CHAPTER 5: THE RETURN OF ADRIAN JOSHUA SY

38 0 0
                                        

Irish Brielle Celeste's POV:

5pm na at abala pa rin kaming mga staff ng M hotel dahil nakarating sa amin na darating si Mr. President ng M Hotel ngayong gabi.

nasa lobby ako ng hotel at nag-momonitor ng mga tao dito sa lobby. maya-maya pa ay tinawag ako ng receptionist dahil may tumatawag daw sakin.

"Ms. Irish. pinapupunta po kayo sa penthouse sa may 9th floor po. dun po ata sa kwarto ni Mr. President." sabi nito sakin. agad naman akong naglakad patungo sa elevator.

nang makarating ako sa elevator ay pinindot ko ang paakyat na pindutan at hinintay na magbukas ang pinto. nang magbukas ito ay pumasok ako at nang pagkaharap ko ay nagulat ako nang makaharap ko si Ashton na itinulak ng tropa niya papasok sa elevator.

"sa susunod na lang kaming elevator Ash!" rinig ko sabi nung matangkad na lalaking kasama niya palagi. nang magsara ang pinto ay tumabi ito sa gilid ko.

"pasensya ka na sa kanila. magugulo talaga sila." pagpapaumanhin nito.

"okay lang." sagot ko. bigla kong naalala na di ko pa napindot kung saan akong floor bababa.

narinig kong tumikhim ito at lumingon sa akin.

"saan nga palang floor ang baba mo?" tanong nito.

"sa 9th floor." maikling sagot ko. pinindot nito ang buton pati na din ung floor kung saan siya bababa.

bakit maikli lang sinasagot ko? di ko din alam kung bakit. i still feel slightly awkward around him.

"ahhm. Irish.." narinig kong pagtawag nito sakin. medyo mahina yung pagtawag niya pero di nakalusot sa mga tenga ko kung gaano kalambing ung boses niya ng tinawag niya ko.

why? bakit? bakit ka ganyan?

"hmm?" sa sobrang pagkautal ko un lang ang naisagot ko sa kanya atsaka ako lumingon sa kanya. nagtama ang mga tingin namin.

"ahhm. remind ko lang ung date natin bukas. sunduin kita dun sa labas ng subdivision ninyo." pagpapaalala nito.

oo nga pala!

i almost forgot about it. but hearing him reminding me of our date tomorrow makes me feel a little bit of excited. matagal na mula nang makaramdam ako ulit ng ganito. noong si Matthew pa ang boyfriend ko.

"okay lang ba sayo? mapapalayo ka pa ulit. pwede naman tayo magkita na lang-

"no. okay lang yun sakin isa pa gusto kita sunduin kung okay lang sayo." he cut me off.

gusto ko sanang magkita nalang kami kung saan para makaiwas kami sa tsismis. lalo na dun sa subdivision at baka makarating un kay ate na may nagsusundo sakin sa labas ng subdivision.

but he is insisting. magi-guilty lang ako kapag tinanggihan ko siya. and why would i feel guilty? bakit?

"hmm. are you sure?" tanong ko uli sa kanya.

"oo sure ako." sagot nito.

"sige." sagot ko na lang sa kanya.

maya-maya pa ay narinig ko ng tumunog ang bell na nasa loob ng elevator. lumapag na ito sa floor kung saan siya bababa. muli itong lumingon sakin.

"good. sige. see you tomorrow." paalam nito nang magbukas ang pinto at naglakad palabas. pagharap nito sakin ay nginitian ko siya at kumaway naman siya sakin bago magsara ng tuluyan ang pinto.

Seducing Ms. ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon