Chapter 1

15 4 0
                                    

Unat rito, unat roon. Walang pagbabago sa araw ko, masyado pa ring boring. Kanina pa ako nakahiga at nagseselpon. Scroll rito scroll roon. Para na akong tanga. Kakatapos ko lang mag-work out at maligo, nakahiga na naman hays.

It was December 4, what if gumawa ako ng dummy account? Masyado nang boring ang buhay ko kailangan ko nang lumandi.

Isip-isip ng pangalan. Keith. Anong kasunod ng keith? Hm?? Yung masyadong jejemon para may ka-chat. Pansin ko kasi kapag jejemon maraming ka-chat. Pero yun nga lang jejemon rin pumapatol sayo. Pero sige ayus lang. Weird na kung weird.

Charles Keith Xhryeberia

Type ko, ayus na siguro yung charles punyeta bahala na yan basta jeje typings p4r4n6 64n1+0. --kidding, masyadong over nakakasuka.

Hindi sarcasm, ipa-jeje pa natin para sure ball.

Ayos, ilang minuto pa at   *ting*

Tiningnan ko at 'hi pogi sali ka sbh?'. Napakunot ang noo ko, anong sbh? Ginagago ba ako nito? Type...

To: Zill Moon
Message: ano 'yan?

Ay hala gago jeje typings pala.

From: Zill Moon
Reply: Sisbrohood, sister'brother'hood ganun."

Ah, samahan pala. Baka may malandi dun, sige na lang

To: Zill moon
Message: sige try.

Anrami niya pang sinabi kahit tapos na naman akong mag-fill up sa form nila sa group page tapos nag-set pa ng kung ano-ano pero pati buhay niya yata rito sa rp nakekwento niya na sa 'kin. Halos sa mga reply ko pa bumabanat 'tong si Zin Moon. Ano ba? Papansin ba 'to? Wala akong balak landiin 'to ah hindi ko ma-gets vibe niya.

Type..

"Hi"

[Hi, welkam sa aking pakening buhay jok HAHAHA"]

Gagong 'to landi landi mo ate. Nagbago na isip ko, ayoko na lumandi, go with the flow nalang ako rito.

"Nawa'y lahat may buhay."

[May buhay ka nga ako pa]

"Sml?"

[Ansungit mo naman kuya]

"Naging kapatid ba kita?"

At 'yon na nga hindi na siya nagreply haha weak shit.

Nagtagal ako ng dalawang buwan sa rpw at marami naman akong naging kaibigan roon, lalo na sa mga kalandian at syempre mas marami ang nabubwesit sa 'kin.

Nasa tambayan kaming apat ngayon, kasama ko sila Yam, Kyle at Jai. Ang mga kaibigan ko. Aaminin ko marami naman akong kaibigan pero sila palagi yung kasama ko.

Wala sa sariling nagtanong ako tungkol sa RPW things kaya nalaman ko na meron pa lang Role Play Account si Yam. Sinearch ko at inadd.

"Aray bobo ka potangina ka" gulat kaming napatingin kay Jai nang biglang may bumato sa kaniya. Napalingon kami, bigla nalang nanlambot yung isa nang makita yung girlfriend niyang si Glegle.

Masamang nakatingin sa kaniya, ayaw kasi nitong nagmumura siya, magsasakristan pa naman ang loko. Si Yam naman at Kyle parang aso't pusa na hindi magkandaugaga sa pagtatalo.

Tss, ba't ba nagpapa-under yung mga lalake sa shota nila? Kung tutuusin mas malakas naman sila kesa sa mga babae. Pft, weak shit.

Kapag ako nagka-girlfriend kahit mauwi sa hiwalayan hindi ko ibababa ng sobra ang pride ko. Aba, nakakatanga kapag binaba mo nang sobra ang pride mo tas sa huli hindi lang rin naman kayo magkakatuluyan. Ano yun? Magpapa-under ka nalang sa isang babae? No way. No hell way.

Moonlights End Game (Fake World Series #1)Where stories live. Discover now