tinapik ang aking pisngi.

"Ang advance mo mag-isip, Ate."

Tumawa lang siya.

"Alam mo naman ako." Nakangiti siyang nagkibit-balikat. "Iwan ko muna kayo. May date lang kami ng Kuya Frank mo."

Tumango-tango ako. Masaya ako para sa ate ko. Sobrang suwerte niya sa napiling asawa. Sobrang bait at maalaga.

Lumapit kami kay Max na noo'y halos tapos na makakain.

"Max, mauna na muna ako sa inyo ni JT, okay? Huwag kang mahihiyang magsabi kung gusto mo pa ng sandwich," paalam pa ni Ate na matamis pang ngumiti.

"Salamat po sa merienda."

"Nah, it's nothing. Sa susunod, I'll take you both out for dinner. Is that okay?"

Tipid lang itong ngumiti. Hindi man magsabi, alam kong nahihiya siya.

"Ingat kayo sa pag-uwi, JT."

Tumango ako. "Yes, Ate."

"Bye, Max." Kumakaway pang paalam nito.

"Bye po..." Alanganin ding kumaway si Max. Halatang naiilang.

Nang tuluyang makaalis si Ate ay saka ako naupo sa katapat na upuan ni Max. Wala pa man akong sinasabi ay namumula na agad ang kanyang mga pisngi.

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon