Chapter 6

10.9K 132 12
                                    

CHAPTER 6 - PAST DAYS

ANG PAG-ANGKIN AT PAG-PAPAHIRAP KAY JOSHUA (MAYO)

Miguel's POV

Naka-titig lang ako sa batang nasa higaan ngayon habang nakamasid sa mukha nito. Kuhang-kuha nga niya ang mukha ko, nakita ko na si Cassandra sa kwarto niya pero hanggang ngayon nakadatay parin siya at walang malay, 3 days had passed and she still asleep.

Napalingon ako nung bumukas ang pinto at napakunot ang noo ng makita ko si Joshua(Mayo) na pumasok kasama si Kuya Carlo at Tito Nestor. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng mga ito dito. Agad naman lumapit si Tito Nestor sa akin ang tinitigan din si Jr.

"Kamukhang-kamukha mo nga, walang tanong talaga, anak nga talaga siya ni Paulo," sabi niya at nahimigan ko ang lungkot sa sinabi niya.

Hindi ko parin siya tinitignan at kinakausap, naramdaman ko rin lumapit si Joshua sa amin at tinitigan din si Jr. Hinawakan nito ang kamay ng bata pero hindi na lamang ako nagsalita.

"Ang pogi mo, baby," unang salita nito. Kasundo naman tumingin sa akin saka ngumiti, "manang-mana talaga siya saiyo Migs." Dagdag pa niya pero hindi ko siya pinapansin, wala akong panahon makipag-plastic-an sa dalawang malanding ito.

"Anak, uuwi muna ako para magpalit at makaligo ah, kayo muna bahala rito,"agad na sabi ni Dad pagkapasok at mukhang hindi napansin ang dalawang nakatitig sa kanya.

Nakasuot lang kasi si Dad ng faded black Jeans at white shirt na parang see through. Nakalingkis pa ang manggas nito kaya kitang-kita ang malaking braso niya na may ugat pang nakalabas.

"Sige po, Dad," tugon ni Kuya Carlo samantalang ako hindi ako nagsalita, nakatitig lamang ako sa kanya ng walang emotion.

Lumapit naman siya sa akin at kita ko ang pag-aalanganin sa galaw niya. Hindi ko kasi siya kinakausap, kinikibo at pinapansin simula nung naipanganak si Jr. And 3 days na ngayon na parang hangin lang siya sa akin. Ilang beses niya akong binabalak kausapin pero hindi ako nagsasalita.

"Anak, Miguel?" Malambing nitong sabi saka ako hinawakan sa balikat. "Mag-usap tayo kapag hindi kana nagtatampo ah," dagdag pa nito at nakatitig lang sa akin directly to my eyes. Nakipagtitigan din ako sa kanya, "I want to explain everything to you para maintindihan mo ang side ko and please, let me explain my side to you first."

Marami pang sinabi si Daddy pero hindi parin ako sumasagot kaya napabuntong-hininga na lang ito saka ako niyakap ng mahigpit. Napatingin pa siya kila Tito Nestor at Joshua kaya binalingan pa niya ito.

"Kanina pa ba kayo?" Untag niya sa dalawa na nakatitig lang sa amin lalo na kay Daddy. Parang napabalik naman sila sa reyalidad ng marinig nila itong magsalita. Kitang-kita ko pa ang pagpula ng buong pisngi ni Joshua.

"Kakarating lang din namin bago ka pumasok dito, Pau," sabi ni Tito Nestor habang titig na titig kay Daddy. Napalingon ako kay Kuya Carlo ng marinig ko itong napak tsk tsk at naabutan ko pa itong umiling-iling saka bumalik sa paglalaro ng ML sa phone niya. "Are you going home na ba?"

"Oo, ilang araw na ako dito sa hospital at hindi pa ako nakakapagpalit," sagot naman si Daddy rito.

"Pwedi mo ba isabay na lang itong si Joshua at ibaba mo na lang sa apartment niya? Kakagaling lang kasi namin ng Gig at narinig namin nga itong nangyari kaya dumiretso na kami rito, kung ok lang naman saiyo?" Mahabang litanya nito na ikinakunot ng noo ko.

Daddy 2: Darker (BXB) (SPG)Where stories live. Discover now