1

5 1 0
                                    

Akie's pov

Pinakiramdaman ko ang aking sarili.
Habang nakaupo sa malawak na damohan kung saan natatanaw ko ang mga bolubundokin sa kalayuan.

At nag iisip kung gusto ko pa bang gumising kinabukasan.

Ikatlong araw na ngayon ng magsimula kaming mag linis,kahit apat kaming naglilinis di parin kami tapos dahil sa malaki talaga ang bahay nato.

"Iniisip ko pa lang na matatapos ulit ang araw ko sa pagbubuhat ng mga gamit na mabibigat na di naman matapos tapos eh,iiyak na talaga ako."

Kahit kunti na lang ang bubuhatin at lilinisin pero dahil sa mabagal ako kumilos aabutin parin yun ng boung araw.

Pinag saklop ko mga palad ko dahil ramdam ko pa din ang panginginig nito.

Dahil siguro sa puspusang pagbubuhat.

"Hoy!nandito ka lang pala tsk,"si Lou,tsaka tinapik ang balikat ko na may kalakasan."Maghahapunan na daw,tumayo ka na jan bilisan mo."at tinalikuran ako.

Hapunan????

Nasisiguro kong wala pang alas 4 ngayon.Dahil sa medyo tirik pa ang araw.Pero binilisan ko parin ang tayo dah---

"Hoyyyy Akie!!!nak naman ng pokyaaa oo,nandito nako't lahat nandyan ka parin.Ang kupad mo na mang kumilos,ano ka ba ka nunununoan ng mga pagong!!!!"at mabilis na pumasok sa
bahay.

Napanguso na lang akong nagtuloy sa paglalakad.

Medyo masungit siya pero kahit papaano..mabait naman......kunti.

Pshh,ba't ba ang bilis nyang maglakad kahit maliit ang mga binti nya,ano kamag anak din sya ng mga rhino?

Nakaupo na sila kaya yumuko ako bilang pag bati,nahiya rin ako ng unti dahil ako na lang ang hinihintay.

Binigyan ako ni kuya Eddie ng ngiti at pinaghila ako ni nanay Felly ng upuan.

"Magpahinga tayo ng maaga ngayon,kumain na lang kayo ulit para sa oras ng hapunan."

"Sana hindi ka masyadong napagod sa mga nag daang araw na tinulungan mo kami sa mga gawaing bahay,Akei."si kuya Ed.

Pekeng tawa lang ang naitugon ko sakanya.Mas madadagdagan ang mga kasalanan ko kung magsisinungaling pa ko ngayon.

Nilagyan ako ni nay Fe ng pagkain sa plato ko at a-ang ......dami.

"Ah nay Fe....ayos na ho yan."awat ko ng maglalagay pa sana sya.

"Tsk,ang liit ng kanakain mong bata ka.Tingnan mo nga yang bewang mo ang liit liit."panenermon nya.

"Kahit ano pong kain ko,hindi po talaga ako nagkakataba."mahinang ani ko.

"Eh,ang sabihin mo naiingit ka lang sa bewang nya ate pffttt..."nang aasar na na sabi ni kuya Ed sa nakakatandang kapatid.

"Hahahahaha,oo nga pala tri-nay nyo po palang mag diet ...."sinamaan ng tingin ni nay Fe ang mag ama."Wag mong sabihing sinusubukan mo paring mag diet nay Fe,"

"Ikaw Lou wag sabing magsasalita ng may laman ang bibig,tumatalsik!,"nakangiting nakatitig lang ako sa kanila ng patuloy nilang pagtulungan si nanay Fe sa pang aasar."Mas mabuti nako,matabang hindi bansot kesa sa inyong nakatayo na nga para paring nakaluhod."nagkatinginan ng matagal ang mag ama.

"Aba't----namemersonal ka ate ah."

"Di na man masakit."nakangiwing sabi ni Lou.

Natatawa akong sumubo sa reaksyon nila.

A Badboy's LoveWhere stories live. Discover now