Chapter 1

25 4 0
                                    

"Epal sabing yung Purge 1 na nga lang!"

Naiinis na'ko dito sa pinsan ko dahil kanina pa kami nagaaway kung anong movie papanoorin namin, Gusto niya kasi yung Election Year na kaagad eh mas maganda nga kung yung pinakaunang part muna yung papanoorin.

"Eto na kasi!" pasigaw na sambit ko sakanya, maya maya mababato ko nasakanya yung remote ng tv. "Sige na nga" sambit niya na parang natalo sa kung ano man, Napangisi naman ako at pinindot ko na yung play at sinumulan na namin manood.

Habang nanonood kami ngayon dito sa sala, Nag pr-prepare naman ng mga pagkain sina tita at lola dahil birthday ng isa ko pang pinsan. Natatawa ako dito kay Josh dahil kaya pala ayaw niya nung purge 1 kasi naduduwag, nako bakla kasi eh sabi na eh.

"Oh kanta na ng happy birthday! tapos kakain na" sigaw ni lola, kaya pinause muna namin yung pinapanood namin na palabas at nagsi-tayuan. Nagunahan pa kami sa pwesto dahil kung mas malapit ka dun sa pagkain mauuna kapa oh diba ayos, marami kasi kaming magpipinsan kaya kung gusto mo makakapili kapa unahan mo na.

"Happy Birthday to you!" kanta namin kay Denise, Tawa ako ng tawa dahil habang nakanta kasi etong si josh nag ttwerk pa habang kumakanta ng happy birthday bakla talaga! Syempre pagkatapos at pagkatapos namin kumanta nag si unahan na kami kumuha ng pagkain.

Pagkatapos namin kumain napagdesisyonan ko na lumabas nalang muna, para makapag muni muni saglit. Tumingin ako sa itaas at nakita ko full moon ngayon ang ganda niya, iniisip ko kung may nakatingin rin kayang ibang tao sakanya ngayon.

Nakaagaw ng atensyon ko yung ilaw sa court mukhang may naglalaro ng basketball ulit or volleyball, pero bakit may parang kumakanta dun? Gusto ko sumilip dun dahil hindi pa ulit ako nakakapunta ng court uli.

Nakita kong para may anino sa likod ko, bigla ko nalang inambahan ng suntok dahil baka kung sino pa yun. "Aray!" sigaw ni josh, habang nakahawak sa pinsgi niya. Siya lang pala kala ko kasi kung sino eh "Sorry hehe, kala ko kasi kung sino yung nasa likod ko hindi ka kasi nagsasalita" sambit ko habang nakatingin sakanya.

"Gugulatin sana kita eh kaso mukhang ako pa yung nagulat" natatawang sambit niya, Napailing nalang ako sakanya. Naisipan ko na magpasama sakanya sa court kaya inaya ko, "Gusto mo pumunta sa court? kahit saglit lang wala naman din tayong gagawin eh" sambit ko habang pinagmamasdan yung court ng malayuan.

"Hmmm sige!" sambit niya bago tumakbo sa loob, baka magpapaalam kay tita. Hinintay ko nalang siya dito sa labas pero nauna narin ako dun sa may gate at dun na naghintay, Nakita ko na siyang papalapit sakin kaya naglakad na'ko. 

"Ano tara na?" sambit nito saakin, tumango ako pero bigla ko naisip si denise gusto ko siya isama. "Ay wait lang una kana dun tatawagin ko lang si denise" sambit ko sakanya bago tumakbo papunta sa loob, hindi ko na rin hinintay yung sagot niya.

"Denise!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok sa loob pero hindi ko siya nakita, kaya nagtanong ako kay mommy niya. "Tita Anne si denise po?" sambit ko sakanya ng pagalang, "Ay hindi ko alam be, check mo sa taas" sambit niya saakin, Tinanguan ko siya bago tumakbo pataas.

Pagkataas ko nakita ko siya dun sa kwarto nila nakahiga lang, habang nag c-cellphone. "Oy denise sama kaba?" bungad ko sakanya bago humiga sa tabi niya, hiningal din ako dun sa kakatakbo ko ah. "Saan?" tanong niya saakin bago umayos ng upo, "Sa court" sambit ko sakanya.

Napaisip siya saglit bago ulit magsalita, "Ano gagawin dun?" sambit niya habang nakakunot noo na nakatingin saakin. "Sisilip lang wala kasi ako magawa eh, tara na" sambit ko at tumayo na, "Hmm sige" sambit niya at tumayo narin.

Sabay na kaming bumaba, nagpaalam rin muna siya bago kami pumunta dun sa court. Nasilayan namin si josh na kausap si Kevin pinsan rin namin, oh diba ang dami namin nandito pala sa court yung makulit na yon. 

Habang naguusap sila patuloy lang kami naglalakad ni denise hanggang sa nandun na kami sa mismong tapat ng court, meron palang christmas party yung zumba club dito kaya pala maingay. May mga ibang tao parin naman na nandito siguro nanonood, o kaya naman naglalaro ng kung ano ano lumapit na kami ni denise kayna josh at nakipagusap na rin.

