Kabanata 6. "DORM?"

114 8 0
                                    



Nagising ako sa isang silid na familiar sakin... clinic?

Bat ako andito? Takang tanong ko.

Ang naalala ko lang ay hinarangan ako ng pitong studyante at pinahirapan.

Pano ako napunta dito?

Agad namang napawi ang tanong ko ng pumasok yung elemental five sa kwarto ko.

"Crystal!" Masayang sabi ni leigh at niyakap ako,nagulat naman ako.

"Yow,cinareer mo yung clinic ahh, ginawa mong dorm" natatawang sabi naman ni Aiden kaya nakatanggap ito ng batok mula kay ruby.

"Tigil tigilan nyo nga sya, kakagising lang diba?" Iritang sabi nito..napakamot nalang ng ulo si Aiden.

"Sino nag dala sakin dito?" Tanong ko sa mga ito..lahat sila ay napatingin kay durien pero sinamaan lang sila ng tingin neto.

"Kami." Si Blake naman ang sumagot saakin...kaya napa ahh nalang ako, alam ba nila yung nangyari sakin? Nasaan na kaya yung mga student na yun.. napatingin naman ako sa mga royalties na nakatingin sakin, kaya kahit na medyo ilang ako ay nagawa ko pang mag tanong.

"Yung ano pala,, hmmm yung mga student na classma-" pag tatanong ko pero naputol ito ng mag salita si durien.

"Don't mind them, they got their punishment" sagot nito na ikinagulat ko.

"Oo nga pala crystal, nabalitaan na ng mga hari at reyna ang tungkol sayo at sa kapangyarihan mo" sabi naman ni ruby na mas ikinagulat ko..

"At inutos din pala ni HM na gawing maaga ang training mo" naka ngiting sabi naman ni aiden..

What? Natulog lang ako pag gising ko ang dami ko na agad nalaman.napabuntong hininga naman ako,

"Ilang oras na ba ko dito?" Tanong ko sa mga ito, natawa naman sila.

"Not hours crystal... it's 2 day's, 2 days kanang tulog, imagine kakalabas mo palang andito ka ulit." Pang aasar na sabi ni Aiden, kaya nakatanggap sya ulit ng batok galing kay Ruby

"Aray naman! Bakit ba?" Nakasimangot na reklamo nito, inirapan lang sya ni ruby.

Nagulat naman ako, 2 Days? Bakit? Ganun katagal? Hanep naman.

"Your training is tomorrow morning after your first class, dahil may kailangan kaming puntahan bukas ng umaga, sinabi ni HM na pumasok ka muna" sabi naman ni blake kaya napatango nalang ako.

Bigla namang may pumasok na nurse at sinabing pwede na akong lumabas, kaya agad akong naglinis ng katawan at nag bihis mabuti at may dala si ruby na damit, err,ilang days din akong di naligo.

Pag katapos ko ay agad kaming lumabas ng clinic para pumunta sa dorm ko.

Alas sais na ng gabi at medyo madilim na ang paligid

Shit, ano nga ulit yung dorm ko? Naiwan ko ata yung susi sa classroom, need ko pang balikan.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nasa harap ko nag uusap usap.

"Hmm guys?" Tawag ko sa mga ito kaya napalingon naman sila, at napakunot noo.

"Bakit crystal?" Tanong ni Aiden.

"Naiwan ko kasi yung susi ng dorm ko sa classroom, kukunin ko lang sana" sabi ko naman na ikinatigil nila,.. napatingin naman sila sa isat isa

"Ahh crystal ano kasi.." parang hindi pa alam ni blake kung anong sasabihin nya.

Sacred Academy : The Chosen OneWhere stories live. Discover now