18.

17 2 1
                                    

na jaemin
active now

jaemin:
hii

callie:
hellooo

jaemin:
kasama mo ba si haechan??

callie:
yess, bakit??

jaemin:
ahh wala lang

saan kayo? nag pass kasi mag
basketball

callie:
ahh may pupuntahan lang kami
sa laguna

jaemin:
laguna??

callie:
yes po

bakit??

jaemin:
uuwi din ako diyan eh

bibisitahin ko lola ko

callie:
talaga?

jaemin:
kita tayo ha para may kasama
ako pag uwi HAHAHAHA

callie:
suree

jaemin:
see you

callie:
see you din :)

***

"Napatawad mo na daddy mo?" tanong ni Haechan habang nakaupo kami sa tapat ng lapida ni daddy. "Mmm.. Siguro" nakayukong sabi ko.

Halos ilang taon rin akong 'di pumunta dito sa laguna dahil kay daddy. Madaming nangyari sa family namin kaya lumipat kami sa manila.

"Tara na. Palubog na ang araw" sabi ko at tumayo. Inilahad ko ang kamay ko kay Haechan para tulungan siyang tumayo.

"Saan na tayo?" tanong niya, "Festival mall, kikitain natin si, Jaem."

Sumakay na kami ng jeep papuntang festival mall, tinext ko na rin kay Jaemin na doon na lang kami magkita para diresto na kami pasakay ng Manila.

"Ba't nandito si Jaemin?"

Napatingin naman ako sakanya nang bigla siyang magsalita sa tabi ko, kanina pa kasi tahimik. Nakakapanibago na.

"May binisita rin siya sa laguna, wala daw siya kasama pauwi kaya pumayag na lang ako na sumama siya sa atin"

Tumango lang siya at sinuot muli ang headset. Sobrang dami tao kaya kahit nasa gilid kamo nabubunggo kami.

"Aray"

Naramdaman kong may humawak sa bewang ko, tignan ko iyon at nakaalalay na agad si Haechan. Di ako kinikilig. Bawal.

"Masyadong masikip dito, sa iba tayo mag antay", nanatili pa rin ang hawak niya sa bewang ko.

Ilang oras ang lumipas ay dumating na rin si Jaemin kaya naman agad na tinanggal ni Haechan ang kamay niya sa bewang ko.

"Sorry, sobrang traffic kasi" panimula ni Jaemin, "Ok lang. Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain muna bago bumyahe?" He nodded, hinila ko naman ang dalawa papuntang Jollibee. Sorry yun lang kaya ko.

Kumain lang kami at nagkwentuhan, ewan ko ba diyan kay Haechan tamang "oo" at "hindi" lang ambag sa amin.

Nang matapos kami ay lumabas na kami sumakay na sa bus. Katabi ko si Jaemin, dapat si Haechan kaso sabi niya sulitin ko na katabi ko si Jaemin kasi crush ko daw.

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na kami sa Manila, "Cal"

Napalingon ako kay Jaemin, "Mauna na ako" nginitian ko sita at tinanguan "Bukas ha" paalala niya.

"Oo naman" ani ko.

Nakita ko naman si Haechan na masama ang tingin sa akin, "Ano yun? Anong bukas?"

"Wala" sagot ko, kinuha niya ang bag niya ay sinuot sa balikat. "Di na muna kita ihahatid, dadaan ako sa office ni daddy" sabi niya at umalis na.

Edi sana sumabay na lang ako kay Jaemin, hayop. Ewan ko ba doon wala ata sa mood at ganyan kumilos, nakakapanibago rin 'tong lalaking 'to eh.

the way i hate you , haechanWhere stories live. Discover now