Chapter 2

5 2 0
                                    

Kinaumagahan ay pupungas-pungas ang matang naglakad ako patungo sa banyo para mag-ayos ng sarili. Today is monday again at kailangan ko pang maghanda para sa online class mamayang eight o'clock. Alas-siyete na nang umaga at kahit sobrang inaantok pa ay kailangan ko ng kumilos kung ayaw kong malate kay terror. Favorite subject ko ang accounting pero dahil napaka-sungit ng teacher namin dito ay nakakatamad um-attend ng klase niya. But what can i do? Im just a student and he's my teacher. At kahit nakakainis ang kasungitan niya ay kailangan kong sumunod kung gusto kong makapasa.

Kagabi ay halos ala-una na ng madaling araw ng nakatulog ako dahil sa pakikipag-usap sa gc ng infinite hood. Ngayon tuloy ay nananakit na naman ang ulo ko dahil sa puyat at antok na nararamdaman.

Naglalakad ako patungo sa banyo na halos nakapikit pa ang mga mata dahil sa kaantukan. Argh! I hate monday mornings as always. Nang makarating sa banyo ay nakapikit pa din ang mga mata ko habang tinatanggal ang mga damit na suot, hindi ko pa din iminumulat ng maayos ang mata habang nagbubuhos ng tubig. Ngunit nang mga oras na tumama na sa balat ko ang malamig na tubig ay tila nabuhay ang natutulog kong dugo.

Brrr.. ang lamig nang tubig huhu!

Pero dahil nagmamadali ako at baka ma-late pa ako sa online class, pinilit ko na lang ang sariling masanay sa malamig na tubig. Hindi naman nagtagal at nakatapos na din ako sa panliligo at dali-daling nagsuot ng damit.

I-chineck ko naman ang oras at nakitang seven thirty five na. Dahil hindi naman ako 'yong tipong mag-aayos ng bongga para lang sa online class ay binagalan ko na ng kaunti ang galaw ko. Nang makapagbihis ng uniforme ay nagsuklay na ako ng buhok at naglagay ng kaunting powder sa mukha.

Nang sumapit ang alas otso ay naka-antabay na ang buong section namin sa google meet para sa online class ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din ito dumadating. Pero mas okay na na kami ang maghintay kaysa kami ang ma-late lalo na sa subject niya, panigurado na hindi ka na makakapasok at makaka-attend sa subject niya sa araw na 'yon kung male-late ka. Hayss. Bakit ba ako nag-eexplain eh wala na din naman kaming magagawa kundi maghintay na lang na dumating siya.

Habang naghihintay na pumasok ang teacher namin sa accounting ay naisipan ko munang mag online sa rp ko. At katulad ng mga naunang araw ko sa rpw, kakabukas ko pa lang sa messenger ay nagsunod-sunod na ang naging tunog nito. This is what i hate about having group chats, masyado kasing maingay eh.

When i opened the messages ay mayroon palang bagong member ng hood. He's name is Klyden Smith at dahil hindi naman ako snob na tao at nasa rules na kailangan nating maging friendly ay nagchat din ako para batiin siya.

Azalea Sandra:

Hello, welcome sa newbiee:)

Ilang minuto lang ay nakita kong naseen na niya ang message ko. Ngunit hindi katulad ng ibang member, sineen lang ako nito at hindi ni-replyan. Like, wt-?! Ako? Sineen niya lang? As in ako? Hah! Well, whatever! Hindi ko naman ikakamatay ang maseen kaya ano bang pakialam ko. Kung gusto niyang mang seen e'di go! Walang pumipigil sa kanya. Besides it's a democratic country naman so he can do whatever he wanted to do. Like i care at all.

Nag-out na lang ako dahil pakiramdam ko ay nababanas lang akong makita ang pangalan nang lalaking 'yon. It doesn't matter if he replied or what pero, parang ang unfair naman 'ata. Bakit may favoritism 'ata siya. Argh! Bahala na nga siya diyan!

Inis na ibinaling ko ang paningin sa harapan ng laptop ko at parang mas gusto ko na lang pagsisihan na binuksan ko pa ang rp ko. Mister Sales is looking at me with his deadly glares at kahit sa screen ko lang ito nakikita ay parang gusto ko na lang tumakbo papalayo sa kanya at magtago sa likod ni mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE GOLDEN RULEWhere stories live. Discover now