Chapter 45

452 4 0
                                    

TUMINGIN SIYA sa akin nang diretso. "I don't have plans to fight with you."

Ngumiti naman akong napabuga ng hangin, tuluyang naglaho ang kaba sa puso ko dahil sa paglilinaw niya. Kung puwede ko lang sabihin sa kaniya kung gaano ako kinabahan kanina at kung gaano ako kinakabahan simula pa noong dati.

"Napakaluwag ho sa pandinig na marinig iyan, tita."

Ito ang pinakaunang record na hindi niya ako aawayin kung magtutuloy-tuloy hanggang sa matapos ang pag-uusap namin.

She crossed her legs while not breaking our eye contact. Mas lalo lang nagiging malungkot ang mukha ni tita. Masyadong bago sa akin na makita ito.

She heaved a low sigh, feeling sorry and regret. "Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. Marami akong pagkakamali, halos ako ang nagsulsol kay Aziel kaya naging ganoon siya sa 'yo." Umaapaw sa lungkot ang lumukob sa kaniyang ekspresyon. Para bang binigyan niya ako ng pagkakataon para makita ang ganitong side niya sa mga sandaling ito.

"Kung naging mabait lang sana ako, sana. . ." Suminghap siyang pumikit sandali. "Sana hindi nagkaganito ang pamilya ninyo ng anak ko nang dahil sa akin."

Dumilat siyang itinuon ang tingin sa mga magkapatong niyang kamay sa tuhod. "Hindi ko lang kasi matanggap na ang naging asawa ng anak ko ay anak ng dati kong minamahal na lalaki at dating best friend ko."

Kumirot ang puso ko sa sinabi ni tita. Iba pala sa pakiramdam na sa kaniya ko marinig kaysa noong sinabi sa akin ni manang.

"Sobrang hirap tanggapin ang katotohanan kaya gumawa ako nang paraan para ipaglayo kayo," nailing niyang sabi. Pinagdikit niya ang mga palad sa paraang para siyang nagdadasal. "Pero kahit ilang beses akong nagtangkang paghiwalayin kayo, palagi kong nalalaman na kayo pa rin."

Out of curiosity, bumukas ang labi ko at nagawang magtanong. "Hindi ho ba pumasok sa isip ninyo na ni minsan ay dapat tanggapin n'yo na lang ho ang katotohanang nakaraan na iyong sa inyo ng papa ko?"

Alam kong sobrang nasaktan si tita sa nangyari at umaasa lang ako na baka may sumasagi sa isip niyang dapat hindi niya sa amin ibuntong ni Aziel ang mapait niyang karanasan nang dahil lang sa ako ang anak ni papa.

Marahan niya akong inilingan. "Sobra akong nasaktan at nahirapan ituwid ang buhay ko noon, kaya. . . kaya sa 'yo ako naibuntong ang galit." Iniiwas niya agad ang tingin sa akin.

Dahan-dahan ko namang ipinaling ang ulo ko mula kaliwa at kanan, hindi makapaniwala sa inabot ng galit ni Tita Vivian. Dekada na ang dumaan, nagkapamilya na rin siya at imposibleng hindi pa niya natanggap kung ano ang nangyari sa kanila ni papa.

Kung maaga ko lang siguro nalaman na may past sila, siguro lumayo na ako kay Aziel para hindi umabot sa ganito. Buong akala ko talaga ay ayaw niya sa akin hanggang sa nalaman kong nang dahil sa nakaraan nila ng mga magulang ko kaya ganito niya ako tratuhin. Lalo lang naging malinaw sa akin nang nanggaling mismo sa kaniya.

"Hindi ko matanggap na ang saya-saya ninyong pamilya at samantalang ako, hindi. Ako iyong nasaktan at iniwan ng papa mo. Nagkaroon din ako ng pamilya, pero bakit hindi masaya ang buhay ko?" garalgal niyang tanong pero nang tingnan ko ay wala namang butil ng luha ang tumutulo sa pisngi niya.

Napansin ko bigla ang paghahabol niya ng hininga. Hinawakan niya ang dibdib kaya agad akong naalarma, agad kong inilahad sa kaniya ang juice imbes na tumayo at kumuha sana ng tubig. Ibinalik ko sa mesa ang hawak kong baso nang ilingan niya at hindi tanggapin.

"Tama na ho, tita. Baka mas mahirapan lang ho kayo sa paghinga," saway ko.

Mamaya ako ang sisihin niya kapag isusugod siya sa ospital kapag nahimasmasan. Kapansin-pansin naman sa kaniyang labag pa rin sa kalooban niya ang kausapin ako kahit na natatabunan ng lungkot ang mukha niya. Para bang hindi matanggap ng pride niyang nandito siya sa harap ko.

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now