"PANSIT"

884 10 1
                                    

                                                   ┏━•❃°•°❀°•°❃•━┓

Kakauwi ko lang sa trabaho ako'y gutom na gutom, mga 12pm na ng hating gabi sigurado natutulog na ang aking mag-ina, di ko naman sila masisi dahil gabi na at may pasok pa ang aking anak. Tinangal ko ang sapatos ko bago pumasok ng bahay, sinabit ko ang aking bag sa sabitan pagkatapos non ay dumiretso agad ako sa aming kusina. May nakita akong pansit! Sakto gutom na gutom na ako, kumuha nalang ako ng tinidor dahil konti nalang naman yung pansit mauubos ko na yan. Pero nagtaka ako dahil alam ko ang ulam ngayon araw ay menudo?....pero siguro may nag-birthday. Agad akong kumain, "Bakit ito maasim?" napasabi ko ng malakas tinakpan ko tuloy ang bibig ko dahil baka magising ang aking mag-ina. Ngunit patuloy lang ako kumain.....tapos na ako kumain medyo sumakit ang tiyan ko *creak* napatalikod ako sa malakas na tunog na iyon nakita ko ang aking asawa halatang kakagising lang niya. "oh nakauwi ka na pala, ano oras ka na nakauwi?" sabay tingin niya sa oras."ah nakauwi na ako mga 12 na, mas natagalan pa nga ko sa byahe eh, trapik" sabay halik ko sa pisngi nya."ah okay, nakakain ka na ba?siya nga pala nasaan yung pansit dito?"tanong niya saakin. "oo nakakain na ako kinain ko yung pansit na nandyan sa lamesa bakit balak mo ba yon kainin?" napatingin sya saakin na parang may sinabi akong nakakatawa "pfft, bakit ko yon kakainin eh panis na yon?"sabay tawa niya nung nakita niya yung mukha ko "panis?" "oo hahaha panis na yon" *blink* "kaya pala maasim sya"pagtanto ko. Nakisabay na din ako tumawa, Natawa ako sa sarili ko. Huminto ako sa kakatawa bigla ko nanaman naramdaman ang pag-sakit ng chan."Ano sumasakit na tyan mo?Karma mo yan di mo kasi muna sinusuri yung kakainin mo basta kakain ka lang"biro saakin ng aking asawa "haha *sarcastic* sorry na po" sabay halik ko sa pisngi nya at tumakbo na agad ako sa banyo, rinig ko yung tawa habang tumatakbo ako.

                                                   ┗━•❃°•°❀°•°❃•━┛

Tagalog short story (rom-com)Where stories live. Discover now