BLANKO: AiE

19 1 0
                                    

BLANKO: AiE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BLANKO: AiE


Masaya akong masaya ka, walang halong pambobola

Walang halong hinanakit at kahit anong pagdurusa 

 Umpisa no'n walang araw na hindi kita tinatanaw

Sa aking maliit na bintana ay may si akong laging nakadungaw


---


Nakatingala sa kalangitan at naghihintay sa iyong pagdalaw 

 Nakapikit at nakikiramdam, banayad na nagmamasid sa katahimikang umaalingawngaw 

Dumadagundong ang aking pangungulila, iyan ang totoo 

 Ngunit salita ko'y hindi maka-alpas,ako'y bilanggo sa aking sariling mundo


---


Pilitin ko mang makawala ay wala ring halaga

Dahil ito tila sumpa ng kahapong iyong pinadama 

 Sapagkat ang pagpapalaya sa isang tao ay wala ring halaga

 Dahil ako ngayon ay habambuhay na makukulong sa aking sariling paniniwala na ako ay malaya na


---

Ilang panahon na rin ang nagdaan noong naikatha ko ang tulang ito, kung aking babalikan ang nakaraan, nasa punto ako na hindi ko na maintindihan ang aking sarili noong mga panahong iyon. Pareho kaming nagka-ayos at sinabing tapos na ang lahat sa aming dalawa at iniwan ang lahat bilang magkaibigan na lamang, ngunit noong mismong gabing iyon, hindi ko na alam kung ano nga ba talaga ang aking gusto at kung talaga bang nakalaya na ako, dahil siguro mas mainam na alam mong nagkukuwanri ka lang sa iyong nadarama kaysa sa sigurado kang naka-move on ka na ngunit ang totoo pala ay hindi pa. 

Ayoko na siyang bumalik at mas lalong ayaw ko nang maging kami ulit, ngunit alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya, alam kong may natitira pa rin, ngunit 'di ko alam kung sa paanong paraan ko ito maipadarama. Gusto ko pa siyang makasama at buoin ang aming nasirang tahanan, nais ko pang mangarap at simulan ang ilan pang panahon na daraan kasama siya sa aking tabi ngunit alam kong hindi na tama, alam kong tapos na—walang wala na.

Tipong gusto ko pa pero ayaw ko na, magulo, magulong-magulo. Kaya minabuti kong lumayo, sa pag-asang makalimot at makalaya nang totoo, at nasa kalagitnaan pa rin ako ng aking paglalakbay, hindi ko pa rin natatanaw ang dulo at ang sinasabi nilang tagumpay. Ngunit ako ay patuloy na kakapit at maniniwala at ipapaubaya ko na lamang ang lahat ng ito sa tadhana; kung saan man ako mapapadpad, kung kailan man ako makararating sa aking desitinasyon, at kung tama nga ba ang aking naging desisyon, lahat ng ito, siya na ang bahala. 


Hango sa mga sulat at titik ni:

M.A. Yazar




BLANKOWhere stories live. Discover now