2

2 1 0
                                    

Lou's pov

"Hayy,ang layo naman ng tinakbo mo Akie,tingnan mo nagdidilim na,"sabay turo sa papalubog na araw.

Na sana di ko na lang ginawa,dahil tumigil talaga syang maglakad para tingnan ng maigi ang pagtatakipsilim.

Bagal bagal na nga maglakad tumitigil pa eh.

Gusto ko ng matulog.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng ganyan,manghangmangha ka ah."tumango lang sya bilang tugon ng hindi inaalis ang paningin sa tinitingnan.

"Ang lungkot naman ng buhay mo."

"Di naman masyado,"bahagya syang ngumiti."Sa tingin mo,walang magandang nangyari sa buhay ko?"

"Ewan ko.Ikaw lang makakasagot nyan."dagdag ko."Kasi minsan,iba ang nakikita at naiintindihan ng mga tao sa buhay na nararanasan mo."

"Pano mo nasabi?"

"May mga tao na hindi gaano marunong e express ang sarili nila.Kasi pareho lang ang pinapakita nilang reaksyon kung masaya o malungkot sila,"pagpapaliwanag ko."Kaya ikaw lang din ang nakakaalam kung tunay ka talagang masaya."

"Wag kang mag alala,kung gusto mo talagang makakita ng sunset parati dadalhin kita sa may iba't ibang view na may sunset."at tinaas ko ang kanang kamay para mangako.

At inakay sya ng dahandahan sa paglalakad.

Akie's pov

Nakaramdam ako ng excitement sa ipinangako ni Lou.Hindi matanggal ang gaan sa loob na nararamdaman ko ngayon.

Kaya di ko agad napansin na nahinto pala kami.Nakatanaw sya sa bungad ng bahay.

"Simula ngayon Akie,don ka na sa kwarto ko matutulog."usal nya."May dalawang higaan kasi don,may sariling kwarto si tatay,ayaw naman ako makasama ni nay Fe sa iisang silid,"nagbukas ang lahat ng ilaw sa daan kaya napapikit ako sa bilaang pag ilaw.

"Alam mo na kung nasan yon diba?"

"Ah oo,pero ayos lang ba talaga?"

"Oo naman,para narin may kasama ako sa kwarto,nakakatakot na ring mag isa eh."inalalayan nya ako hanggang makapasok kami sa bahay.

"Mauna ka na muna,sasabihin ko kina tatay na nandito na tayo,"tsaka inilagay sa lamesa ang dalang first aid kit."Sa likod ka na dumaan,mag iingat ka."

Paika ika akong naglakad papalabas ng bahay para dumaan sa likod.Mas madali rin ang daan nato papunta sa kwarto ni Lou dahil isang likuan lang sa tapat ng swimming pool, pinto na agad ng kwarto ni Lou ang bubungad sayo,kung sa living room kasi mapupunta ka pa sa kitchen at laundry room para makarating don.

Masyado akong tutok sa daan may mga vase at medyo madilim sa parti nato.

Bat ba napunta pa ako dito sa makipot na daan.

Humawak ako sa pader at pwersahang tulak ang ginawa ko sa para makakuha ng lakas na maihakbang ang binti ko sa may mga kalakihang vase na nakaharang sa dadaanan ko.

"WHAT THE HE----"(splashhhhhh)

Napalingon ako sa likod ko ng may narinig akong paglubog ng ta-tao ngaa!!

I froze for a moment.

Shooottttt!!

So sya ang nahawakan ko!

Ahhh ang tanga,tanga ko!

Hindi ako marunong lumangoy!

"Oh my Goshh..."i can't do anything but praying na sana mababaw lang yong pool.

A Badboy's LoveWhere stories live. Discover now