Chapter 25: Valentine's Day

2.5K 70 5
                                    

AXEL

"Oh," ibinaba ko sa tabi ni Kailyn ang maliit na box na dala ko at yumakap ako kay Mommy na nakaupo sa tabi niya. Inabot ko ang tatlong sunflowers na dala ko bago ako humalik sa pisngi niya.

"Happy Valentine's Day, 'My," malambing kong sabi. "I love you."

"Thank you, anak," nakangiting sabi ni Mommy at pinaupo na niya ako sa pwesto ko. "Nasa'n ba ang kuya at daddy mo? Para makapag-lunch na tayo."

"Si Daddy nasa labas, 'My. Si Kuya Leon nasa kwarto pa, sandali lang daw," sagot ko bago ako bumaling sa bunso kong kapatid na nakatitig lang sa box na bigay ko. "What?"

"Iniisip ko kung ano na namang kalokohan ang ginawa mo rito, Kuya," itinaas niya ang kaliwa niyang kilay habang itinutulak ang box pabalik sa akin. "Ayoko n'yan. Thank you na lang."

Last year, I gave her a box full of rubber insects for Valentine's Day. Pinagalitan ako ni Mommy't Daddy dahil umiyak si Kailyn nang makita niya 'yon. But in my defense, there were real chocolates under those insects. Hindi lang marunong mag-appreciate ang kapatid ko ng surprise.

"It's a charm for your bracelet. See?" I pointed out as I opened the box. "No rubber insects this time."

"It's a stiletto shoe charm!" excited niyang sabi nang muli kong i-abot ang bukas na box sa kanya. "Aww... Thank you, Kuya!"

"Tamang hinala kasi. Tsk!" I clicked my tongue and even shook my head. "Pinaghatian namin ni Kuya Leon 'yan, mag-thank you ka rin sa kanya mamaya."

"Paano naman, palagi mo na lang akong pinagtitripan," katwiran niya habang kinakabit ang charm sa suot niyang bracelet. "Sige, pagdating ni Kuya Leon," duktong niya.

"Ma, oh," casual na sabi ni Kuya Leon nang dumating siya sa dining.

Inabot niya kay Mommy ang dala niyang heart-shaped container na may lamang chocolates. Inabot niya naman kay Kailyn ang pack of three's ng same brand bago siya naupo sa tabi ko.

"Thank you, Kuya Leon. Pati sa charm," nakangiting sabi ni Kailyn sabay taas ng kanan niyang kamay kung saan nakasuot ang bracelet niya.

"You're always welcome," ngumiti si Kuya Leon sa kanya bago siya bumaling kay Mommy. "Ma, tawag ka pala ni Daddy sa labas."

"Nako, ang daddy niyo talaga, ayaw pang pumunta rito para makakain na tayo," sabi naman ni Mommy bago siya umalis para puntahan si Daddy.

Sumunod kaming tatlo para tignan ang magiging reaction ni Mommy kapag nakita na niya ang living room. Ang totoo n'yan, kami nina Kuya Leon ang mga accomplices ni Daddy para sa surprise niya kay Mommy at kanina pa siya abala sa pag-a-asikaso ng lahat.

"Timothy! Ano 'to?" Napasinghap si Mommy nang makita niyang punung-puno ng bulaklak ang buong living room pati na rin ang grand staircase.

"Flowers, hon," malokong sagot ni Daddy nang lumipat siya sa tabi ni Mommy para yumakap sa baywang nito. Hinampas pa siya ni Mommy sa braso niya at tumawa lang kami nina Daddy.

"Alam ko. What I mean is, ano 'to? Bakit sobrang dami? You don't have to do this. A single rose would suffice," sabi pa ni Mommy.

"But you don't deserve to be given a single rose, Kay. You deserve a garden," malambing na sagot ni Daddy at hinalikan niya si Mommy sa pisngi. "Happy Valentine's Day. I love you."

"I love you," nakangiting sagot ni Mommy at yumakap siya kay Daddy.

"There are langgams na everywhere," maarteng sabi ni Kailyn at tumawa na lang sina Mommy't Daddy.

Steal Your HeartWhere stories live. Discover now