Chapter 26

36 7 0
                                    

Putek...

Putek ano sa tingin niya ang ginagagawa niya?!

Dali-dali akong naglakad palapit sa cottage. Humahangos akong pumasok sa cottage dahil may kalakihan ang cottage na ito. Agad kong nalanghap ang amoy ng alak sa kanila. Nandidilat na tinitigan ko si Asher ngunit mukhang hindi niya ako napapansin!

Sa inis ko ay salubong ang mga kilay na inagaw ko ang iniinom niyang alak.

"Hoy akin na 'ya—"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla ko siyang batukan nang pagkalakas-lakas! Binuhos ko ba naman lahat ng sama ng loob ko sa kaniya!

"A-Aray..." malumanay na reklamo niya habang hinihimas ang kaniyang batok.

"Putek ka? Sabi mo kukunan mo 'ko ng pagkain— alam mo ba'ng kanina pa kita hinihintay? Ha?!  Kanina pa kumalakam sikmura ko. Pero makikita lang kitang nagsasaya rito?! Umiinom?!" asik ko sa kaniya at sinubukan siyang hila-hilahin palayo ngunit mas malakas siya sa 'kin kaya tanging manggas lang ng polo niya ang nahihigit ko!

"Hey... Babygirl... let him.. go..." singit naman ni Jamir na may hawak na shot glass at mahinang inaalog ito bago niya ito ininom. "Ah.. We're just having fun. Let him be.." aniya pa na may mapupungay na mga mata. Namumula na ang mukha nito kaya alam kong may tama na ito.

"Tumahimik ka nga," asik ko sa 'king pinsan. "Eh, buti kung ikaw ang naglalasing ay hahayaan lang kita kasi lasinggero ka talaga. Pero itong si Asher? Hindi 'to umiinom!"

Inis na nilingon ko ulit ang hinihila kong si Asher. Nakayuko lang ito at kahit na medyo dim ang liwanag sa bandang 'to ng resort ay nakita kong namumula na ang kaniyang tainga. Sa tantya ko'y hindi pa siya gaanong lasing at nakaupo pa naman siya nang maayos kumpara sa mga kasama niyang halos mahulog na sa kawayang inuupuan nila, may isa na ngang tulog na yata, nakayuko ito at nakasandal ang ulo sa haligi ng cottage.

Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Asher. "Bakit ka naman uminom? Hoy? Kilala mo pa ba 'ko?"

Umangat ang mukha niya para tingnan ako. Nang magtama ang mga tingin namin ay malawak na napangiti siya, ngiting parang tinatamaan na ng alak. Tinitigan ko ang ngayo'y mapupungay niya ng mga mata.

Nakainom na nga talaga ang mokong na 'to.

"Heart..." ngiti niya pa bago magsalin sa isang shot glass at straight itong ininom. Matapos ay lumingon ulit siya sa 'kin.

"Ano'ng... problema?" mabagal na tanong niya.

Tinitigan ko lang ang mapungay niyang mga mata. Naiinis ako sa maraming dahilan ngunit nang makita ko ang sitwasyon niya ngayon. Na para bang ang baba ng energy niya, ang lugmok niyang tingnan, malungkot. Sigurado naman akong hindi pa siya gaanong lasing... pero bakit ganiyan siya katamlay ngayon?

Mayro'n ba siyang problema na 'di namin alam?

Kung mayro'n man... Rerespetuhin ko na lang na hindi niya oa ngayon kayang sabihin kahit man lang sa 'kin... Pero sana naman... Sana dumating ang oras na kusa na niya itong sabihin sa 'min. Para naman matulungan namin siya ni Herza... Hindi kasi ako sanay na ganito siya. At kung makita rin siya ngayon ni Herza, siguradon akong ganito rin ang mararamdaman niya.

Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga matapos kong alisin ang paghila sa damit niya. Napatingin siya sa kamay ko bago bumalik ang tingin niya sa mga mata ko.

Seryosong tinitigan ko siya sa mga mata. "Tara na. Uwi na tayo."

Malumanay lang ang aya ko sa kaniya. Ngunit hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil agad ko na siyang tinalikuran at nagsimulang maglakad palabas nitong resort. Wala naman akong narinig pa kay Asher.

Heart Reaching YouWhere stories live. Discover now