Chapter 4

9 3 0
                                    

Adelaide's POV

Nagsuot ako ng gwantes at pagkatapos ay napagdesisyunan ko na lang na huwag ng pumasok at magstay na lang kung saan dahil wala ako sa mood pumasok ngayon at kung sakaling magiistay ako dito ay baka pagdudahan na ako ng iba dahil sa doon ako nakatambay.

Habang naglalakad ako sa school iniisip ko ang sinabi ni Astair. Kung tama ang pagkakarinig ko mga Reals daw ang gustong kumalaban kay Astair sa trono at kung mga Reals nga talaga ito ang ibig sabihin ay maaaring kasama ang mga kaibigan ko sa mga iyon.

Tama, malaki ang posibilidad na kasabwat ang mga pamilya nila doon dahil ang sampung pamilya lang naman ang may lakas ng loob na kalabanin ang Imperial family.

*Sigh

Ipagdadasal ko na lang na sana hindi ito dumating sa panahon na kung saan kailangan kong mamili sa dalawa dahil sa pagitan ni Astair at ng mga kaibigan ko alam ko kung sino ang dapat kong piliin na kampihan at iyon ay si Astair, kahit na ang kapalit pa nito ay ang pagkasira ng pagkakaibigan namin pero ipinagdadasal ko pa rin na sana talaga mali ang hinala ko dahil hangga't maaari ayaw kong humawak ng sandata para saktan at patayin ang mga kaibigan ko.

Habang naglalakad ako papalayo sa hardin kung saan kami nag-usap ni Astair ay naramdaman ko na lang bigla na may sumusunod sa akin at gamit nga ang aking mahika ay inasinta ko ang lugar kung saan ang mga matang nararamdaman ko nagmula.

Nagkunyari akong pinagmamasdan ang magandang kalangitan habang pasimpleng pinagmamasdan ang hayop na kanina pa sumusunod sa akin simula ng nagkita kami ni Astair.

Leroux?

"Leroux huh?" sarkastiko kong sabi habang nakangisi atsaka tinira ng diretso ang siyang ahas na sumusunod sa akin.

So tama nga ako na isa nga sa mga pamilya na nagrerebelde sa mga pamilyang imperyal ay ang mga kaibigan ko.

Mukhang matalino nga sila kasi hindi man lang napansin ni Astair na may nakasunod sa kanya pero hindi sapat ang abilidad para maitago sa akin ang presensiya nito.

"Hahahahha mukhang kailangan ko na talagang pumatay ng kaibigan" hindi makapaniwalang tawa kong sabi dahil sa kung anong nangyayari.

"Kailan ba talaga ako makakapamuhay ng payapa na malayo sa magulong mundo ng politika" sabi ko atsaka pabagsak na humiga sa isang bangko sa hardin habang nakataas ang mga kamay at pinagmamasdan ang magandang singsing, na magugustuhan ko sana kung hindi lang dahil sa responsibilidad na kapalit ng pagsusuot ng singsing na ito.

"Pero mukhang imposible iyon ngayon dahil ako na ang siyang opisyal na imperial crown princess at ang susunod na empress ng Emperyong ito. Nakakatuwa namang isipin na umalis ako ng palasyo tatlong taon na ang nakakaraan para lang hindi ako maging imperial crown princess pero kahit anong gawin ko ay ganoon at ganoon pa din, ako pa rin ang siyang imperial princess ng Emperyong ito." I said to myself.

Gusto ko lang naman maging simpleng binibini. Simpleng binibini na pwedeng gawin ang kahit anong gusto niya na walang kahit na anong pumipigil sa kanya. Gusto ko lang naman ng malayang buhay pero bakit ganoon? Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naiipit na naman sa gulo sa pagitan ni Astair at ng mga pamilya ng kaibigan ko.

"Gusto ko lang naman maging masaya subalit bakit parang may laging hadlang sa nag-iisang kahilingan kong ito" napapikit na lamang ako sa aking iniisip

Flashback 3 years ago...

Matapos kong lumabas sa lagusang ginawa ni Astair ay kaagad kong nasilayan ang maingay, at magulo subalit masayang kabisera ng Emperyo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Moon's LiesWhere stories live. Discover now