Chapter 2

13 4 0
                                    

"Uuwi raw si Percy sa 24, pupunta ba kayo?" Tanong sa 'min ni Kyle. Nasa tambayan na naman kami pero kasama namin sila Ben at mga kaibigan niya na classmate ni Yam.

"Pumunta kayo, dapat raw kumpleto tayong magtotropa. Ngayon na nga lang yun uuwi" ani Ben habang humihithit ng yosi.

Kanina pa ako nabebwesit sa amoy ng yosi na 'yan. Konti nalang mapapakain ko na sa kaniya 'yan. Isa pa 'tong si Christer, akala mo ikinapogi ang paghithit ng yosi.

"Sama ako" ani Glegle, kausap si Jai. Tumango naman yung isa, under talaga.

"Ikaw yam sama ka?" Tanong ko, umiling lang siya saka nagpatuloy sa pagkain ng chichirya.

"Bakit ayaw mo? Tayo ngang lahat dapat ang nand---" hindi natapos ni Christer ang sasabihin nang magsalita si Yam.

"Bobo ka ba, Christer? Hindi ako nag-iinom saka isa pa wala akong gagawin dun. Papagalitan lang ako ni Mama kapag umuwi ako ng gabi" mataray na anito.

"Isang araw lang naman 'to saka ihahatid ka naman nila Theo kapag malapit na mag-gabi." Pamimilit ni Ben, damay na naman ako. Pero imbis na sagutin ni yaam yun bigla nalang siyang lumapit sa 'kin at saka

"On si kaia, Theo. Lumapag sa gc dali online ka!!" Sigaw niya, gulat rin ako at hindi namalayang sinunod pala ang sinabi niya.

On nga siya, ano naman ngayon?

"Wag ka nang torp---" buti hindi niya natapos ang sasabihin.

"Ano bang meron? Sino si kaia?" Tanong sa 'min ni Ben.

Potangina ka Yam, pahamak ka kahit kelan.

Nakatingin silang lahat sa 'min. Nagkatinginan naman kami saka sabay na  nagsalita.

"Yung may utang yun kay yam"

"Kaibigan ni Theo na madre"

Nagsabay pa nga. Palpak na 'to bwesit. Bwesit talaga. Bwesit. Pahamak argh!!.

"Girlfriend ko talaga yun, actually ex na" ani Kyle na ikinagulat namin. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya nanahimik nalang kami.

"Eh bakit apektado si Theo? Gusto mo rin yun? Sagip--"

"Gago mo, hindi ako apektado tanga." Sabay iwas ng tingin baka makahalata mga bwesit na 'to.

Tiningnan ko yung chats sa gc, masaya nga siya kausap si Ahvie tsaka yaam pero nandun pa rin yung pagpapareto. Puro nalang siya 'pareto ako', 'reto moko' etc..

Yam: [may erereto aq sau kaia]

Ahvie: [ako sab gae ko]

Kaia: [sino?]

Yam: [si pawn Charles BWAKAKAKAKA]

Aba gago ito na sinasabi ko eh hindi talaga matataguan ng sekreto 'tong si Yam.

"Anong ako?"

Kaia: [sige HAHAHAHAHAHA]

Lah? Gago seryuso ba? Totoo ba 'to? Anlandi mo Theo HAHA.

Kaia: [Jok lang HAHAHAHAHA]

Nice joke, hindi nakakatuwa.

"Sayang-saya ka pa 'no?" Wala sa sariling bulong ko.

"Wala na, olats na 'to. Nagsasalita na mag-isa tas ngumingiti pa" gulat ako nang biglang magsalita si Kyle. Kanina pa pala sila nakatingin sa 'kin.

Tumikhim ako at saka sumeryuso, pagtakpan mo ang kahihiyan mo Theo. Nakakahiya gago.

"Kailangan kana yata sa mental pre, kulang na raw sila ng baliw dun" pinakyuhan ko lang si Jai samantalang hindi na matigil si Yam kakatawa.

Moonlights End Game (Fake World Series #1)Where stories live. Discover now