Chapter 1

6 2 1
                                    

Nag-i-scroll ako sa newsfeed ng bagong account na ginawa ko—my rpw account to be exact— nang biglang magnotif sa akin na may nagchat. Siyempre katulad ng nakasanayan ko sa real account ko, i-chineck ko muna ang timeline nito para kilalanin kahit papaano ang mga nagbabalak na kausapin ako.

She's Kesleigh Astrid. She's a threader and based on what i saw on her bio, member siya ng isang hood at currently ay nagrerecruite sila ng members ayon sa isang post nito. I first accepted her friend request before i check her message.

Kesleigh Astrid:

Hi, good morning Azalea! Ask ko lang if baka interested ka na sumali sa sbh namin? Don't worry, friendly ang mga members don at madaming acts everyday na pwede mong salihan.

Seen 8:02 pm

Napaisip tuloy ako, what if patulan ko na lang kaya ang ganito? Napakaboring naman kasi kahit pa may modules. Isa pa, malapit ng matapos ang taon at kokonti na lang ang mga ipinapagawa sa amin sa school. So i replied her message after some minutes of thinking.

To Kesleigh Astrid:

Count me in. It's boring in here and i want to add some spices to my boring life.

Sent 8:30 pm.

Hindi umabot ng limang minuto at nakatanggap na ako ng mensahe galing sa kanya.

Kesleigh Astrid:

Kesleigh Astrid sent an attachment.

Just fill this up for us to recognize you easily and also join the group in the attachment i sent to you. Just tell me if you're done with the requirements para mai-add na kita sa gc.

Seen 8:37 pm.

I first read anything on the attachment she send. Siyempre ayoko namang madali ng mga scam kaya kailangan kong maging mapanuri sa mga sasalihan o gagawin ko online. It says na may mga activities na ipinapagawa every wednesday and saturday at may debate every friday. Tapos 'yong ibang araw ay free day na namin. We can chat all day if we wanted to pero dapat na inirerespeto namin ang mga kasamahan namin. Strictly prohibited bullying in the group pero okay lang naman daw 'yong mga asaran lang as long as hindi nasasaktan 'yong kausap mo sa mga sinasabi mo. And lastly, be friendly at generous sa isa't-isa. We are like a family in this group kaya dapat lang na maging mabait tayo sa bawat isa. Hindi ipinagbabawal ang landian basta dapat kaya mong i-handle ang sarili mo because in this world, we must know that anything can be faked.

After basahin lahat ng guidelines ay sinimulan ko ng sagutan ang mga katanungan. Mostly, about lang siya sa basic informations pero hindi kasama don ang real identity mo. You should be aware na kapag pinasok mo ang mundong 'to dapat handa ka ding pasukin ang mga pekeng pagkatao---o ang mga totoong pagkatao na pilit na itinatago mula sa totoong mundo. Madami kang makikilala dito, maaaring mga magiging totoong kaibigan mo at mag-i-stay sayo for good... at maaaring bigla na lang maglalaho na parang bula. Kaya nga nang pinasok ko 'tong mundong 'to eh inihanda ko na ang sarili kong maka-encounter ng mga bagay na alam kong hindi totoo.

To Kesleigh Astrid:

Im done with all the requirements. Can you add me to the gc now?

Sent 9:00 pm.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa din ito nagsi-seen sa message ko. Siguro ay hindi na ito naka-online dahil hindi pa naman nade-deliver ang chat ko sa kanya. Bumalik na lang muna ulit ako sa pag-i-scroll para libangin ang sarili habang naghihintay sa sagot nito.

"Oh puro ka na naman cellphone diyan. Manlalabo na ang mata sa kakatutok diyan sa cellphone mo eh," nagulat ako sa biglang sermon na narinig ko sa gilid ko. Naaliw ako masyado sa mga nababasa ko kaya hindi ko na namalayan ang pagdating ni Mama. Tuloy ay nakurot na naman ako nito sa tagiliran at nahampas ng walis tambo sa binti. "Tumayo ka na muna diyan at ihanda mo na ang mga pinggan. Magluluto muna ako ng uulamin natin sa kusina." May mga pahabol pa itong sermon tungkol sa pagse-cellphone ko ngunit hindi ko na ito pinansin. Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo sa sofa at sumunod kay mama sa kusina. Ini-ayos ko na ang mga plato at kutsara sa lamesa. Dahil apat lang naman kami ngayon dahil nasa trabaho si kuya ay apat na plato lang din ang inilabas ko. Inihanda ko na din ang mga baso at ipinatong katabi ng bawat plato. Nang matapos ako sa pag-aayos ng mga kakainan namin ay sumunod naman ako sa kusina kung saan nagluluto si mama. Nagluluto ito ng kaldereta at pag sinabing kaldereta ala mama Esme ay hinding-hindi ka magsisising tikman at paniguradong babalik-balikan mo pa. Hindi naman sa ipinopromote ko ang luto ni mama pero parang gano'n na nga.

THE GOLDEN RULEWhere stories live. Discover now