Side Story

5.9K 81 18
                                    

Side story:
Miguel's real identity

Third Person's POV

"Dad?" Tawag ni Miguel kay Paulo habang hawak-hawak nito ang sentido dahil nahihilo siya't nasusuka. Subalit kanina pa siya nito hinahanap ay di niya ito makita sapagkat nasa opisina siya nito kausap si Michael.

Hinang-hina na itong napasandal sa dingding ng banyo sa kanyang kwarto. Labin-limang taon gulang pa lang si Miguel sa mga panahon na ito kaya't di nito alam ang nangyayari sa kanya. Unti-unting nandidilim ang paningin nito, subalit bago pa man siya makapikit ng mata ay nakita na siya ni Carlo.

"Shit, Migs anong nangyayari?" Natataranta nitong sabi saka hinawakan ito sa noo at nang makitang wala na itong malay ay agad niya itong binuhat at sumigaw ng tulong.

"DAD!! TITO!" Malakas na sigaw nito na agad ikina-agaw atensiyon nila Paulo, Michael at Roman sa kanyang opisina.

Agad silang lumabas at nadatnan si Carlo na karga-karga ang kapatid na walang malay kaya agad silang nataranta. Mabilis silang pumunta ng garahe at halos paliparin na ni Paulo ang sasakyan niya dahil sa namumutla at nawalan ng malay ang anak.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Michael kay Carlo ilang minutong pamamalagi nila sa loob ng hospital.

Nasa loob ng Emergency room si Miguel at di parin lumalabas ang Doktor na kanina pa nilang hinihintay para sa balita kung okay naba si Miguel o hindi pa. Hindi mapakali at hindi alam nila Paulo at Roman ang gagawin, kitang-kita sa mga mukha nila ang pangamba.

"Diko rin po alam Tito, nakita ko na lamang po siyang nakahandusay sa sahig na walang malay," malungkot na sabi ni Carlo saka napahilamos ng kamay.

Napabuntong hininga na lamang si Michael at napatingin sa pinsan na balisa, kitang-kita niya sa mga mata ni Paulo ang malalim na iniisip tila ba hindi lang si Miguel na nasa loob ng emergency room ang kanyang iniisip.

Agad silang napatayo ng lumabas ang kanilang kaibigan na tumingin kay Miguel.

"Paulo, can we talk privately?" Sabi ni David pagkalabas.

Nagtataka silang napatingin dito, kinakabahan at hindi alam ang gagawin.

"Kumusta kalagayan ni Migs, David?" Tanong ni Roman dito. Ito ang pinaka kinakabahan dahil kitang-kita sa mukha nito ang nararamdaman.

"Can we talk it sa office ko? Michael we need to run a test kay Miguel," seryosong sabi nito.

Nagkatinginan silang lahat at nagtataka, agad din silang sumunod kay David na walang nagsasalita hanggang sa dumating sila sa office nito. Hindi na mapakali si Roman kaya pagkapasok at pagkapasok nila ay tinanong na niya ito, mas kinakabahan pa siya kay Paulo na simula kanina ay walang sinasabi. Balisa lang ito at tahimik na nanunuod.

"Anong nangyari at kumusta kalagayan niya?"

"Okay lang ang kalagayan ni Miguel pero ang hindi okay ang batang nasa sinakupupunan niya,"

"What?!" Sabay-sabay nilang tanong dito na gulat na gulat. Si Paulo na kanina ay walang sinasabi ay napalabi ito at napatayo ng tuwid sa narinig. Tila ba nabingi silang lahat sa ibinalita ni David sa kanila.

Daddy 2: Darker (BXB) (SPG)Where stories live. Discover now