Chapter 6: Let me take you there

3.8K 116 11
                                    

ADDIE

"AHHH! I KNOW RIGHT!" proud kong sabi sa mga kaibigan ko pagkatapos kong magkuwento tungkol sa mga nangyari kahapon. Nasa student lounge kami at hindi kami matapos-tapos sa pagkain ng lunch dahil sa kakatili namin.

"We're so happy for you, Addie! Finally!" masayang sabi ni Zia habang inaalog-alog niya ang balikat ko. "So, anong plano mo?" tanong niya.

"Syempre, magpapaganda ako. Kailangan ako ang pinakamaganda sa prom para nasa akin lang ang atensyon ni Pangilinan," desidido kong sabi at sumang-ayon naman silang apat.

"Dapat lang, Adds!" sabi pa ni Mary.

"'Wag kang papatalo kay Chelsea," sabi naman ni Michelle.

"Si Addie pa ba? Kailan ba nagpatalo kay Chelsea 'yan?" natatawang sabi ni Rheigne.

"Of course, never! Over my sexy alive body!" maarte kong sabi at nagtawanan kami.

Nagpatuloy kami sa pag-ku-kuwentuhan habang kumakain ng lunch at maya-maya ay nakita ko ang pagdating nina Julian, Dane, Stefan, at Kevin. Halos mabali na ang leeg ko sa paglingon pero hindi talaga nila kasama si Pangilinan.

"May partners na kaya sila? I heard si Axel mayro'n na raw," rinig kong bulungan habang naglalakad palapit sa amin ang Xscape sans Pangilinan. Hindi ko alam kung bulungan nga 'yon dahil rinig na rinig namin ang pinag-u-usapan ng mga babae sa kabilang table.

"Nasa'n kaya si Kuya Axel? Siguro nagtatago siya dahil ayaw niyang pagkaguluhan," rinig ko pang sabi nitong isang may full bangs. Alam kong juniors sila dahil sa kulay green nilang ribbon. Iba-iba kasi ang kulay ng mga neckties at ribbons per year level kaya madaling ma-distinguish 'yon.

"I agree! Baka naman kasi hindi totoo ang rumor na may partner na siya," sagot ng katabi niyang nakasuot ng glasses.

"Well, I heard from other seniors that he turned down Ate Chelsea yesterday so I guess wala pa nga siguro siyang partner," sabi ng naka-ponytail ang buhok.

"Teka, how about the desperate girl from yesterday? Her name's Addie, I think? 'Yong niyakap niya? Baka siya ang partner ni Kuya Axel," sabi naman nitong morena kaya bumaling na ako sa kanila.

Hindi yata nila napansin na malapit lang ang table namin sa kanila at rinig na rinig ko kung paano nila ako pag-usapan.

"Yes, ako nga ang partner niya," proud kong sabi habang nakataas ang kilay ko. "I'm that desperate girl from yesterday who fortunately earned Pangilinan's yes. May problema?"

"Wala po, Ate," iiling-iling at mahinang sagot nila. "Sorry po."

"Chill, Adds! It's not worth it," saway sa akin nina Rheigne at Zia pero umirap lang ako.

"Ang mahalaga naman, partner mo na si Axel. 'Wag mo na silang patulan," dagdag pa nina Mary at Michelle pero hindi ako nakinig sa kanilang apat.

"I got this," sabi ko at muli akong bumaling sa morena. "Next time, ha? Please don't ever talk about me behind my back. You don't even know me," paalala ko sa kanya bago ako muling umirap at bumalik sa pagkain.

"Hi, guys!" bati sa amin nina Julian, Dane, Stefan at Kevin nang makalapit sila sa table kung saan kami nakaupo.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Zia sa kanila at sabay-sabay silang tumango.

"Kakatapos lang," sagot pa ni Julian.

"Yo, Addie! What's up? Bakit pinagdidiskitahan mo ang walang malay na pork chop?" tanong sa akin ni Dane pagkatapos nilang kumuha ng mga upuan para makisiksik sa pwesto namin.

Steal Your HeartWhere stories live. Discover now