Blanko: H I N U H A: XIX

13 1 0
                                    


Blanko: H I N U H A: XIX

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Blanko: H I N U H A: XIX


Sa kaniyang naging paglalakbay, siya ay nabalinguyngoy na rin sa lalim ng inintinding mga bulong ng iba

Siya ay nabinat na rin sa bigat nang naging dala-dala

Sumadsad sa lupa at ang makatayo ay palaisipan pa

Nalunod at nagpadala sa maling agos na sumira sa kaniyang sinasakyang balsa

At nalason at pinuluputan sa leeg ng kaniyang tinuring na kasangga


II

Sa katagalan, siya ay naging takot din mapagod dahil hindi niya na alam kung paano magpahinga

'Di niya alam kung anong uri ng pahinga ang tatalab at makapapawi sa kaniyang iniinda

Kung ito ba'y isang malubhang sakit o karamdaman

O marahil bunga lamang ng kaniyang ka-artehan na ayon na rin sa isa niyang naging KAIBIGAN


III

Siya'y walang ibang tinatago kung hindi ang kaniyang tunay na anyo

Lulong sa isang bisyo na kaniya nang nakabisado—pagbabalat-kayo

May busal at nagapos sa sariling mga tanikala

Hindi makaharap at pilit na nakatutok sa nakaraang mga pagkakamali na kaniyang nagawa


IV

Sa kabila ng lahat, kaniyang pananaghoy ay hindi man lang maka-alingawngaw

Tagong-tago ang iniindang bangungot na gabi-gabi sa kaniya'y dumadalaw

Takot at hinagpis na kailanma'y hindi siya nilubayan

At sa tunay na kasiyahan, siya'y pinagkaitan


V

Marahil hindi na rin mabilang ang kaniyang naging mga hinuha bago pa man siya tumungtong sa ganitong edad

Ngunit ito raw ay hindi pa sapat kung nanaisin niyang ganap na maka-usad

Ilang dangkal na rin siguro ng ekspektasyon mula sa kaniyang paligid ang kaniyang nilunok

Gramo-gramo na rin ng kaniyang ilang mga pangarap ang naliyaban at tuluyang natupok


VI

Ngunit kahit saang banda tignan, siya ay nasa unang pagbuklat pa lamang ng kaniyang libro

Siya ay nasa unang bahagi pa lamang ng pagkatuto

Dahil ang lahat ng ito ay hindi pa maituturing bilang bahagi ng tunggalian ng kaniyang kwento

Ipagpatuloy mo ang iyong paglalayag, Yazar, dahil hindi pa ito ang inaasam mong dulo


- - -

Isang tula na aking kinatha bilang aking munting regalo sa aking sarili naging kaarawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang tula na aking kinatha bilang aking munting regalo sa aking sarili naging kaarawan. Ang bawat saknong ay aking siniksik ng mga bagay-bagay, paniniwala, at mga ideolohiya na aking napagtanto at natutuhan mula kamusmusan. 'ika ko nga, ako ay nasa unang pagbuklat pa lamang at marami pa akong dapat na matutuhan sa mundo, mga karanasan na hindi ko pa nasusubukan at nanatiling misteryo na patuloy pa ring naglalaro at laman ng aking mga palaisipan.

Sa ganitong edad, tunay na ang bilang ng mga naging hinuha na laman ngayon ng aking isipan ay hindi kailanman mapapantayan ng aking mga daliri sa kamay maging isama pa ang aking mga daliri sa paa kung susumahin, hindi rin ito magkakasya sa aking mga palad sa dami kung pagbubugkusin. Gayundin ang aking mga pagkakamali, pagkabigo, tagumpay, at mga pagkatalo sa buhay. 


Hango sa mga sulat at titik ni:

M.A. Yazar






BLANKOWhere stories live. Discover now