Simula.

241 11 0
                                    

.

.

.
Hindi ko alinta ang pagod at sakit ng paa ko, pawisan pero patuloy pa din sa pag takbo.

Hindi ko alam kung san ako pupunta pero ang mahalaga makalayo ako dito.

Hingal na hingal akong napayuko at napahawak sa tuhod ko.

Ng ready na ulit akong tumakbo,laking gulat ko ng may makita akong babae sa pag tayo ko..

A girl with blue hair and red eyes wearing white beautiful dress, based on my observation she looks like 18 years old, just like me.

"Who are you?" I ask while catching my breath, dahil pagod pa din ako sa pag takbo kanina.

Ngunit hindi ito nag sasalita seryoso lamang itong naka tingin sakin..

"Hanapin nyo! Anjan lang yan!"

"Hindi pa yun nakakalayo!"

"Hanapin ang halimaw!"

"Magmadali kayo!"

Rinig kong sigaw sa di kalayuan..kabang kaba akong lumingon at tinignan kung malapit na sila, at hindi nga ako nag kakamali.

May dala dala silang flashlight at mga gulok oh kahit anong pamalo na sigurado akong gagamitin nila sakin

Humarap ako upang magpaalam sa babae dahil kailangan ko mg tumakbo ulit ngunit laking gulat ko ng wala na sya sa harap ko.

"a-asan na yun?" Gulat at may pag kalitong tanong ko habang lumilinga sa paligid..

Ngunit wala na akong oras para mag hanap pa kaya pinag patuloy ko na lamang ang pag takbo sa kagubatan..

Takbo lang ako ng takbo at lingon ng lingon sa likudan ko para makita kung nasusundan nila ako hanggang sa di ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kagubatan.

Sa may malalim na lawa,wala na akong nagawa ng mahulog ako dito dahil sa bilis ng pag takbo ko

'shit! Shit! Wrong move! Ang tanga mo self!'

Mga salitang binabanggit ko sa isip ko habang nahuhulog ako pababa.

Pag bagsak ko sa tubig agad akong lumangoy papataas ngunit kung minamalas ka nga nanaman! Tsaka pa ako pinulikat.

'yan bobo ka kasi! Asan na yung powers mo? Mamamatay kana tanga!'

Sermon ko sa sarili ko habang pinipilit lumangoy pataas, kahit sobrang sakit ng paa ko..

Nanlalabo na ang paningin ko ngunit patuloy ko pading pinipilit lumangoy,dahil na din sa pagod ko sa takbo agad akong nawalan ng oxygen sa katawan.

'kaya mo yan self!kunti na lang, you can't die here!'

Pag checheer ko sa sarili ko pero pinagtaksilan ako ng katawan ko, sobrang pagod na ako..

At ilang Segundo lang ang lumipas, nawalan ako ng malay sa ilalim ng tubig.




•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Dont forget to vote and always free to comment ❤️.

Sacred Academy : The Chosen OneWhere stories live. Discover now