Chapter 37

417 4 0
                                    

KUMAKAWAY-KAWAY AKO habang panay ang daan naman ni ate sa likuran ko, pabalik-balik siya. Nakatukod ang dalawang siko ko sa handrails kaya nakikita pa rin si ate na nagsusuklay sa kuwarto nila Frances. 

Dalawang beses kumurap si mama, bakas ang saya sa mga mata niya. 

“Mama, kaunting push na lang. Makakauwi ka na rin,” nakangiting sabi ko.

Iyong huling bisita ko sa kaniya noong nakaraang dalawang araw, naabutan ko siyang nagsusulat sa white board.

“Ma, Pa, bukas ako pupunta diyan. May lakad kami ng mga bata kasama si Kalen. Nag-aya kasi silang pumasyal,” paalam ko. Hindi ko nabanggit kanina kay papa kagabi.

Binalingan ko ng tingin si mama na umuungol, parang may gustong sabihin dahil nakatingin siya kay papa. 

“May gusto yatang sabihin si mama, papa.”

Lumingon si papa. Kinuha niya ang white board kasama ang marker. Pinagmasdan namin pareho dahan-dahan na paggalaw ng kamay ni mama. Halos hindi pa niya mahawakan nang maayos ang marker kaya inaasahan kong hindi ganoon ka-readable ang dating, pero naiintindihan pa naman.

Sinamantala ko naman ang pagkakataon para bumaba at tumungo sa sala. Hinawakan ko ang lumuluwang na nakarolyong tuwalya sa ulo ko. 

Pagkaupo ko, sandali kong inilapag ang phone sa tabi para ibalik sa pagrolyo ng tuwalya sa buhok. Ramdam ko ang balat ng mukha kong medyo napipinat dahil sa taas at sikip ng ginawa ko. 

Itinaas ni papa ang white board pagkabalik ko ng tingin. “Oo, anak. Ito iyong isinulat niya. Nababasa mo ba nang maayos?” Iniharap niya sa akin, tumagilid naman ang ulo ko at sinubukan pang baliktarin ang phone ko pero natawa lang akong kinamot ang buhok.

Napagtantong hindi pala sa akin iyong may problema kundi sa pagkakataas ni papa. 

“Baligtad papa kapag front camera.”

Sinilip niya ang whiteboard sabay tingin sa screen ng gadget na hawak. “Paano ba ang gagawin para mabasa mo?”

“Okay na rin handwriting ng mama mo. Nag-i-improve na,” banggit niyang sinusubukang ilayo ang white board.

Mas umayos nga kaysa sa unang subok niya. Nadidiinan na rin niya kaya medyo nababasa. Noong una kasi ay napakalabo dahil sa gaan ng pagkakahawak niya, kaya nahirapan ulit kami sa pag-intindi ni ate kung ano ang gustong ipahiwatig ni mama. 

Mabuti na lang kabisado ni papa ang paraan ng handwriting ni mama, kaya madali lang niyang naintindihan. Dalawang beses kumukurap si mama kapag tumama si papa. 

“Pa, ilagay mo sa back camera. Pindutin mo iyong parang rotate button na bilog diyan sa gilid,” sabi ko.

Tumango naman siyang at maya-maya ay nag-iba ang harap ng camera. Nakita ko nang malinaw ang nakasulat. 

“Nababasa mo na?”

“Opo, papa.” Lumabi akong inulit ang pagbasa.

Enjoy lang ninyo pamamasyal, 'nak. Pakita mo ulit sa akin pics. n'yo tom. Luv u.

Bumungisngis ako sa tuwa. “I love you too. Bumabalik na iyong ganda ng sulat ni mama,” puri kong nag-thumbs up.

Kinuha ni mama ang marker, pilit na inabot ang whiteboard. Gumuhit siya ng ngiti, senyales na masaya siya.

“Ang Ate Rica mo sasama ba sa inyo?”

“Hindi, Pa. Dadaan muna ako diyan bago kami umalis ng kasama ko,” sagot ni ate nang sumulpot sa likuran kong basa pa ang buhok, hindi maayos ang pagkakaipon sa likod.

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now