CHAPTER 5

15 3 0
                                    

GALING ako sa clinic nagpa-O.B Gyne. One month ko nang dinadala ang baby  sa sinapupunan ko at one month na din na nanatiling sekreto ang tungkol sa pagbubuntis ko. Tanging ang nakakaalam lang ay ang mga kaibigan ko at si Alita. Hindi pa naman nahahalata yung t’yan ko.

Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng sweetheart coffee shop. Gusto ko kasing kumain ng cake na strawberry flavor.

Napa-dako ang tingin ko sa dalawang tao na malapit sa entrance door. Kulang nalang ay langgamin sa sobrang sweet nila sa isa't-isa.

Kumukulo ang dugo ko na nakatingin sa kanilang dalawa. Naikoyom ko ang palad ko, parang gusto ko silang sugurin d’on sa loob at sabunutan yung babae niya.

Napahawak ako sa t’yan ko. Nangingilid ang luha ko sa sobrang sakit. Ako pa itong may lalaki pero siya lang pala itong may kabit.

Azor had no feeling for me. The yearning had vanished,napalitan ng bahagyang pait. How could I feel anything for someone like him?

Bakit si Agatha pa ang minahal niya ? Bakit hindi nalang ako?

May royal blood ‘yon. Ikaw,mayro’n ba nun? Ang gripo at doorknob sa bahay niya,yari sa purong ginto. Yong sa‘yo,yari lang sa crystal. Gatas nang baka ang ipinanliligo ni Agatha. Eh ikaw Apple,tubig na may rosas lang. Nagtataka ka pa ba kung bakit siya ang mahal ng asawa mo at hindi ikaw? Dahil sila ang bagay! Parang baliw ako dito sa loob ng kotse ko dahil kinakausap ko ang sarili ko.

Napapikit ako mariin ng makita ko na hinalikan ni Azor ang kamay ni Agatha.

Damn! Hindi ko na kaya ang nakikita ko.

“Baby,two timer ang daddy mo. Bakit ‘di magawa ng daddy mo na mahalin si mommy mo?” Patuloy ang pag-agos ng luha ko. Ganito naman palagi eh,ako yung nauuwing luhaan. Ako yung legal wife pero ako yung  palaging talo sa amin ni Agatha sa pagmamahal ni Azor. Patuloy parin sa pag-agos ang luha ko sa mga mata ko, parang sirang gripo lang eh.

Hindi ko na kinaya ang lahat ng nakikita ko. Umalis na ako doon. Dahil mas lalo lang akong masasaktan pag papanoorin ko pa silang naglalambingan.

Napadpad ako ngayon rito sa Starbuck. Pinahiran ko ang luha ko. Nanglalabo na ang paningin ko dahil sa luha .

“Ay!” May nabunggo ako at natepalok ako kaya na-out of balance ako. Shit! Bagsak sa sahig ang labas ko nito. Napapikit ako habang hinihintay ang pagbagsak ng p’wet ko sa sahig.

Ganito yung sa mga scenario na napapanood ko sa telebisyon. Sasaluhin ka ng soulmate mo. Sana nga sasaluhin ako ni Azor pero mukhang malabo yung mangyari dahil nand’on siya sa sweetheart coffee shop kasama si Agatha.

Naramdaman ko na may humawak sa bewang ko. Napasinghap ako.

Dinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko nalang. Napaatras ako dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Ramdam ko ang  pag-iinit ng magkabila  kong pisngi dahil sa kahihiyan. Tumingin ako sa paligid at laking gulat ko nalang dahil lahat ng tao rito sa loob ng Starbuck ay sa amin nakatingin.

Gosh! Bakit ba kasi ako napunta rito?

“S-salamat...” Tumalikod na ako ng hawakan niya ang kanang braso ko.

“Teka lang, Miss.” Lumingon ako sa kanya ng nakakunot noo dahil bumaba ang pagka-hawak niya sa kamay ko.

“A-ano?” Tanong ko sa basag at mababang tono.

“I'm Charly Mendez. By the way,can i get your number?... please.”Binawi ko ang kamay ko at binigay sa kanya yung phone number ko para makaalis na sa lugar na ito.

“Nice to meet you.”

Nagpaalam na ako sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti. Pilit ko naman siyang nginitian.

PAGDATING ko sa harap ng bahay, nadatnan ko siyang nakaabang sa may pintuan. Napaboga ako ng hangin ng maalala ko ulit yung nangyari kanina sa sweetheart coffee shop. Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ako sa braso . Tumingin ako sa kanya.

“Where have you been? ” Tanong niya sa malamig na boses. I gasped.

“Kahit sabihin ko man sa iyo kung saan ako galing ay hindi mo naman ako paniniwalaan diba? Sige,pasok na ako sa loob.” Tutuloy na sana ako sa loob ng hindi niya binitawan ang braso ko.

“Don’t. Huwag mong ipakita sa harap ng mga magulang natin yang madongis mong ugali,bitch!”

Tulala lang ako. Talagang gan’on ang pagkakilala niya sa akin. Kahit kailan hindi ako naging madungis na tao. Nagmahal lang ako,yun ang totoo.

Naramdaman ko nalang na hinila niya ako papasok sa loob ng bahay.

“Wait.” Sabi ko. Tumigil siya at lumingon sa akin. Binawi ko ang braso ko at hinawakan siya sa kamay niya. Hindi naman siya nag reklamo o binawi ang kamay niya, he just took a deep breath. Masama talaga ang loob ko ngayon sa kaniya.

Nang makarating kami sa sala ay todo ang ngiti ko. Plastikan lang sa harapan ng mga magulang namin.

“Ang sweet naman ng mga anak natin, holding hands pa talaga oh.” Sabi ng mama ni Azor. Kung alam mo lang mama ang totoo.

“Hello po ma,pa.” Binitiwan ko ang kamay niya at lumapit sa mga magulang namin upang makipagbiso .

Siya naman itong pumunta sa kusina. Nang matapos akong makipag beso ay nag paalam muna ako saglit sa mga magulang namin na magbibihis muna ako.

Ano kayang lulutuin ko ngayon? 

𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Where stories live. Discover now