"Para Kay Ate Gleng"

34 1 0
                                    


Hindi ko alam kung paano sisimulan
Di parin ako makapaniwala na ika'y lumisan
Luha sa aking mga mata'y pilit kong pinipigilan
Sugat sa 'king puso'y 'di ko kayang takpan.

Kahit noong una palang kita nakilala
Galak sa 'king mukha'y di ko maipinta
Sapagkat ang katulad mo'y magaan kasama
Mabait, matulungin, at mapagmahal sa kapwa.

Isa ka sa mga taong umaakay sa amin
Nagpapalakas sa nanghihina naming damdamin
Hindi napapagod na kami'y intindihin
Gumagabay sa landas na aming tatahakin.

Ang dami nating mga masasayang alaala
Sa Dulaang Atin pa nga lang ay naguumapaw na
Naalala mo noong tumira tayo sa Bahay ni Kuya?
Ikaw ang natatanging Ate na takbuhan ng bawat isa.

Ang iyong serbisyo ay hindi matatawaran
Talino at lakas ang iyong ipinamalas at inilaan
Isa kang matapang na babaeng may paninindigan
Walang takot na lumalaban para sa ating bayan.

Para kay Ate Gleng ang araw na ito!
Siya ay ating pagpugayan at bigyang respeto
Ang kanyang kabutiha'y ating isaisip at isapuso
Nawa'y mananatili syang buhay sa 'ting mga puso.

Maraming salamat sa lungkot at ligaya
Katawan mo lang ang nawala 'di ang 'yong diwa
Sisibol muli ang panibagong punla at pag-asa
Magtatagumpay tayo sa muli nating pagkikita.

-December 27, 2021   3:09PM

Mataas na pagpupugay Ate Glennis Suminguit-Uyanguren ✊
Yakap ng mahigpit Kuya Edge Uyanguren ❤️

Poems - Tula (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon