II

6 4 5
                                    

Chapter 2.

Hinila nya ang kanang braso ko at mabilis akong itinakbo sa labas ng room namin. "Teka nga lang Ash. Ano bang gusto mo?!" Galit na tanong ko. Mahinhin n'yang binitawan ang braso ko at kinuha ang kaniyang bisikletang nakaparada sa may gilid ng gate. "Gusto kong sundan mo ako, Maja."

Hindi ko alam kung ano'ng binabalak o ano'ng nasa isip niya. Sinundan ko nalang sya sa kung saan niya gustong pumunta. Tumakas kami sa guard sa may tabi ng gate. Inshort, nag cutting kami. Hindi cutting na pag gupit ng papel ha. Cutting na hindi uma-attend sa klase.

Nakarating kami sa isang liblib na lugar. Ito ang lugar kung saan kami unang nagkita ni Ash kanina. Ang lugar kung saan ako ibinaba ni kuyang driver. "Alam mo bang may iba't ibang uri ng role sa pag bibisikleta?" Nakangiti s'ya habang nagtatanong.

"Paano ko malalaman eh hindi naman ako maalam mag bike."

"Oo na, wag ka na magalit." Tumigil siya saglit. "Climber, Sprinter, Puncher at syempre ang All-rounder. Yan ang iba't ibang mga role sa pag bibisikleta."

"Anong ibig sabihin ng mga 'yan?"

"Sprinter. Sila yung mga taong nagpapatakbo ng bisikleta sa isang maikling distansya ngunit sa pamamagitan ng pinakamabilis nilang pag papaikot sa pedal."

"Hindi ko masyadong maintindihan. Pero yung climber ba, sila ba yung umaakyat sa mga matatarik na mga bundok o burol?"

"Oo. Tama ka. Paano mo nalaman?"

"Wala naman. Naisip ko lang yun sa pamamagitan ng salitang 'climb'. Oo nga pala, ano namang meaning ng Puncher? Nanununtok ba sila?"

Tumawa s'ya ng napakalakas. "Hindi Maja. Ang mga Puncher sila naman yung mga taong malalakas ang mga binti. Sila yung mga taong kayang humabol sayo kahit na ilang kilometro pa ang layo mo."

"Ano naman ang all rounder?"

Tumingin siya sa akin. "Hulaan mo." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Una sa lahat, wala naman akong alam tungkol dito. Pangalawa, bakit ba ako sumama sa kanya? "Ahh.. Eh.. Hindi ko kasi alam."

"All rounder. Sila yung mga taong kayang gawin yung naunang tatlong role na sinabi ko. Para sa'kin, sila ang pinakamalalakas. Sila ang pinaka kinatatakutan."

Pilit akong ngumiti. "Ahh, okay. So, pwede na ba tayo bumalik sa school?" Tanong ko.

"Maja, may itatanong ako." Nagulat ako nang bigla niyang baguhin ang usapan. Wala pa nga syang sinasagot sa tanong ko, tapos nagtanong din sya? Pinanganak ba s'ya para maging gaya gaya? "Sa tingin mo, ano'ng role ko?" Dagdag nya.

Kinakabahan ako. Anong isasagot ko? "Sa tingin ko, isa kang sprinter."

"Paano mo nasabi?"

"Nasa patag na daan kasi tayo. Hindi ka rin naman ganoon kabilis magpatakbo kung kaya't naisip kong isa kang sprinter. Mali ba ang hula ko?"

"Oo Maja. Mali." Sambit nya habang tumatawa.

Nag init ang dugo ko. Magtatanong tanong sya tapos pag mali ako, tatawanan nya lang. "Ano ba naman kasing pake ko sa role mo? Jan ka na nga, babalik na ko sa school."

"Teka lang Maja."

"Ano na naman ba?!"

"Isa akong Puncher. Hindi ko binilisan ang pagtakbo ko kanina noong isinakay kita sa bisikleta ko dahil baka kung mapaano ka. Kagaya nga ng sabi ko sayo, wala akong gagawing masama."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tahanan At PahingaWhere stories live. Discover now