Kabanata 18

535 29 1
                                    

By that time, I realized that I was so stupid. Inuna ko ang nararamdaman ko kaysa maalala na magkaapelyido sila ni Ashley. Cleo is also a Lim!

Masyado kasing natuon ang atensiyon ko sa closeness nilang dalawa. I mean, wala namang masama to think maliciously, right?

"Oh..." si Kesha sa tabi ko at bumulong ng, "Cleo is rich?"

Samantalang, nagpatuloy ang usapan sa hapag ng mga Lim at nanatiling nakatuon doon ang atensiyon ni Tim.

"And Sena is..."

Umawang ang labi ko nang magkatinginan kami ni Kesha. Sa tingin pa lang na iyon alam ko nang parehas kami ng iniisip.

"Kung hindi niyo maigagalang ang anak ko sa loob ng pamamahay ko, bukas ang pinto, Papá." Naroon ang tapang sa boses ng papa ni Cleo.

Napayuko naman ang Mama niya, but her Mamang looks sharply at the magnate.

"Pa," si Cleo.

Pilit na kumalma ang Papa ni Cleo. Samantalang, nanatiling matikas ang pag-upo ng matandang lalaki. Nagkatinginan ang mag-asawang kasama nito, habang mas bumaba ang pagyuko ni Ashley.

"Akala ko ba, sasama ka na sa akin sa susunod taon?" the woman asked Cleo. "It turns out that you enrolled in Rotherwoods. Masuwerteng walang conflicts, but it's a risk, Cleo. Sana nag-stay ka na lang sa Clinttons."

"I'm sorry, Tita."

And I can't believe I am witnessing this.

Nag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon, galing kay Mang Mario ang message.

Mang Mario: Ma'am, kumusta na po riyan? Mukhang kailangan na natin pong umuwi.

Pasimple akong nag-type nahinto lang nang magtama ang mga mata namin ni Cleo. I sighed as I proceeded.

Me: Iwan mo na lang po ako, Mang Mario. Fetch me tomorrow.

Pagkatapos ay itinabi ko na ang cellphone ko para mag-focus kay Cleo. She isn't showing it, pero alam kong nararamdaman niya na ang tensiyon, pero nanatili siyang kalmado para sa ikaayos ng usapan, and I admire her for that.

"Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo, Hija?" anang lalaki na kasama ng matanda. "I heard you have a lot of jobs just to sustain your needs in that elite school. Inalisan mo pa ang Clintton's kahit na full scholar ka roon. If this is still about that girl who left you, do you think it's still worth it?"

Napalunok ako.

Si Sena nga ang pinaguusapan nila.

Sena is from Clintton's.

Muling nagtama ang mga mata namin ni Cleo. Halo-halong emosiyon ang naroon, pero mas pinili kong magbaba ng paningin dahil hindi ko kayang tumbasan ang titig niya.

Why do I feel stupid all of a sudden?

"Sorry, Tito, pero birthday ko po ngayon. Can we eat in peace? I also have visitors."

Nakahinga nang maluwag ang mga katabi ko nang magsalita na si Cleo.

Wala namang nagawa ang Uncle niya kundi ang mapailing.

Ang hirap nila panoorin dahil kahit sino sa kanila ay hindi ginagalaw ang pagkain. Maybe this is my time to use what I learned in gatherings.

Tumayo ako. Nagulat sina Kesha, Jonary, at Tim. Muntik pa akong pigilan ni Kesha kung hindi lang ako nagpumilit na pumunta sa table.

"G-good evening po." I am so nervous! "My name is Aurora Givan."

Tiningala ako ng family ni Cleo sa kaliwang parte ng hapag, naroon ang pagtataka sa mukha ng mga ito.

Chance Again (Again Series #3)Where stories live. Discover now