May mga lalake dun sa parang trycicle malapit saamin, pero inignore ko lang kasi pake ko naman dun. Habang nagkwkwentuhan kami umaambon na, nakita kong nagsi alisan yung mga lalake na nandun sa may trycicle kaya sabi ko lipat kami nina denise dun kasi naambon na nga. Maya-maya bumalik na ulit yung mga lalake kaso nandun nalang sila sa gilid kasi nakuha na namin tong pwesto nila kanina sorry nalang.

Habang nag kkwentuhan kami may sumigaw na babae sa malayuan.

"Ate yen!" sigaw ng isang babae, nilingon ko naman at si Avery lang pala pinsan rin namin. Nalaman ko kanina na kasama pala kasi yung mama niya dun sa zumba kaya nandito rin siya ngayon sa court nanonood, "Uyz!" bungad ko sakanya, nginitian naman niya ako bago tumabi dun kay kevin.

Nagtatawanan naman sina josh at kevin dahil may pinagkkwentuhan yata sila, Habang mga busy kasama ko pinagmamasdan ko naman ang paligid, May namukhaan ako sa bandang ibaba familliar yung mukha nung babae. Aha! sabi ko na nga ba eh eto yung may crush kay josh na insnob lang niya, kinalabit ko naman kaagad si josh at nginisian ko.

"Bakit?" sambit niya sakin, tinuro ko yung babae "Yung may crush sayo oh!" natatawang sambit ko, bigla naman sumeryoso yung mukha niya halatang hindi nagustuhan ang nakita. "Oh tapos?" mataray na sabi niya sakin bago bumalik sa pakikipag usap kay kevin, nag make face lang ako bago siya irapan.

Nakipagdaldalan nalang ako kay denise tsaka kay avery, habang naguusap usap kami nakita ko yung dating may crush saakin kasi palingon lingon ako sa paligid habang nakikipag usap. Dahil ano parang papansin ako gusto ko sila ientertain mag trtropa or magpapansin, kaya inaya ko sina kevin mag habulan.

Habang naglalaro kami ramdam ko na, na may nakatingin saakin kaya napangisi ako. Dahil umalis kami dun sa may trycicle lumapit sila don, hindi ko nalang pinansin at nakipaglaro parin. Nang mapagod dun nalang kami pumwesto sa may hagdanan.

Si kevin nakita rin yung babaeng may crush kay josh kaya inasar siya nito, ayun naghabulan nanaman silang dalawa naiwan kaming tatlo dito nina denise at avery sa may hagdanan. Habang nanonood kami sa mga naglalaro, Biglang may tatlong lalake na dumating dun sa entrance napatingin naman ako, nung mamukhaan ko yung isa kinikilig na kinalabit ko si denise.

"Ahy Bakit?" nagtatakang tanong niya saakin, palihim kong itunuro yung lalake crush niya kasi yon si Tyler. Nang makita yon ni denise Bigla naman siya nahiya kaya hinampas niya yung braso ko "Luh" sambit niya saakin bago umiwas ng tingin, tinawanan ko lang siya bago tumingin ulit dun sa mga lalake.

Nakatingin lang ako dun sa tatlo biglang lumingon saakin si Tyler kaya nagulat ako, pero hindi naman ako kaagad umiwas.

Halos limang minuto kaming magkatitigan bago ako umiwas ng tingin, bigla nalang ako nakaramdam ng hiya kaya nanood nalang ako dun sa mga naglalaro. Hindi ko napansin na nakatulala nalang pala ako, hanggang sa kinalabit nalang ako ni Bryce.

"Uy! okay kalang? kanina kapag nakatulala jan" nagaalalang sambit niya saakin, "A-ah ano oo" sambit ko at nginitian siya bago tumayo. Tiningnan ko yung pwesto nina tyler kanina pero wala na sila don, sa super tagal ko pala na nakatulala hindi ko napansin umalis na sila.

Magulo na yung nangyari after nung nangyari na yun, basta naalala ko nalang na nagkausap rin kaming lahat magkakasama nina kevin, naglaro panga ulit kami bago nagsiuwian. Pagbalik namin ng bahay dumaretso na kami agad sa taas, dahil biglang nagka ayaan ng sleepover.

After ilang oras, nandito na kami ngayon sa kwarto nakahiga lahat. May sari-sarili kaming buhay dahil mga nag pphone kami, nawala na talaga ako kanina sa tino buti nalang okay na'ko ngayon.

"Huy yen, weird mo kanina ah" Sambit saakin ni denise.

"huh? bakit naman" sambit ko sakanya, nakakaramdam ako ng hiya kasi baka nakita niya na nakatingin ako sa crush niya.

"Nakatulala ka ng ilang minuto kanina, after mo tingnan si tyler may nangyari ba?"  nagaalalang tanong saakin ni denise.


***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Does Love at First Sight really exist?Where stories live. Discover now