Chapter 14

20 3 0
                                    

❝Chapter 14 : Students' Worst Enemy❞

Kenneth's PoV

"Sure ka bang uuwi kana sa bahay niyo Bruha?" tanong ni Jay sa akin. Magkasabay kami ni Jay na naglalakad, papunta ako sa school habang siya naman ay papunta sa trabaho sa may café.

"Oo Bruha, halos magdadalawang linggo narin akong hindi umuuwi. Tsaka magaling na yung sugat at pasa sa mukha ko. Alam kong nagtataka na sina Nanay sa totoo kong kalagayan" sagot ko sa kaniya.

"Ganoon ba" napapatangong ani ni Jay. "Ngayon yung exam niyo diba?"

"Oo"

"Goodluck Bruha"

"Nga pala, may iniwan akong notes sa bahay mo. Siguraduhin mong babasahin mo yun, next month na yung early registration ng school namin." pagpapaalala ko sa kaniya.

"Don't worry. Ako pa!" mayabang niyang lintaya na ikinatawa ko. Nang malapit na ako sa school ay nagpaalam na ako kay Jay habang siya ay nagpunta na sa café.

First Sem Exam namin ngayon. For sure maiistress na naman ako. Ang bilis ng panahon, nasa kalahati na kami ng school year. Magdamag akong nagstudy kagabi kaya medyo inaantok ako. Dahil nga scholar ako malaki ang expectation ng school sa kagaya ko. Kaya every exam sinisigurado kong masasagutan ko ang lahat ng tanong. Mahirap nang maalisan ng scholarship. Isang taong nalang mahigit ang kailangan kong tiisin.

"Kenny!" bungad ni Au sa akin nang dumating ako sa room. Kagaya ni Au ay abala rin ang iba kong kaklase sa pagrereview. Napalingon ako kay Luke na natutulog. Jusme, hindi niya ba alam na magtatake kami ng exam ngayon? Alam ko naman na athlete scholar siya kaya wala siyang pakialam sa exam. Pero kailangan niya paring pumasa. He still need to maintain a certain grade. Kung matutulog lang siya baka hindi manlang mangalahati ang score niya. Napailing nalang ako at umupo na sa pwesto ko para magreview ulit.

"I can't do this anymore!" frustrated na ani ni Au. "I really hate exams!" napatawa ako ng muli siyang sumigaw at napasabunot sa buhok niya out of frustration.

"Makakalbo ka lang sa ginagawa mo. Sinabihan na kasi kitang magreview every week ayan tuloy nagcracram ka ngayon. You always do things last minute." pangangaral ko sa kaniya.

"Kenny, I don't need your nagging right now. All I need is your knowledge from your brain. Can you let me have it just once?" parang bata niyang reklamo.

"Kung pwede lang Au, binigay ko na itong utak ko sayo. Kaso--"

"Kaso ano?"

"Lugi ako" natatawa kong ani dahilan para panliitan niya ako.

"Exam is really students' worst enemy!" deklara niya at isinubsob ang ulo niya sa nakabuklat niyang libro.

Napalingon ako kay Luke na kasulukuyan paring natutulog. Napangisi ako nang may kalokohan akong naisip. Mukhang ito na ang araw kung kailan babawi ako sa lahat ng ginawa niya sa akin. Mula sa talong--Sa magazine--sa lahat ng kahihiyang aking ininda dahil sa kaniya. This is it! It's my time to shine.

Dahan dahan akong lumapit sa upuan ni Luke. Napalingon sa akin si Troy pero sinabihan ko siyang huwag maingay. Maingat akong lumuhod sa gilid ni Luke at tinali ang dulo ng bag niya sa may upuan. Nakangisi akong napatingin kay Troy na pinipigilan ang sarili niyang tumawa. Nakita kong may isinulat si Troy sa notebook niya.

Hindi ka ba natatakot?

Umiling ako bilang sagot pagkatapos kong mabasa ang isinulat ni Drake. Bahagya akong umatras at inabot ang notebook ko.

From Enemies To Lovers?(ON HOLD)Where stories live. Discover now