Epilogue

28 8 5
                                    


"Kelan kaya dadating yung inoder ko?"


Nilagay ko na sa lagayan ng plato ang hinuhugasan kong baso. Iniisip ko ngayon kung kelan kaya dadating ang inorder kong bracelet na matching para dun sa crush ko, Habang naghuhugas ako ng mga plato pinagmamasadan ko ang labas ng bahay namin. Kakatapos lang namin kumain ng kapatid ko at nandito ako ngayon sa kusina hinuhugasan syempre yung mga pinagkainan namin.


"Ate! may tao sa labas" sigaw ng kapatid ko na nandoon sa sala habang nanonood ng tv, Iniwan ko muna ang hinuhugasan kong baso at nagpunas ng tissue sa kamay bago pumunta sa sala. 


"Tao po ma'am, Lazada po!" sigaw ng babaeng nasa labas ng bahay namin, Pagpunta ko ng sala binuksan ko na kaagad ang pinto at kinausap ang babae. "Hello po, magkano po?" sambit ko dun sa babae, "340 po ma'am, dalawa na pong item ito" sambit ng babae saakin, Tinanguan ko siya at nagmamadaling pumunta sa kwarto ko para kumuha ng pera.


Binigay ko na kay ate ang bayad at kinuha na rin ang item na inorder ko, "Thankyou po" sambit ko bago isara ang pinto. Habang binibilang ko ang sukli na ibinigay sakin naramdaman ko na parnag may nakatingin sakin, Tiningnan ko ang kapatid ko at tinaasan ito ng kilay "Bakit?" sambit ko sakanya.


"Ano yan?" sambit nito habang nakatingin sakin pababa dun sa hawak hawak ko, "Damit tsaka bracelet" sambit ko bago ko siya iwanan dun sa sala. Dumaretso muna ako dun sa kwarto ko at sinara ang pintuan ko, Isinalpak ko ang sarili ko sa kama bago kuhanin ang selpon ko na nasa side table at binuksan ito. 


"Ichchat ko kaya siya?" sambit ko sa sarili ko bago ko buksan ang app na messenger, Iniisip ko ngayon kung ichchat ko ang lalake na crush ko or sabihin na natin ghinost ako nyeta. Minessage ko ang kaibigan ko na si alicia at nanghingi ng advice kung ichchat ko ba or wag na.


Yen: bb huhu ibigay ko kaya yung bracelet sakanya?


Nanggigil na talaga ako sa sarili ko dahil hindi ako makapag isip.


Alicia typing...


Alicia: Ibigay mo

Alicia: Kaso sampalin ko sya pag tinapon or something pinamigay

Alicia: Itreasure nya yun

Alicia: Suntukin ko sya!


Sunod sunod na message niya saakin, natawa naman ako kaya nawala rin yung inis ko, Dahil din dun sa chat niya kumalma rin ako at nawala yung mga kung ano ano na naiisip.


Yen: Okie, ichchat ko siya pero hindi muna ngayon nahuhurt pako eh HAHHAHAHAHA charz eme lang.


I laugh at myself and iniwan ko muna si alicia dun, Inopen ko yung bracelet muna and buti nalang talaga maganda siya. Meron tig isang magnet dun sa bracelet kaya pag pinaglapit mo magdidikit, binuksan ko narin yung pants na inorder ko, sinukat ko siya and maganda din fit siya sa body ko.


After ko sukatin yung pantalon kumuha ako ng hanger at tsaka nilagay ko na dun sa cabinet ko. Nilagay ko nalang rin muna yung bracelet sa isang maliit na box after ko siya sukatin, Kinuha ko yung phone ko sa may kama at tsaka lumabas ng kwarto.


Bumungad sakin ang kapatid ko na nanonood ng tv nakabusangot pa, problema nito? "Hoy problema mong lalake ka?" sambit ko sakanya bago umupo dun sa may isang set, "Wala badtrip lang ako" sambit naman niya saakin habang naka simangot parin. Natawa naman ako kaya nilapitan ko siya at tsaka binatukan


"Aray ko ah!" sambit niya sakin habang kamot kamot nag ulo nito, tinawanan ko lang siya bago pumunta sa kusina para humanap ng makakakain ulit. "Nakita ko yung crush mo kahapon dun sa court ah" sambit niya sakin habang nakangisi, tiningnan ko naman siya ng masama. "Pake ko dun!" sambit ko ng pasigaw at kinuha na ang chips na kakainin ko.


"Ay asus dinedeny" sambit niya sakin habang nangaasar, "Ikaw tumigil ka nga baka mabato kita ng tsinelas" sambit ko habang nakatingin sakanya ng masama. Napakamot naman ito sa batok niya, "Luh di mabiro" sambit niya, nagmake face lang ako at ginaya ang sinabi niya bago sya irapan.


Kaasar eh lakas lakas ng amats mababato ko na toh ng tsinelas eh, Inopen ko nalang ulit yung phone ko at tsaka binuksan ang messenger. Dumaretso ako sa spam messages umaasa na baka nagchat siya pero wala parin..


Ang hirap niyang intindihin ko bakit bigla nalang siyang naging cold tapos inignore nako, crush lang naman eh kung wala naman siyang feelings sakin willing lang naman ako makipag friends.


Anggulo niya


Nagbigay siya ng mix signals tapos papaasahin ako..


He just left me on read dun sa last convo namin.


He hurted me alot.

Does Love at First Sight really exist?Where stories live. Discover now