Chapter 2

27 8 1
                                    

"Ano po ba ang aking maipapaglilingkod sa mahal na Imperial Crown Princess Zira Adelaide Cytryn?" rinig ko na magalang na pagbati niya na kaagad kong nilingunan at doon ko nga nakita si Dark na bahagyang nakayuko bilang tanda ng pagbibigay respeto sa mas nakakataas sa kanya subalit nagkamali siya sa parte na iyon dahil hindi niya kailangang magbigay pa ng galang sa akin dahil wala na akong kagalang galang na titulo upang payukuin sa aking harap ang isang respetadong prinsipe ng isa sa kaharian ng Emperyo na ito.


"Anong nalalaman mo?" Diretsahan kong tanong dahil wala akong sapat na pasensya upang magpaligoy-ligoy pa kami.


"Anong nalalaman ko? Marami akong nalalaman Your Imperial Highness" nakangising sabi niya.


"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin at kung anong sagot ang aking kailangan" malamig kong sabi na bahagyang nakapagpatawa sa kanya na kinunotan ko lang ng noo.


"Hindi ko inaasahan na may ganito ka palang pagkatao malayong malayo sa Rose Adelaide Velasquez na ipinakilala mo sa amin na mga kaibigan mo at kay Caide na iyong kasintahan. Sa tingin mo Imperial Highness ano kaya ang kanilang magiging reaksyon kapag nalaman nila ang katotohanan?" Mapang-asar niyang saad na nakapagpangitngit sa aking kalooban.


"Huwag kang magdagdag ng mga walang kwentang bagay na hindi naman dapat idagdag sa ating pinag-uusapan ngayon" kunyari ay hindi apektado kong saad sa kanyang naunang sinabi.


"Wala na pala kaming kwenta ngayon? Huwag mong sabihin na kaya mo kami kinaibigan ay sa kadahilanan lang na gusto mo lamang magmanman sa mga binabalak ng mga Royals laban sa Imperials?" Seryoso niyang tanong na hindi ko naman sinagot dahil para saan pa?


Hindi ako pinalaki na kailangan kong magpaliwanag sa iba dahil bilang pinuno ay dapat gawin ko lang kung ano ang trabaho ko na panatilihin ang kaayusan at kalakasan ng Emperyo at hindi nga kasama doon na ipaliwanag ko lahat ng ginagawa ko sa kanila.


"Huwag mong ilihis ang ating usapan. Tinatanong kita sa kung ano ang nalalaman mo tungkol sa Imperial family?" Malamig kong saad


"Katulad ng aking sagot marami akong nalalaman katulad na lamang sa kung ano ang iyong tunay na identidad, sikretong pangalan, mga makapangyarihang kagamitan na mayroon ang Imperial family at marami pang iba" sagot niya na nakapagpatigil sa akin dahil kung totoo nga ang kanyang sinasabi ang ibig sabihin lamang noon ay alam niya ang halos lahat sa pamilya at kailangan ko na siyang patahimikin sa kadahilanan na ito


Oo, alam ko na kailangan ko siyang paslangin dahil sa kanyang nalalaman pero hindi ko magagawa ang bagay na ito dahil kahit papaano naman, siya ay isa sa mga naging tunay na kaibigan ko at nakapagparanas sa akin ng kung ano ang tunay na kasiyahan sa nakalipas na mga taon


"Ngayong alam mo na marami na akong nalalaman ito na ba ang oras ko para mamaalam?" Nakangising tanong niya na tila ba hindi siya takot mamatay o kaya naman ay mataas ang kompyansa na hindi ko siya magagawang patayin


"Dahil sa naging kaibigan naman kita ay hahayaan na lamang kita" saad ko na mas lalong nakapagpalaki sa kanyang ngisi.


"Hindi ko inaasahan na may isang Cytryn na katulad mo na may malambot na puso na kaya akong pakawalan sa kabila ng aking mga nalalaman" hindi makapaniwalang sabi niya.

The Moon's LiesWhere stories live. Discover now