Kapitulo Dos

350 33 21
                                    

"𝘔𝘺 𝘸𝘩𝘰𝘭𝘦 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘩𝘢𝘴 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴 𝘢𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘮𝘦 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘺."

Matapos naming kumain ay bumalik na rin kami ng university. We had our laboratory class around 2:00-5:00 PM. Time flies fast and hindi rin nagtagal ay na-dismissed na rin kami sa klase. Our Genetics professor reminded us of our lab activity next week before leaving.

It's all about observing sperm cells on the miscroscope. Napakamot na lang ako ng ulo dahil ako lang ang lalaki sa aming grupo.

"Malas hindi tayo magka-grupo, Santi." Nakalabing wika ni Ria habang maingat na nililigpit ang lab gown na suot niya.

"It's okay. Kailangan din natin maghiwalay ng grupo para naman maka-interact tayo ng iba." She then took her laboratory work book and put it inside her bag.

"Oo nga e. Saka ka-grupo mo si Grazia." Napatingin ako kay Grazia nang makitang paalis na ito. Nang magtama ang paningin nami'y inirapan na naman ako nito.

Sabay kaming napailing ni Ria't naglakad na palabas ng department. There were no available bikes kaya naman naglakad na lang kami hanggang maka labas ng main gate. 

"Santi, sasabay ka ba sa akin sa simbahan?" Umiling ako.

"I have somewhere to go." Napatingin ako sa relo ko.

"Baka bukas na ako makakasama." Nang mapatitig ako sa kaniya'y naroon ang nagtatanong niyang mga mata kung saan ako pupunta, pero imbis na magtanong ay nginitian niya lang ako't tumango.

"Ingat ka! See you tomorrow!" Inantay ko muna na sunduin ito ng driver niya bago umalis upang magtungo sa aking pupuntahan.

Pagdating ko roon ay halos alas-syete na ng gabi't kaagad ako sinalubong ng isang babae. Maganda ito't balingkinitan ang katawan.

"Good thing you're not late, Santi." She smiled at me and gave me the suit I wore in my working nights.

"Iba talaga ang charisma mo. Ilang gabi ka pa lang nagta-trabaho rito ay marami ka ng nabihag na mga kababaihan." Umiling-iling na lang ako't agad na nagbihis.

Even if I was not blessed having a happy life, people would say I was blessed with my genes. I was able to find a job easily dahil sa mukhang mayroon ako. It was because whether we admit it or not, looks do matter.

When I was done making myself look presentable, mabilis akong lumabas ng dressing room. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa mundong hindi ko alam na papasukin ko para lang may matustos sa pag-aaral ko.

When I opened the door, flashing lights blinded my sight. Naroon makikita ang mga lalaki't kababaihan na nakaupo sa isang tabi, mga nagsasayawan sa indak ng musika. Kapansin-pansin din ang tatlong maliliit na entablado kung saan nagaganap ang main event ng gabi.

I went to the Bartender Station and I was shock to see the bar stools were full of women. Nakaupo ang mga ito't matyagang naghihintay sa akin. I was amazed with the fact that it was empty earlier and now they were all occupied.

"Oh, the hot bartender is here." One of them giggled. I just smiled at them. I may be just seeing things or not but I think I saw them blushed.

"May I take your orders, ma'am?"

"A glass of Manhattan, please."

"I'd like Margarita."

"Martini."

Isa-isa kong nginitian ang mga ito while I was preparing and mixing their drinks. Hindi nakatakas sa aking paningin ang titig ng mga ito. When I was done, I gave them their drinks with a smile on my face.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Tawaghit ng KarimlanWhere stories live. Discover now