Chapter 2

96 10 0
                                    

Junior High School Building.

Room of Grade 9 - Newton.

Hapon na kaya mainit ang sikat ng araw lalo na sa labas, lunes ngayon kaya naman ay may pasok, kasalukuyan nga kaming narito sa loob ng aming silid-aralan. Magkatabi kaming nakaupo ni Herza at sa likod naman namin nakaupo si Asher, bakante naman ang katabi niyang bangko. Katatapos lang ng period namin sa Mathematics at tantya ko'y papunta na rin dito sa oras na 'to ang guro namin sa Mapeh.

No'ng nakaraan pa ipinakilala sa 'min ng adviser namin ang bagong kaklase namin na si Garithel. Pinag-iisipan na nga naming magkakaibigan kung papaano namin 'to lalapitan, eh, halata namang ayaw nitong makihalubilo sa mga kaklase namin, paano pa kaya sa 'min 'di ba?

"Hindi pa ba natin lalapitan si pre?" mahinang usal ni Asher sapat lang para marinig namin ni Herza. Pareho kaming pasimpleng lumilingon sa kabilang column ng mga upuan kung nasaan ang bangko ni Garithel. Nasa bandang unahan ito nakaupo kaya alam kong hindi nito malalamang pinag-uusapan namin siya kanina pa.

"Ay agree, bhie. Ang pormal kasing tingnan kaya nasa-shy ang iba na lumapit. Mga kiti-kiti pa naman classmates of us, want 'yung may pagkatarantado ang kino-close para raw happy everyday," sagot ni Herza.

Salubong ang kilay na natawa ako at napasulyap ulit sa lalaki bago napailing. "Pa'nong may lalapit d'yan? Para 'yang walang bibig 'tsaka mas madalas pang kaharap ang mga libro at notes kesa sa tao!" Natawa naman sila.

"Gogu. Heart, 'yung boses mo hinaan mo naman." Saway sa 'kin ng lalaking kaibigan bago niya ibalik ulit ang kaniyang tingin sa unahan. Naramdaman kong isinandal niya ang kan'yang mga braso sa likod ng upuan ko at mas nilapit ang mukha niya sa pagitan namin ni Herza. "Tapos alam n'yo naman na may lessons at activities na kailangang habulin si pre."

"Naisip ko lang, what if ma-knows ng mom niya na we're not doing 'yung ni-promise natin?" Bumakas ang pangamba sa mukha ni Herza habang naglilista siya ng mga sangkap ng isang putahe sa maliit niyang kulay kahel na notebook.

"Kasalanan mo. Ang lakas lang ng loob mong mangako pero hindi mo naman pala kayang tuparin!" asik ko rito na may kasamang batok.

"Shems. Why me? Si Asher ang sisihin mo! He said to tita na siya raw bahala kay Ram!"

"Ano?" Mabilis na kumunot ang noo ni Asher. "Ikaw 'tong nagsabi na aalisin mo kamo ang hiya sa katawan ni pre. Gogu ka ba?" Dinuro pa niya ang katabi ko.

Parang nag-iinit na yata ang ulo ko sa mga naririnig. Mariing naglapat ang aking labi at dismayadong natampal ko na lang ang noo ko.

Wala talaga akong maaasahan sa dalawang 'to pagdating dito. Alam ko namang puro napapako ang mga pangako nila noon pa!

"Tumigil na nga kayo! Kung ganiyang para kayong mga leon d'yan, mas matatakot pa 'yon kesa lumapit sa 'tin! Putek!"

Tinaasan lang ako ng kilay nitong babaeng katabi ko. "Shems ka. Grabe ka naman maka-leon to us! If you're matapang talaga, ayain mo nga si Ram na sumabay sa 'tin later 'pag break time? Hihi."

"Hays. Oo na, oo na!" pagsuko ko, naririndi na sa boses ng katabi. Natawa naman ang dalawa at nag-apir pa!

Ay putek! Naisahan na naman ako ng dalawa. Mukhang planado ang bangayan nila para mapa-oo ako agad agad, ah!

Naglapat ang labi ko at yamot na tiningnan ang dalawa.

Kainis!

Habang wala pang teacher, sinamantala ko na ang pagkakataon para lapitan ang lalaking si Garithel Ram. Nagbabasa pa rin ito ng libro, may papers na blangko at ballpen naman sa armchair niya, mukhang may kailangan siyang sagutan.

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon